CHUNCHUN
Awasan na at sabay namin ngayong inaantay yung sundo ni Tintin. Napag-alaman ko rin na sila pala ang number one supplier ng bigas at prutas sa bansa. Napakayaman ng lola mo pero ang sabi lang niya eh sa parents niya daw yun at di sa kanya.
"Mare, na-experience mo na bang magka-bf?" Kapagkuwa'y tanong sakin ni Tintin. Siguro nababagot na siya kaka-antay kaya gustong may mapag-usapan.
"Tsismosa ang peg te? Pero wiz pa. Merong mga naging crushes pero very lil. Ni hindi ko pa nga nagawang lumandi. Focus kasi ako sa future ng pamilya. Alams mo na, porita marimar."
"Talaga? Well, ako rin naman. Ewan ko lang ha? Pero masyado ata akong nabaliw sa pagbabasa ng libro kaya masyadong naging mataas yung standards ko sa mga lalake." Aniya na hinawakan pa yung ilalim ng baba niya. "Isa pang mere fact is yung mahirap maghanap ng true love sa isang straight. Diyos ko girl! Jackpot ka talaga kung makabingwit ka ng straight guy na hindi ka peperahan kaya dapat maging aware rin tayo."
"True! Super agree ako diyan. Anyhow, ayan na sundo mo oh kaya ba-bye na. Kita na lang tayo bukas ok?"
Sabay na kaming tumayo at nagbeso sa isa't isa.
"Ok sige. Ba-bush na girl."
Nagwave pa ang gaga na parang Ms universe bago pumasok sa malaking itim na van na laging ginagamit pag sinusundo siya.
Ako naman ay nagsimula ng maglakad para maka-uwi narin. Habang pabalik ako nang main gate ay may napansin akong pamilyar na bulto na naglalakad papuntang parking lot. Medyo malayo siya sakin pero sure talaga ako na nakita ko na siya kaya naman sinundan ko.
Saka ko lang narealize na si Mentos Felix Mortel pala ang taong yun. Syempre na-excite na naman yung pekpek ko. Biruin mo, nakita ko naman ulet si crush kaya todo tago ako sa mga bushes malapit sa kanya.
Ang manly talaga niya maglakad. Lalo pa't nakapamulsa yung isa niyang kamay habang akay naman sa balikat yung bag niya. Para siyang model sa ayos niyang yun.
At siyempre, todo kilig naman si ako habang tinititigan ko siyang naglalakad. Take note! Lakad pa lang yan ha. Paano pa kaya kung nasa harap ko na siya diba?
Hihimatayin siguro ako. Hay pag-ibig.
Anyway, asa kotse niya na ngayon si Mentos ma-love at kung hindi ako nagkakamali ay Blue Huracan ang model ng kotse nito. Nakita ko yan sa mga magazine ng kotse nung minsang nagpa 7eleven ako.
Medyo lumapit pa ako ng kaunti sa gawi niya pero todo tago naman kasi mahirap nang mahuli niya ako na palihim siyang sinusundan.
Grabe, para akong paparazzi sa ginagawa kong to.
I giggled na lang at my place dahil sa kagagahan ko and di pa talaga ako nakuntento sa kasusunod lang dahil nung akma na niyang bubuksan ang pinto ng kanyang kotse ay itinutok ko ang camera nang phone ko sabay pindot ng capture button subalit gulat akong napatingin sa phone ko nang biglang tumunog yung shutter sound ng camera.
As in lumaki talaga yung mata ko sa gulat dahil naka-full blast pa naman yung volume netong phone ko kaya naman nag-ingay talaga siya pero mas lalo akong nagulantang ng makita kong nakatingin na Mentos ang nahagip nang aking camera.
Out of panic ay bigla akong lumukob sa mga halamang pinagtataguan ko habang paulit-ulit na ipinagdarasal na sana ay wag siyang lumapit dito sa gawi ko.
"Lord please po...wag po sana. Pleas-" / "What do you think you're doing?"
Bro naman eh. Akala ko ba vibes tayo?
"Ha? Ah...W-wala! Uhm sige nice meeting you haha ba-bye." Ani ko sabay talikod pero agad rin namang napaharap nang higitin niya yung braso kong may hawak ng phone.
"Then what is this?" Medyo may inis na niyang sabi sabay pakita nung picture niya na kinuha ko kanina lang. Halos kumunot na ang noo niya ng wala siyang makuhang sagot sakin. Grabe, sobrang hiyang-hiya ako. Pangarap ko ngang maka-usap siya ng malapitan pero di ko naman ini-expect na sa ganitong paraan pala.
"Answer me!"
"Uhm..kwan...ano kasi" Shet. Pano ba to? Galit na ata.
"Come here!" Aniya habang pinapatay ako ng nanlilisik niyang mga mata kaya imbis na lumapit ay mas lalo akong napa-atras. "Tsk. Look, I don't have much time so, you will come here or sisirain ko tong phone mo."
"Naku wag naman. Regalo pa yan ng mama ko sakin. Sige eto na o. Sorry na po. Oo inaamin ko na palihim kitang kinuhanan ng picture pero huwag mo namang basagin yung phone ko. Fan mo kasi ako kahit di ka naman artista pero huwag mong isipin na stalker ako ha. First time ko tong ginawa. Promise!" Mahaba ko pang litanya habang pilit kong inaagaw yong phone ko sa kanya. Mumurahin na nga lang yan babasagin pa niya.
Nasa ganun kaming tagpo nang bigla niya akong hinigit palapit sa kanya sabay akbay kaya naman napasubsob ako sa bandang kili-kili niya at mga ses!
ANG BANGO!!!!!!!
Sininghot ko pa talaga!!!! Shet! Once in a lifetime experience to kaya hayaan nyo na akong lumandi.
I heard him chuckle pa nga bago niya sinabing.....
"Shorty, smile!"
Then I heard a click na sinundan pa.
Medyo windang pa ako nung inabot niya sakin yung phone ko na may mga selfie niya kasama ako. As in AKO!!!!
OMG! PANAGINIP BA TO LORD? Kung oo please huwag niyo na akong gisingin pa.
"Hope that satisfy you. I need to go now. Bye." Aniya bago yumukod para magpantay yung mukha namin saka niya ginulo yung buhok ko while wearing his oh so yummy smile. Then bumalik na siya kung saan nakaparada ang nakabukas niya nang kotse.
Teka lang sandali!!! Yung heart ko! Di na kinikeri yung mga nangyayari!
Mga five minutes na siguro yung lumipas na humarurot palayo yung kotse ni Mentos my loves pero para parin akong tangang nakatayo sa may parking lot ng school.
Nang makabawi ay pasigaw akong nagtata-takbo palabas ng gate.
Kahit hanggang sa makarating ako ng bahay ay nakaplaster parin sa maganda kong mukha ang ngiti ng tagumpay kaya naman napansin na nila ni mama't papa pero siyempre sinabi ko lang na naging maganda yung araw ko sa school.
Several weeks has passed by pero di na naulit pa yung nangyari at hindi narin naman ako nagtangkang sundan pa siya kasi kotang-kota na ako sa hiya. Kontento na akong makita siya mula sa malayo habang naglalakad kasama ng mga kapatid niya sa hallway o kaya tuwing nagpa-praktis siya ng baseball kasama ang buong team ng university. Napag-alaman ko rin mula reliable source ko na walang iba kundi yung tsismosa kong bestfriend na si Tintin na siya pala ang star player ng Pisces, ang official baseball team ng university.
He is also one of the reserve players ng Tritons, which is the university's basketball team.
Mas lalo pa akong napahanga kasi despite of being active niya sa sports ay hindi neto napapabayaan ang academics. In fact, he is one of Clarendon's achievers for the past years na nag-aaral siya rito.
"Mare anek yung schedule of work mo? Sabay ako sayo mamaya para naman malaman ko kung saan ka naghahasik ng lagim." Awat ni Tintin sa pagpapantasya ko kay Mentos my loves kaya naman pinanlisikan ko tuloy.
"Gaga! Mamayang awasan pa yun. Makahasik ka naman ng lagim ay parang may nakakahawa akong sakit. Che! Kahit i check mo pa ang health card ko teh. Negative."
"Shunga! Kalandian mo ang tinutukoy ko gaga!" Aniya na inikot pa talaga yung mata for emphasis kaya ayun nasapak ko tuloy.
"Aray! Pag ako talaga naging bobo sa kakasapak mo prend ha!"
"Baliw!" Sigaw ko sa kanya pero ang gaga pinakyuhan ako kaya naman nilampaso ko na sa desk yung mukha niya. Buti na lang talaga at wala kaming prof ngayon kasi may meeting ang mga teaching staff.
The day went by hanggang sa awasan na namin. Matapos naming ligpitin dalawa yung mga gamit namin ay tinawagan niya yung driver niya na mamaya na lang siya sunduin kasi may pupuntahan pa kami.
Unang araw ko kasi ngayon sa coffee shop na pagtatrabahuan ko kaya naman hindi ako dapat malate. Hindi naman kasi kami mayaman kaya di kasya yung allowance ko tuwing may projects kami so need ko talaga ng extra income kaya pumasok ako bilang barista sa katabing café ng Clarendon. Buti na lang at monday to tuesday lang ang duty ko as student assistant sa admin office kaya naman makakapagtrabaho ako sa shop by wednesday hanggang saturday then rest day ko pag sunday. Three hours ang shift ako daily and start ko is 6pm pag weekdays then whole 8 hours during saturdays.
Nang makarating kami ng shop ay pinaupo ko muna si Tintin sa isa sa mga bakanteng mesa bago ako nagreport sa supervisor namin. Pagbalik ko ay nakasuot na ako ng brown apron na may nakasulat na Heart's Café na siyang pangalan ng shop and name tag na nakapin sa bandang dibdib ko. Diretso na ako agad sa counter. May kasama naman ako sa shift ko at sa Clarendon din siya nag-aaral. Pangalan niya ay Rain and like Tintin, he also wears glasses. Ang pinagkaiba lang nila eh matangkad ng kaunti tong si Rain. Siya ang bahala sa pagsi-serve ng sweets habang ako ang sa brewing and mixing.
Halos katatapos ko pa lang punasan yung mga gagamitin ko nang tumayo si Tintin at lumapit sa counter.
"Nice workplace. Isa ngang strawberry latte mare then uhm...isa na ring blueberry cheese muffin." Aniya na lumilinga-linga pa. Wari'y kini-criticise ang buong lugar.
Hmm...magpagtripan nga.
"Ok sir. Isang strawberry latte and isang blueberry cheese muffin. Order for who po?" Aniko habang lihim na napapangiti.
Ang gaga naman eh inismiran ako haha.
"Christian." Aniya na parang sukang-suka sa pangalan niya.
"Alright! One strawberry latte for Christian coming up!" Pigil ang tawang sinimulan ko nang gawin ang order niyang drinks habang pini-prepare naman ni Rain yung isa pa niyang order.
"Masaya ka na niyan? Naku Chunchun. Kung wiz lang kitang bestfriend, nginudngod na kita diyan sa counter. Bakla!" Pahabol pa niya na kunyari eh naiinis na kaya naman di ko na talaga napigilan ang humagalpak ng tawa. Maging si Rain ay nakisali narin.
Tawa pa rin kami ng tawa kahit na kanina pa nagpaalam si Tintin. Andiyan na raw kasi yung sundo niya at saka medyo madilim na rin. Nasa ganun kaming sitwasyon nang biglang tumunog yung chime hudyat na may bagong customer na pumasok. Kaka-close ko pa lang nun ng kaha kaya naman binati ko na lang yung customer kahit di pa ako nakaharap sa kanya.
"Welcome to Heart's Café! How may I serve you?" Sunod-sunod ko pang litanya bago hinarap yung customer ngunit ganun na lang ang pagsinghap ko nang mapagtanto ko kung sino ang taong nasa harap ng counter ngayon.
"Hi. We meet again." Aniya na nakangiti pa kaya siyempre napangiti rin ako.
"H-hello rin po. Ano pong order nyo?" Sabi ko pa sabay kagat labi. Tangina ang hirap pigilan ng sarili kong mapatili.
"Ah yes. Two cappuccinos and also two slices of pineapple upside down." Aniya sabay hugot nang wallet sa bulsa. Gosh... Kahit sa anong anggulo talaga ang hot niya tingnan.
"Ok two cappuccinos and pineapple upside down cakes. May I know for who?" Sabi ko pa kahit knows ko na name niya. Mahirap na. Baka mamaya sabihan pa akong assumera kung basta basta ko na lang isusulat yung name niya sa cups.
"Right. One for Mentos and another one for Lesley with a 'y'. For take out please." Aniya na nagpatigil sa mundo ko. Sandali... Sinetch ang Lesley na ito?
Then right on cue, bumukas ulet yung pinto ng shop revealing a very beautiful woman in her school uniform. Sa Clarendon din siya nag-aaral and I super know her. Siya ang aming department beauty na si Lesley Ortega na sobrang ganda talaga. Yung tipong kung naging straight lang ako eh papatusin ko na.
Nung una eh cool lang ako pero nung umembrisyete na yung kamay ni girl sa braso ni Mentos my loves ay dun na gumuho ang mundo ko.
"Tapos ka na babe?"
"Yeah. Actually he's already making it." Sabi ni ma-loves na tinutukoy yung order niya kanina. Ako naman ay tahimik lang na ginagawa yung drinks nila pero deep inside ay parang gusto ko nang maiyak.
"Okay ka lang? Masama ba pakiramdam mo." Si Rain na bumulong pa talaga. Siguro napansin niya na medyo nag-iba yung timpla ng mukha ko.
"Di ayos lang ako." Sabi ko pa habang inaayos yung takip ng cups.
"O-okay. Basta sure ka ha?" Sabi pa niya bago bumalik sa pag prepare nung cakes.
"Heto na po yung order nyo Sir Mentos. Bale 875 pesos po lahat."
"Thank you. Here. Keep the change." Then inabot niya sakin ang buong isanlibo.
Normally dapat matutuwa ako kasi may tip ako ngayon pero di ko magawa lalo na't nakikita ko kung gaano siya ka-sweet dun sa Lesley.
"Thank you po and please do come back." Sabi ko na lang habang nakikita ko silang palabas ng shop.
Ang sakit lang.
Yung first love ko....
Is already taken.