Chapter Thirty-nine "f**k!" biglang balikwas ni Xachary na ikinataranta ko. Mali-mali kasi magbigay ng instructions itong si Keisha Azell. Kumuha agad ako ng tissue at iniabot kay Xachary na parang nagising lang pero hindi ang utak. Pinunasan nito ang mukha. Walang reklamo. Iyong f**k lang kanina dahil siguro sa gulat. Pagkatapos ay humiga itong muli. Mukhang masama talaga ang kanyang pakiramdam. Kawawa naman. "Akin na. Pigaan ko nang maayos sa banyo." Inagaw ni Keisha ang hawak kong brief ni Xachary. Habang ako'y naupo sa gilid ng kama. Pasimpleng humila ng sinulid sa dress na suot ko. Ipinatong ko iyon sa bedside table para mamaya'y magamit ko. Nang ibigay ulit ni Keisha ang brief na puti ay sinimulan ko na ang maingat na pagpunas sa lalaki. Sa tuwing lumilingon ako kay Keisha ay big