CHAPTER 1: FORGOTTEN PAST

2710 Words
Sapo ng estrangherong lalake ang noo nito at tila nanlalabo pa ang paningin dahil kumukurap-kurap ito. Nakahiga ito sa lumang katre. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "K-Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Ikaw ba'y nahihilo?" tanong ng malamyos na tinig sa kanang bahagi ng silid. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nilinga ng estranghero ang pinagmulan ng tinig. Isang magandang dilag na nakaputing bestida ang namulatan nito. "S-sino ka? N-nasaan ako? S-sino ako?" Alanganing tanong ng lalake. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Wala kang maalala, ginoo?" Pagtataka ang bumahid sa maganda at maamong mukha ng babae. Umiling ang estranghero. "W-Wala." Bumangon ang lalaki at sumandig sa uluhan ng katre. "Ako si Amara, ang nangangalaga—este, nakatira sa kagubatang ito. Natagpuan ka namin sa gitna ng kagubatan na walang malay kaya ka namin dinala rito." Kinuha ng babae ang tasa na may lamang lugaw saka inihanda para subuan ang nakahigang estranghero. Nag-aalangan siya pero dama niya ang panghihina ng katawan niya. "Kumain ka na muna. Tatlong araw ka na ring walang malay. Hindi ko rin alam kung kailangan ba kitang dalhin sa kabayanan at ipagamot sa manggagamot ng mga tao—" Tila natigilan ang dalaga sa nasabi. Tumikhim ito. "Ang ibig kong sabihin ay manggagamot sa kabayanan." "Maraming salamat sa tulong mo, pero wala akong maalala sa mga nangyari..." Nasapong muli ng estranghero ang noo nito. "Wala kang maalala na kahit ano?" bumahid ang pagtataka sa magandang mukha ng babae. "Hindi ko maalala ang sarili ko. Wala akong maalala! Ahh!" Dalawang kamay na ang ginamit nito pang-sapo sa ulo dahil sa kirot na naramdaman. "Ginoo, huwag mong piliting alalahanin ang lahat, baka lalong makasama sa iyo. Huminahon ka." Nag-aalala ang dilag sa kundisyon ng estranghero. Ipinatong nitong muli ang tasa sa mesa saka naupo sa gilid ng katre at tinapik ang likuran ng estranghero para pakalmahin. "Huminahon ka, Ginoo." Hinagod-hagod nito ang likuran ng lalaki. Ilang saglit ang lumipas bago kumalma ang estranghero. Malalalim na hinga ang hinugot nito saka tumuwid ng upo. "S-salamat." Lumayo ang magandang dilag sa estranghero at muling tumikhim. "W-walang ano man." Naisipan nitong baguhin ang usapan upang mawala ang tensyon sa pagitan nila. Kumalma rin siya, pero naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari. Blangko ang isipan niya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Nakita ko ang mga espada mo at ang kakaibang bakal na kasuotan mo. Itinabi ng kapatid ko sa sala. May nakasulat na Mikael sa mga espada. Baka iyon ang pangalan mo? Bakit may espada ka? Tila mandirigma ka sa isang gyera." "Mikael... maaarin nga, pero wala pa rin akong maalala." Tumingin sa kawalan ang estranghero, nanatiling nakatitig sa bintana, tanaw ang kapaligiran ng kinaroroonan niya. Mapuno sa palibot at huni lang ng ibon ang naririnig niya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Kung gayon ay tatawagin kitang Mikael. Pansamantala ay dumito ka muna habang ikaw ay nagpapalakas pa. Ihahatid ka namin sa hangganan ng kagubatang ito patungo sa kabayanan sa oras na manumbalik ang iyong memorya at ikaw ay lumakas na." Kinuha nitong muli ang tasa saka iniabot kay Mikael. "Kumain ka na muna. Kaya mo bang kumain nang mag-isa?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sige, kaya ko na. Salamat." Kinuha nito ang tasa at nagsimulang sumubo ng lugaw. "Maiwan na muna kita. Tatawagin ko lang ang kapatid ko." Lumabas ito ng silid. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Saglit na tumitig sa kawalan ang lalaki, pilit na inaalala ang mga nangyari sa kaniya pero blangko pa rin ang isipan niya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Ilang saglit pa ay may kasunod itong dalagita, nakamasid ito sa kaniya. "Ito nga pala si Maya, ang bunso kong kapatid. Kaming dalawa lamang ang nakatira dito." "Magandang araw, Maya. Maraming salamat sa pagtulong ninyo sa akin." Ngumiti si Mikael dito bilang pasasalamat. "Walang ano man po," tipid na ngiting sagot nito. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Malayo ba ito sa kabihasnan?" Nilingon muli ni Mikael ang bintana ng silid, tinanaw ang magubat na paligid mula sa kubo. "Oo, nasa liblib na bahagi ng gubat ang kubong ito at walang sino man ang makapapasok dito. Kaya nga nagtaka rin kami kung paano kang nakarating sa bahagi ng gubat kung saan ka namin nakita. Walang nakapupunta roon maliban sa amin." Kinuha ni Amara ang tasang walang laman kay Mikael. "Gusto mo pa ba?" "Pwede pa ba?" nahihiyang tanong ni Mikael. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Oo naman, marami pa roon. Para sa iyo talaga ang lugaw. Kailangan mong magpalakas." Lumabas ng silid si Amara at bumalik na puno ulit ang laman ng tasa. Iniabot ito kay Mikael at magana ulit itong kumain. Lumabas si Maya at bumalik na may dalang malinis na damit, pamalit sa suot na damit ni Mikael. "Kuya, magpalit ka pagkatapos mong kumain. Maaari ka ring maligo muna sa batalan kung nais mo." Nagtataka si Mikael sa paraan ng pagsasalita ng dalawang kaharap. "Maaari bang magtanong kung saang lugar ito? Ang ibig kong sabihin... saang bayan at saang panahon ba ito?" "Oo nga pala, nakalimutan mo nga pala ang lahat ng bagay. Narito ka sa bundok ng Mount Masalukot sa Quezon," sagot ni Amara. "Nasa pinakatagong bahagi tayo at hindi pa ito nararating ng mga tao, maliban sa 'yo." "Tao?" Napaisip si Mikael pagkarinig muli sa salitang tao. Tila may naaalala siya pero hindi malinaw sa kaniya. Tao ba ako? Ipinilig ni Mikael ang ulo saka tumingin sa mga kaharap. Tao ba sila? "Maligo ka na muna at magpalit ng damit. Ilang araw mo na ring suot ang damit mo ngayon," natatawang sabi ni Amara. "Lalabas na muna kami para mangahoy." "Sige, salamat ulit," tipid na sagot ni Mikael. Lumabas na ng silid ang magkapatid. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Bumangon na rin si Mikael saka sumunod palabas ng silid dala ang pamalit na damit, mula pang-itaas hanggang panloob na damit. May kasama ring malinis na tuwalya ang ibinigay sa kaniya. Nilingon niya ang maliit na espasyo ng kubo saka natanaw ang maliit na kusina. Lumabas na ng pintuan si Amara pero sumungaw ulit ito. "Nasa likod nga pala ng kusina ang batalan," pahabol nito bago muling isinara ang pintuan. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Tinungo ni Mikael ang kusina saka kumaliwa sa pintuang palabas ng kubo. May isang parisukat na batalan ang naroon at wala itong bubong, bakod lamang na yari sa kahoy ang tabing nito. Pumasok na rin si Mikael at naghubad, init na init na rin siya at marumi na masyado ang pinaghubaran. Masaya siyang nagbuhos ng katawan, naginhawaan sa lamig ng tubig. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Ilang saglit din ang lumipas bago ito natapos maligo. Nagpunas siya ng katawan bago isinuot ang kansulsilyo, kamisa de tsino na pang-itaas at pantalon. Lumabas ito ng batalan at tiningnan ang kapaligiran. Puro puno at gubat ang narito, tanging tunog ng kuliglig at pagaspas ng mga puno't halaman ang maririnig. Naririnig din niya ang tunog ng agos ng tubig na tila nagmumula sa talon. Saang bahagi ng gubat iyon? Bakit dinig ko kahit mukhang malayo ang lokasyon? Mga tanong ito ni Mikael sa sarili. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Amara? Maya?" tawag ni Mikael sa magkapatid. Hindi pa yata nakababalik ang dalawa mula sa pangangahoy. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ahh!" Sigaw ng tinig ng isang babae mula sa di kalayuan. Nilingon ni Mikael ang bahagi kung saan nagmula ang sigaw. "Tinig ni Amara iyon!" Patakbong tinungo ni Mikael ang bahagi ng gubat kung saan nagmula ang sigaw, hindi namalayan ang kakaibang bilis na kaniyang nagawa habang pasaklolo sa sumigaw. "Amara!" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nakita niya ang babae na nakaupo sa batuhan ng talon, habang yakap ng mga pakpak ang kapatid at takot na takot sa tila pulang bolang apoy na papasugod sa kanila. "Amara!" sigaw ni Mikael. Wala sa loob na nag-teleport ito sa pagitan ng bolang apoy at ng magkapatid, saka sinalag ang papalapit na apoy. Naglabas ng nakasisilaw na liwanag ang mga braso ni Mikael, saka lumabas ang mga pakpak nito. Tumama ang bolang apoy sa braso nito subalit hindi man lamang ito nagalusan dahil sa pananggang baluti na inilabas nito. Malakas na pwersa ang pinakawalan ni Mikael kung kaya't tumalsik ang bolang apoy palayo sa kaniya. Naglabas ng sariling bolang apoy na puti si Mikael saka pinatamaan ang kalabang kakaibang bolang apoy. Nakarinig sila ng matinis na tinig bago tuluyang naglaho ang apoy. "M-Mikael? H-hindi ka isang tao?" may pagtatakang tanong ni Amara. "Hindi ko alam. Wala akong maalala. Sinunod ko lang ang katawan ko, mukhang sanay ito sa pakikipaglaban." Sinipat ni Mikael ang sarili at ang mga pakpak. "Ikaw, anong uri ng nilalang ka? At ano iyong apoy na 'yon?" Inilahad ang palad saka inalalayang tumayo ang magkapatid. Ang pakpak nito ay tila may mga kuko ng ibon sa dulo. "Salamat sa pagligtas sa amin." Pinagpagan ni Maya ang damit ng Ate Amara niya at tiningnan ang bahagi ng pakpak na may paso galing sa bola ng apoy bago muling nagsalita. "Kami ay lahi ng mga Kinnari. Hindi kami nananakit ng ibang nilalang. Tahimik lamang kaming naninirahan sa kagubatan. Ang apoy na iyon ay isang Santelmo. Nakapagtataka lang na nananakit ito ngayon." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Ang mga kinnara (lalaki) at kinarri (babae) sa Southeast Asian Mythology, ay mga half-bird half-humans, gentle creatures, loyal sila at sumisimbolo sa imortal na kagandahan at tapat sa minamahal, ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Ang Santelmo ay nagpapakita sa anyo n bolang apoy. Sa panahon ng pre-colonial islanders, pinaniniwalaang mga buhay na nilalang ang mga Santelmo, pero harmless ang mga ito at hindi nananakit. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD