Kakatapos lamang maligo ni Yvonne. Nakasuot lang siya ng roba at nakaupo sa upuan na nasa harapan ng vanity mirror. Abala niyang bino-blower ang kanyang medyo basa na buhok. Humahalimuyak sa buong kwarto ang amoy ng body wash na ginamit ni Yvonne. Galing iyon sa isang mamahaling brand na sa France niya pa nabili. Napapangiti siya habang nakatingin sa salamin. Samantala, pumasok naman sa kwarto si Kelvin. Galing siyang kusina at kakatapos lang maghugas ng plato at ilagay iyon sa dish rack. Bigla siyang pumikit saka nilanghap ang amoy na naaamoy ng kanyang ilong. Napangiti siya. “Ang bango naman,” sambit ni Kelvin saka muling idinilat ang mga mata. Tiningnan ni Yvonne si Kelvin. Lumaki ang ngiti sa labi niya. “Tapos ka nang maghugas?” tanong niya pa. Tumingin si Kelvin sa asawa. Ngumiti