"Kung hindi ko pa narinig ang tsismis na dito kana sa Pangasinan hindi ko malalaman. At may kasama ka pang lalaki. Siya ba ang ama ng mga anak mo? Mukhang mayaman ah?" Si Aling Selma. Ang kapal ng mukha nitong magpakita sa kaniya. Ngayong ang laki nitong kasalanan sa kaniya. "Kaibigan ko siya. Hindi ama ng mga anak ko?" Walang galang niyang sagot dito. Kumukulo talaga ang dugo niya sa mga natuklasan. "Ano? Wala kang galang sa akin, ah? May pinagmamalaki kana ngayon? Iyang lalaking iyan ba? Hoy, babae! Wala kang utang na loob! Para tratuhin mo ako ng ganito. Ako nagpalaki at nag alaga sa mga anak mo! Noong umalis ka! baka nakakalimutan mo na, ha?" Panunumbat sa kaniya. "Diyan kayo magaling! Sa panunumbat sa akin. Pero hindi niyo man lang, alam ang hirap ko sa trabaho para lang makapadal