Mataas na ang araw ng magising siya. Naghihikab ng lumabas siya ng slid. Napatayo siya sa gulat ng madatnan sa kusina si Amari nakaupo ito sa upuan at nasa dibdib nito ang mga braso. Nakapikit ang mga mata. Hindi niya alam kung tulog ito o gising. "Hi!" Binuka naman nito ang mga mata. "Pasinseya kana kagabi hindi na kita ginising mahimbing kasi ang tulog mo, eh?" "It's okay..." "Nakapag kape kana ba? Ipagtimpla kita ng kape..." "Yes..." "Sa nga pala, samahan kita mamaya sa bayan para maghotel mas maganda roon comportable ka at maaliwalas kumpara dito maliit at masikip pa ang bahay..." Sabi niya rito. "I won't leave here without you." Seryosong sabi nito sa kaniya. Agad naman niyang ginulo ang buhok sa frustration. Ano ba nangyari sa taong ito ayaw ng umalis. "Hindi maganda tin