Chapter 01
3rd Person's POV
"Keith, how are you son? Kumain ka na ba?"
Pumasok ang batang si Keith sa pinto. Bumungad sa kaniya ang ina na may suot na apron at may hawak na plato. May lalaking nakaupo sa harap ng table— may hawak na magazine at sumisimsim ng kape.
"How's school— hindi ka naman siguro nakipag-away ulit hindi ba?"
Iyong liwanag na nakikita ni Keith ay unti-unti nagpa-fade. Parang mga salamin iyon na nagkadurog-durog. Nasa harapan na siya ngayon ng dalawang kabaong.
Napapalibutan ng mga bulaklak at sa gilid 'non ay ang litrato ng kaniyang ina at ama.
Natakpan ni Keith ang mga mata matapos balutan ng liwanag ang buong silid niya noong may nagbukas ng mga kurtina.
"Hanggang sa anong oras mo balak matulog Mr.Pittman? May klase ka pa hindi ba?" tanong ng lalaki na nasa 30s na. Sandro Wu— butler, s***h 3rd generation family lawyer ng mga Wu.
Itinulak ni Keith ang sarili at umupo sa ibabaw ng kama. Sinuklay ang buhok.
"Hindi ba pwedeng hindi na ako pumunta ng school. Sa opisina na lang ako. Hindi ko na din naman kailangan mag-aral," ani ni Keith. Napataas ng kilay ang lawyer at tinanong kung bakit hindi na kailangan ni Keith mag-aral.
Tinaas ng lalaki ang tingin. Sinabi ni Keith na kaya niya ng gawin lahat ng gusto niya. Nage-excel siya sa academics, nakakapagpatakbo na siya ng kompanya at marami na siyang pera.
"Kaya kong kumuha ng sarili kong tutor. Hindi ko na kailangan pumasok sa school everyday para lang mag-attend ng klase," ani ni Keith. Hindi nagpakita ng kahit na anong reaksyon ang lawyer. Inayos niya ang sarili niyang salamin at tiningnan si Keith.
"18 years old ka pa lang Keith— ang mga teenager na nasa ganiyang edad ay dapat nasa school. Isa pa hindi ba masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Hindi porket nagagawa mong magpatakbo ng maraming kompanya at hinahangaan ka ng lahat feeling mo kaya mo na lahat at nasa iyo na lahat," ani ni Sandro. Napaismid si Keith at tinanong nag lawyer kung ano pang bagay ang wala sa kaniya.
Gwapo si Keith, talented, nag-uumapaw sa karisma, matalino at siyempre mayaman. Nasa kaniya na ang lahat.
"I have everything na hinihiling ng mga normal na tao," ani ni Keith. Napa-pokerface ang lawyer at nag-cross arm.
"Ngunit wala ka ng mga bagay na dapat meron ang mga tao hindi ba?" ani ni Sandro at tumalikod. Inayos niya ang kurtina.
"Wala kang kaibigan, wala kang pamilya at mas lalong wala kang girlfriend," ani ni Sandro. Hindi maipinta ni Keith ang mukha matapos siya tamaan ng mga salita ni Sandro.
"Sa tingin mo aanhin ko lahat ng iyan? Mamatay ba ako kung wala iyan?" tanong ni Keith at binaba ang dalawang paa sa kama. Bahagyang nilingon ni Sandro si Keith na naglalakad na patungo sa bathroom.
Maiikukumpara ang laki ng mansion ni Keith sa white house. May sarili itong arcade sa mansion, mall, market, sariling golf course mga cabin, pool and court. Lahat din ng klase ng sasakyan meron si Keith at siya din ang kilalang may ari ng limang elite universities sa bansa na iyon.
Ano nga ba ang kakailanganin ni Keith— may pera siya, assets at kahit hindi na siya magtrabaho may ibang mga tao na gagawa 'non para sa kaniya.
Nakatingin lang ang lawyer na si Sandro sa halos ilang years na din na alaga niya.
"Sigurado akong hindi ito ang klase ng pagkatao na gusto makita ng mommy mo makita sa iyo," bulong ng lalaki. 6 years old si Keith noong mamatay ang mag-asawang Pittman sa isang car accident. Hindi alam ni Sandro kung naalala pa iyon ni Keith since masyado pa itong bata.
Namatay din ang ama ni Sandro sa aksidente na iyon na siyang driver ng mag-asawa kaya pareho silang nawalan ni Keith ng pamilya.
Nakatayo si Sandro ngayon sa harap ng vase at inaayos ang bugkos ng mga bulaklak.
Bilang kabilang sa pangatlong henerasyon ng mga Wu kailangan niya i-take ang responsibility na maging tagapangalaga ng kasalukuyang tagapagmana ng mga Pittman which is si Keith.
Bumuga ng hangin si Sandro at tiningnan ang mga bulaklak. Kumuha ng isa ang lalaki.
"Sa ganitong ugali ni Mr.Pittman. Magagawa niya kaya iyong isa pang nakasulat sa last will. In some reason nag-aalala ako," ani ng lalaki at napa-pokerface.
—
"What the heck! Tinatawag niyo ba itong business proposal! Kahit bata kayang gawin ito!" sigaw ni Keith at tinapon sa mukha ng empleyado ang mga dokumento.
Napasapo si Sandro sa noo. Mangiyak-ngiyak ang matanda na dinampot ang mga papel na iyon.
"Kung si dad pumapayag ng mga pambatang proyekto katulad 'nan at nagbibigay ng pera para ipangtustos diyan pwes ako kahit piso wala akong ibibigay! Ayusin niyo ang trabaho niyo!" sigaw ni Keith. Naglalabasan ang ugat nito sa leeg dahil sa inis.
Agad na naging triple ang kinikita ng kompanya matapos umupo si Keith at maging CEO. Aaminin ni Sandro na magaling si Keith at isa sa mga taong tinaguriang prodigy pagdating sa business ngunit— hindi kailangan ni Keith ibato iyong business proposal na ilang buwan pinaghirapan ng mga empleyado at sumigaw.
Agad na umalis ang mga empleyado at sinapo ni Keith ang noo.
"Ano bang klaseng utak meron sila. Wala bang gumagana? Damn it," ani ni Keith. Sinabi ni Sandro na may mga tao lang talaga na hindi kayang abutin ang kalibre ni Keith.
"Huwag mo sila i-push masyado. Baka isang araw mag-resign na lang ang mga iyan," ani ni Sandro. Sumandal si Keith sa upuan at sinabing wala siyang pakialam.
"Maraming tao ang naghihintay lang ng opportunities para pumasok sa company ko. Hindi ko kailangan ng mga taong walang silbi," malamig na sambit ni Keith. Nilingon ni Sandro si Keith. Napabuga ng hangin ang lalaki. Ano bang gagawin ni Sandro para matuto si Keith na magkaroon ng pakiramdam sa kapwa niya at intindihin ang mga ito.
Masyado itong selfish, ignorante at tingin sa lahat ng tao ay makina. Napatigil si Sandro matapos mag-vibrate ang phone niya na nilagay niya sa bulsan ng slacks niya.
Agad niya na kinuha ang cellphone niya at tiningnan ang name na nasa screen. Medyo lumayo siya sa table ni Keith at sinagot iyon.
"Mr.Wu, nahanap na namin ang bata na nasa litrato. Kasama na namin siya ngayon. Anong gagawin namin Mr. Wu? Dadalhin na ba namin agad sa mansion ng mga Pittman."
Tanong ng lalaki na nasa kabilang linya. Bahagyang lumingon si Sandro sa table kung nasaan si Keith.
"Hindi na. Ako na ang kukuha sa bata. Bigay niyo sa akin ang address— pupunta na agad ako diyan," ani ni Sandro. Nagpaalam na ang lalaki sa kabilang linya na agad pinatay ang tawag.
Maya-maya nag-vibrate ulit ang phone niya. May pumasok na text message sa kaparehong number na tumawag sa kaniya one minute ago.