LINGGO. walang pasok ang mga bata. Gaya ng nakasanayan day-off rin lahat ng katulong. Dahil weekend at walang gagawin namasyal sila sa beach kung saan makakalanghab sila ng sariwang hangin at makapag relax na rin. "Ano ba Zeke? Akin ito, eh?" "Akin nga ito! Binigay ito sa akin ni Daddy..." "Hindi! Akin ito!" Nag-aagawan ng laruan ang dalawang bubowet. "Hey, kids... why are you two fighting?" Tumakbong palapit sina Zeke at Zion kay Amari. Parihong nagsumbong. "Eh, Daddy... Di' ba? Sa akin ito bigay mo... tapos itong si Zeke inaagaw niya sa akin ang Bola!" "Daddy, hinihiram ko lang naman, eh?" Nakangusong sabi nito sa ama. "Kids, There is no need to fight that. It's okay for you two to play ball." Mahinahon nitong sabi sa dalawang batang nagtatalo.. "Ayaw kong kalaro si Zion! Mada