Violet "Hindi ako papayag na maagaw siya ng iba. Hindi ang babaeng iyon! Never!" Nilulunod ni Violet ang sarili sa alak. Mag-isa siyang umiinom sa bar. Pinagsisihan na niya ang lahat ng pagkakamaling nagawa noon. Oo, inaamin niyang masyado siyang immature that time. Pero habang tumatagal ang pagtira niya sa abroad naisip niyang mali ang mga nagawa, na mas gusto na niyang magseryoso sa buhay at kasama roon si Amari. Na-realize niyang mahal na pala niya ang asawa. Masyado siyang nabulag sa galit at sama ng loob ng malamang bininta siya ng kaniyang pamilya kay Amari. Bata pa siya noon at marami pa siyang pangarap pero dahil sa pagpapakasal niya kay Amari nawala lahat ang pangarap niya at ang taong pinakamamahal. Naka ilang shot na siya ng alak at medyo nakaramdam na siya ng hilo. Flashbac