CHAPTER 132

2000 Words

Nasa roof deck ng building si Yvonne. Nakatayo siya malapit sa railings at malayo ang tingin. Nadadama niya ang malamig na simoy ng hangin na humahampas sa kanyang balat at nagpapasayaw sa sanga ng matayog na puno na nasa gitna ng roof deck at sa mga halaman na nasa paligid. Tulala lamang si Yvonne na nakatingin sa kawalan. Tumatakbo sa isipan niya ang nangyari kanina na dahilan kung bakit tila balisa siya. Hindi inaasahan ni Yvonne ang pagpapakita sa kanya ng sinasabing nanay raw niya na si Rima. “Hindi ko na nga siya naiisip pero bakit bigla-bigla siyang lilitaw?” bulong na tanong ni Yvonne. May nararamdamang paghihinala si Yvonne sa tunay na pagkatao ni Rima. Hindi niya mapigilang maghinala lalo na ito ang unang pagkakataon na may nagpakilala sa kanya na ina raw niya. “Nagpapanggap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD