Chapter 02
3rd Person's POV
"How old are you?"
Nakatingin si Sandro sa batang nakaupo sa sofa. Nahihiyang sumagot ang bata ng 7 years old.
Hindi makapaniwala si Sandro dahil base sa pangangatawan nito ay mukha lang itong 5 years old. Napakaliit na bata.
"Mr. Lawyer, if hindi ba ako naging good girl ibabalik niyo ako sa orphanage?" tanong ng batang babae. Ngumiti ang lawyer at sinabing hindi na ito babalik sa orphanage.
"Dito ka na titira for good at mamaya lang makikilala mo na kung sino magiging guardian mo for the meant time," ani ni Sandro.
Maya-maya lang bumukas ang pinto at agad siya tinawag ng isa niya pa na alaga.
"Sandro, you jerk— paano mo nagawang iwan ako sa opisina. Alam mo naman hindi ako marunong mag-drive," iritable na sambit ng isang gwapong lalaki na naglalakad patungo sa living room. Agad na nakita ni Keith kasi si Sandro na nakaupo sa sofa.
"Nagpadala naman ako ng driver hindi ba?" sagot ni Sandro at tumayo. Tinaasan ni Keith ng kilay ang lawyer at sinabing hindi siya sinuswelduhan ni Keith para umupo lang sa sofa at magkape.
"Sinasabi mo? Ginagawa ko ang trabaho ko— hindi mo ba nakikita na may kasama ako?".
Napatigil si Keith at tumingin sa kabilang bahagi ng sofa. May nakita siyang batang babae. Nakatingala ito at nakatingin sa kaniya.
"Pumulot ka ng pulubi sa labas at dinala mo dito? Are you nuts?" react ni Keith at tiningnan si Sandro na napasapo sa noo.
"Wait— let me introduce her," ani ni Sandro. Inilahad niya ang kamay. Bumaba ang batang babae na nasa kabilang sofa. Lumapit kay Sandro at tumayo sa harap ni Keith.
"Her name is Bible Reynold. 7 years old."
"In the future, this kid will be your wife. Take care of her and protect her until she reaches the right age," ani ng lawyer habang hawak sa kamay ang isang batang babae at nakatingin sa kaniya.
"What the heck— are you kidding right? Hindi pa ba sapat ang responsibility ko sa kompanya at gusto niyo pang pati iyong responsibilidad sa pag-aalaga at pagpapalaki ko sa gusto niyong maging asawa ko aakuin ko," salubong ang kilay na sambit ng lalaki. Kalmado siyang kinausap ng lawyer.
"Mr. Pittman, wala kayong kahit na anong choice dahil lahat ito nasa last will na," ani ng lawyer. Niyukom ng binatilyo ang mga kamao.
"How on that piece of paper will be the basis of how I will live and who I will marry. Tapos gusto niyo na ako mismo ang mag-ala at magpalaki sa mapapangasawa ko?"
"I'm getting married at 7 years old and I have to raise her until she reaches the right age to marry me. All of this are bullshits," ani ni Keith Pittman at nakatingin sa batang nas harap niya.
"By the way— naliligo ba ang batang yan? She stinks," ani ni Keith at umatras. Hinawakan niya pa ang ilong at puno ng pagkadisgusto ang mukha.
"Bible, meet Keith Pittman. He will be your husband at simula ngayon dito ka na titira," ani ng lawyer at inilahad ang kamay.
"You will be Bible Reynold— Pittman in future and Keith is will be your in care from now on."
"Bible's husband? But he looks old and nasty."
"This dimwit."
Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Ngumiti ng malapad ang lawyer at nagpalakpak ng dalawang beses.
"Magsasama na kayo sa iisang bahay and Keith— i have a rights na kuhanin lahat ng rights mo sa company, allowance at car mo kapag may mo ginawa ang responsibilidad mo kay Bible katulad ng alagaan siya."
"What! Anong ibig sabihin nito Sandro? Ako aalagaan ito?" ani ni Keith. Tinuro ang sarili niya at tinuro ang bata.
"Yeah, marami ka ng oras dahil for the mean time hindi ka muna pupunta ng company. Isipin mo na lang na vacation mo ito."
Nalaglag ang panga ng binatilyo matapis marinig ang lawyer. From the Ceo ng Winfield Corporation naging babysitter siya ng batang hindi niya naman kaanu-ano.
"No way! Hindi ako papayag!"
Ngumiti ang lawyer ng matamis at sinabing hindi naman siya nagtatanong.
Hindi lang ang status ni Keith ang biglang nawasak sa loob lang ng ilang minuto pati ang dignidad niya as a young and successful CEO. Magiging babysitter siya— napamura na lang si Keith sa isipan.
"Gusto ko lang din sabihin na dahil nga magiging busy ka sa pag-aalaga sa little wife mo magiging busy din ako sa opisina. May hinanap na akong tao para bantayan kayong dalawa at panoorin ka."
Inayos ni Sandro ang salamin at ngumiti ng matamis.
"Kung ako sa iyo hindi ako gagawa ng kalokohan. Anytime pwede ko i-donate lahat ng possession ng mga Pittman sa orphanage. Huwag mo ako subukan Keith," ani ni Sandro na may ngiti sa labi. Nagtaraasan ang balahibo doon ni Keith.
Last kasi na hindi niya sinunod si Sandro pina-junk shop lahat ni Sandro ang sasakyan niya. Dalawang buwan din naka-blocked ang credit card niya.
Pumikit ng madiin si Keith at bahagyang tinaas ang kamay. Hintayin lang ni Sandro na dumating siya ng 21 si Sandro ang una niyang aalisin sa trabaho. Hahana siya ng bagong lawyer.
Bumagsak ang balikat ni Keith. Sa ngayon kailangan niya muna makipag-get along sa lawyer at sumunod sa nakasulat sa last will na iniwan ng daddy niya.
Tiningnan niya iyong bata. Nakatitig lang ito sa kaniya. Biglang kinilabutan si Keith. Hindi kasi kumukurap ang bata at nanatiling nakatingin lang sa kaniya.
"Huwag mo ako titigan. Nakakairita," ani ni Keith. Tumalikod na ang binata at naglakad pataas ng hagdan.
Sinabi ni Sandro sa bata na hayaan na muna si Keith. Masasanay din siya sa presensya mo.
Ginulo ni Sandro ang buhok ng bata. Atleast hindi si Keith nagmaktol at hinagis palabas ng mansion ang batang babae.
"Sasamahan kita sa silid mo. Maligo ka doon then magbihis. Itataas ko iyong mga damit na binili natin kanina."
Hawak ng batang si Bible ang kamay ni Sandro at paisa-isang umaakyat ng hagdan. Ayaw kasi ng batang si Bible na binubuhat.
"Mr.Lawyer, ibig ba sabihin hindi ko na makikita si mommy tapos ang mga kapatid ko? Hindi mo na ako ibabalik doon?" tanong ng bata. Tumingin si Sandro.
"Gusto mo pa ba sila makita?" tanong ni Sandro. Ilang segundo bago sumagot si Bible. Umiling ang bata.
"Hindi naman nila ako kailangan. Matutuwa silang wala na ako doon."