Ang Simula
CHUNCHUN
Pagmamahal, iyan ang dahilan kung bakit ako nabuo. Maharot kasi ang mama at papa kaya isinilang na ako bago pa sila makagraduate ng college pero kahit ganun man ang nangyari, responsible naman silang pareho sa akin. Masasabi kong maswerte kaming magkapatid na sila ang naging magulang namin.
Ako nga pala si Mist Adrian Go at isa akong maganda, maalindog, at sige na maharot na ring dyosa sa balat ng lupa! And I believe, that the essence of beauty, is believing that you are beautiful and I, thank you!!!!
Oh Diba? Pia Wurtzback ang peg. Anyway, you can also call me by my nickname Chunchun.
Isa lang din naman akong normal na teenager na may pangarap sa buhay. Makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng maayos na trabaho, mapag-aral ang bunso naming si Cloud, at siyempre, makaangat sa buhay.
Sabi ng karamihan sa barangay namin eh sobrang cute daw ako at maputi. Siguro namana ko to sa papa kong half chinese at koreano. Singkit kasi ako tsaka makinis ang balat. Sobrang malinis din sa sarili kaya mas lalong na-enhance ang malaporselana kong kutis. Di rin ako mabalahibo. Char di mo ma-reach? Ganda eh. In fact, o ha taray, 18 na ako pero wala pa akong halos pubic hair sa katawan except dun sa alam nyo na.
First year na pala ako sa college taking up culinary arts. Gusto ko talaga kasi ang pagluluto since lagi akong nasa kusina ni lola noong di pa siya tegi noon. Tumutulong sa kanya sa kung ano ang kailangan niya hanggang sa itinuro na nga niya sa'kin lahat ng recipe na mula pa raw sa mga magulang niya. So heto, na-adopt ko na rin.
Now, if you're asking if isa akong bakla?
Well, oo ang sagot ko diyan sabay otot ng rainbow dust. Tanggap rin ako ng papa't mama. Sabi pa nga nila minsan eh ako raw ang prinsesa sa bahay kaya masaya ako. FYI pala, di ako cross dresser kasi di ko siya comfort zone pero nagku-cosplay ako minsan pag may events sa mga malls or convention centers pang raket narin.
Speaking of schooling, full time scholar ako sa isa sa pinakatanyag na school dito samin. Ang Clarendon University.
Pag sinabi kong tanyag, as in super duper kilala sa buong bansa!
Halos malaglag nga ang panga ko nung nag enroll ako dito. Ang ganda talaga mga prend! Ang taas ng mga building na parang kagaya nung mga schools na napapanood ko sa mga kdrama?
Oo! maay bonggang fountain pa nga sa entrance, tapos mga naggagandahang flowers sa gilid ng malawak na lake. Malaki rin yung sport's and cultural complex, tapos magagara pa yung mga gamit. Ganun siya. Complete talaga yung mga facilities at ang so-sosyal ng mga nag-aaral. Palibhasa ang mahal ng tuition kaya halos mayayaman lang ang nakakapag-aral dito.
Suwerte na lang talaga ang mga dukhang katulad ko na nakakapasok sa scholarship program ng university bilang student assistant kapag mataas grades mo o kaya bilang athlete. So siguro naman, hindi aketch sa last category no!
Diyos ko! ni simpleng piko nga di ko alam laruin. Paano ba naman ako magiging athlete nun? Buti na lang talaga at matatalino lahi namin. Simpleng sekretarya lang kasi si mama at lending collector naman si papa kaya hindi talaga namin kakayanin ang mga bayarin dito. Libro pa lang siguro lubog na kami sa utang.
Kaya super thankful talaga ako kay lord for this wonderful blessing na binigay niya samin.
Balik tayo, today is the first day of classes and I am currently walking towards the school's pantry. O taray! English yan wag kayo hahaha... Balak ko kasing bumili ng candy mint dahil nakagawian ko na yun since elementary. Alam nyo na, iwas sabog bomba tayo pag-chumichika. Anyway, so eto na nga ako pumipila para bumili ng kendi. Ako na next nung matapos si kuyang asa harapan ko eh ako na yung hinarap ni ateng counter girl na kamukha si Ms. Eugene Domingo.
"Ano atin ganda?" Aniya sabay dakma ng pisngi ko.
"Aray naman Ate Beybi. Lagi mo na lang binubugbog tong cheeks ko." Sabi ko pa habang hinihimas yung parteng kinurot niya. "Isa nga pong box nang tic tac. Yung cherry flavor."
"Okay, 25 pesos lahat ganda." Aniya habang inaabot yung binili ko.
Siguro nagtataka kayo kung bakit parang close na close kami netong si ate Beybi no?
Heto kasi yun, katatapos ko lang nun mag-enroll ng makita ko siya na buhat-buhat yung maraming containers ng mga pansahog sa mga lutuin.
Halos magkanda-ugaga na nga siya nun sa pagbubuhat kasi maliit talaga si Ate Beybi kaya tinulungan ko na siya. Yung ibang estudyante na nadadaanan niya kasi kung hindi siya tinitigan lang eh wala namang pakialam. Mayayaman nga naman.
So ayun, nagkakilala kami. Tinawag pa nga akong pogi nung nagpasalamat siya eh. Hahaha. Kung titingnan mo kasi ako sa una eh hindi mo talaga iisipin na jugels ako. Maporma rin kasi tsaka hindi makurba yung katawan ko pero hindi naman mamasel. Hindi rin ako malamya kumilos maliban na lang kung magsasalita na ako. Dagdagan mo pa na biniyayaan ako ng tangkad kaya akala niya mens akong talaga so sobrang na-shock siya nung sinabi ko na beki aketch.
Haha grabe pa nga panghihinayang niya sakin pero kalaunan eh tinawag niya na akong ganda.
"Sige ate Beybi, una na po ako."
"Sige ganda. Punta ka dito mamaya pag lunchtime. Sabay tayo kumain."
"Ay gusto ko po yan. Mamaya po."
Sabi ko pa bago ako kumaway paalis.
Habang ngumunguya ako nung tictac na binili ko ay sinimulan ko ng hanapin yung room for the first subject ko. Sabi kasi dito sa schedule sheet ko e room 202-A daw yung para sa fundamentals of food service kong subject kaya andito ako ngayon sa second floor ng main bulding.
Patuloy ako sa pagtitingin-tingin sa mga label ng bawat rooms nang marinig ko ang hiyawan sa baba ng building kaya napalingon ako ng wala sa oras.
Nung una ay nalito pa ako kung bakit tumitili yung mga babae't bakla sa bandang field pero nung dumako ang paningin ko sa gitna ay nalaman ko kung bakit. Maging ako ay napatingin rin sa kanyang ekspertong paghagis ng bola. Yung posture niya habang seryoso sa kanyang ginagawa ay talaga namang napaka-hot. Ni hindi ko nga makurap-kurap ang mata ko dahil ang gwapo niya talaga. Medyo malayo man siya sakin pero hindi nun kayang itago kung gaano siya kagwapo sa paningin ko.
Para siyang greek god na bumaba sa lupa!!! Diyos ko! Yung petchay ko, gusto na atang lumandi-ay-on the second thought, wala pala akong petchay hahaha.
Oh my gulay, on this day, at this very moment ng aking college life, nakita ko na ang kauna-unahan kong campus crush.
Gosh...yes, crush ko na si Kuyang Pitcher na sobrang hot at gwapo.
Wiling-wili ako sa kakamasid kay crush nang bigla na lamang tumunog yung bell hudyat na magsisimula na ang klase. Para tuloy akong nagising bigla sabay takbo papunta sa room ko.
After nang mga ilang minuto, nahanap ko narin yung room ko. Malaki siya in all fairness. De-aircon rin at tsaka parang sa gym namin nung hayskul yung ayos ng mga upuan. Yung parang stadium? Basta gamitin nyo na lang imaginations nyo.
Shempre kunyari pakyeme akong pumasok diba? Ayoko kong maging center of attraction pero namali ata ako ng blending. Kaurat kasi tong puting shirt ko. As in yung buong klase nakatitig sakin. Haler! Alam ko ng maganda ako kaya wag nyo nang ipangalandakan!
Kung alam ko lang na magkakaganito, Di ko na sana ginamit yung tide panlaba. Nasilaw ata sa linis ng damit ko tong mga to kaya nakatingin sakin eh.
Inindyan ko na lang yung mga titig nila sakin at humanap ng mauupuan malapit sa white board. Gusto ko kasi na malapit yung prof pag nagdi-discuss. Mas pumapasok sa utak ko yung mga pinagtatalak niya.
Nagpalinga-linga ako kung saan may available na seat hanggang sa may na spot ako malapit sa payat na lalaking may glasses. Medyo may kapandakan pero di rin naman papatalo kung fez ang labanan.
May pagka-cute kasi siya tsaka lumalabas yung dimples niya pag-nangiti. Yun bang kung titingnan mo, mapapangiti ka na lang talaga sa kakyutan niya.
Wala pa naman yung prof kaya pwede pa siguro akong makipagtsismisan.
"Hello. May nakaupo na ba rito?" Tanong ko nung asa harapan niya na ako. Nagulat pa nga siya ng kaunti dahil busy sa pagbabasa nung handouts niya. May pagka-nerd pala ang isang to.
"H-ha? Ah...wala..sige maupo ka." Aniya na medyo inaayos pa yung salamin. Tinaasan ko tuloy ng kilay. Naku! kaanib rin pala to ng federasyon. Girl! May papilantik pa talaga.
Kaya naman pagkaupong-pagkaupo ko palang ay binasag ko na ang pantasya niya. Mahirap na.
"Teh, stop in the name of love. Ayoko maging tomboy." Sabi ko na nakataas pa rin ang kilay kaya si ateng, mas lalong nagulat.
Ay! may pa touch pa sa dibdib with matching punas pawis? Anek itey teleserye?
"Oh my god! Kaloka ka naman Ses! Nahopia pa ako. Christian nga pala pero just can call me Tintin. Wiz ko type yung Christian, masyadong pa-men, eh gandara park naman ang lola mo. Anyway, Transferee ka?"
Hahaha ang ingay pala neto.
"Oo. Medyo naambunan nung jumulanis morisette ng swerte kaya eto scholar. Ikaw?"
"Uhm ditey na ako nag-aaral sa Clarendon since elementary."
"Ay madatong ang lola. Siya nga pala, Mist Adrian Go yung pangalan ko but you can call me Chunchun. Friends na tayo ah."
"Sure. Actually loner ako since nagmigrate sa states yung bff ko na beki rin kaya eto bokya na sa friendship, malas pa sa lovelife."
"Naku friend! I feel you. O s'ya, sabay tayong maglunch mamaya."
"Haha push."
Kakatuwa talaga tong si Tintin pero thankful naman ako dahil may nakagaanan na ako ng loob first day pa lang ng school.
Nag-usap pa kaming dalawa ng mga bagay-bagay tungkol sa isat-isa until pumasok yung class adviser namin kaya umayos narin kami. Professor Erlinda Cruz daw ang pangalan niya and after niyang magpakilala na mala MMK sa haba eh nag-simula na rin kami sa walang kamatayang introduce yourself.
Next class namin ay same room at business math naman yung subject. Ganun rin ang ganap hanggang sa mag-lunch time na.
"Mare bilisan mo diyan ng makagora na tayo sa canteen. Tom jones na aketch. Kanina pa nagjajambolan yung mga bulati ko oh."
Kita mo tong isang to. Kita niya namang nag-aayos pa ako ng gamit. Kutusan ko kaya to ng makita niya.
"Sandali kinukuha ko pa mga gamit ko. Tsaka antayin mo ako sa labas. Najejebs ako eh."
"Ano ba yan. O siya."
Nang matapos kung iligpit sa bag yung binder tsaka ballpen ko eh lumabas na rin kami ng room. Diretso agad ako ng CR habang siya ay hinihintay akong matapos sa may hallway.
Halos punuan na nang makarating kami ng canteen. Sinisi pa nga ako ng lola niyo dahil naubusan daw siya nung paborito niyang sweet n' sour pork. Pati pag-order ng pagkain dito ay sosyal rin. Yung pipindot ka lang dun sa screen monitor nang menu na gusto mong orderin tapos swipe mo lang yung ID card mo then magpi-print lang siya ng parang coupon na ibibigay mo sa counter if ready na yung meal. Kasama na kasi sa tuition yung meal credits.
Matapos naming umorder eh naghanap na kami ng mauupuan. Sakto namang si Ate Beybi yung nagserve ng meal namin sa counter kaya inantay na namin siya para kumain.
Habang busy ako sa pagnguya nung servings ko nang pork cutlings na may gravy at dalawang rice ay biglang nag-ingay ang cafeteria. Nakatalikod kasi ako sa entrance kaya di ko pa alam kung ano yung cause ng commotion but not until nilingon ko yun.
"O my god bakla!!! Dito kakain ang magkakapatid na Mortel!!!!!" Tili ni Tintin na halos bumasag sa eardrums ko.
Pano ba naman kase, may pumasok na apat na gwapong lalaki sa may pantry kaya halos magriot ang buong school. As in ang gagwapo nila. Yun bang naglalabas sila ng aura of hotness na unique sa bawat isa kaya hindi ka magsasawang titigan sila isa-isa ngunit para sakin, merong nagstand out sa kanilang lahat. Yun ay si kuyang pitcher na nakita ko kanina. Isa siya sa kanila!
"Bakla sino-sino sila? Ang gagwapo!!!" Excited na tanong ko kay Tin habang niyuyugyog pa siya.
"Kayong dalawa talaga. Basta lalaki ang bilis nyo." Si ate beybi na naiiling pa.
"Aba dapat lang Ate Beybi no! Wala kaya kaming mga pekpek kaya dapat push kung push!" Si Tintin na halos mabali na ang leeg makita lang ang apat sa kumpulan ng mga estudyante.
"Kwento ka bakla dali!!! Sino ang mga yan? Diba ang sabi mo eh siblings sila? So pare-pareho sila ng year level?" Sabi ko pa na kunyari interesado ako sa kanilang lahat pero si kuyang pitcher lang talaga ang pakay ko.
"Atat? Eto na. Yang apat na iyan ang mga prinsipe ng Clarendon University. Ang Mortel brothers. Anak ng pinakamatanyag na businessman sa bansa ngayon." Panimula ni Tin kaya nakinig na'ko ng mabuti kahit nasa magkapatid nakatutok ang mga mata ko.
"Kita mo yang may dimple na nakawhite shirt? Si kuya Maxx yan. Maxx Tristan by fullname. Siya ang nakakatanda. Ang Naughty Prince ng College of Engineering. Mabait pero mapagbiro lang. Yung sa kaliwa naman niya na nakablack na leather jacket ay si Kiss Andrei. Ang Peevish Prince ng College of Information Technology. Laging salubong ang kilay. Akala mo ipinaglihi sa sama ng loob. Sa kanan naman ni Kuya Maxx ay si Andes James. The Inscrutable Prince kung tawagin ng College of Architecture. As in wala kaming info sa mga whereabouts niya. Buti pa yang si Kiss, kahit masungit eh alam namin kung anek yung favorite food. Yung ganun? Pero yan, bokya. Yung huli ay si Mentos Felix. Ang Athletic Prince ng Hotel and Restaurant Management of College of Industrial Technology. Mapafootball man yan, baseball, basketball, swimming, bowling, fencing, taekwondo, at maging muay thai pinatos na." Mahabang litanya ni Tintin na wala ako halos pinakinggan kasi inaantay ko yung kay crush. So Mentos pala name nya.
"Pansin ko lang ha, bakit puro candy mints yung name nila? Tsaka bakit halos magkaedad lang sila eh diba magkakapatid ang mga yan? Wag mong sabihin na quadruplets sila?" Takang tanong ko pa. Ang odd lang kasi.
"Kailan ka ba ipinanganak ha? Seriously? Wiz mo knows yung about sa Mortel empire? Ang angkan na nangunguna sa larangan ng business?"
Tumango na lang ako just to respond. Anong magagawa ko eh di ko talaga alam eh.
"Diyos ko! Artificial insemination girl. Una si Kuya Maxx yung ginawa obviously since one year ahead siya then si Mentos tapos yung dalawa sabay na. Di kasi kayang magdalantao ni Seniora Crisanta kaya ayun, gumawa ng paraan ang patriarch upang magkaroon ng mga tagapagmana ang mga Mortel."
"Ah...." Ang nasabi ko na lang. Super yaman pala talaga nila.
"O siya tama na yan. Kain na kayo."
Awat ni ate beybi sa kalandian namin pero hindi parin mawala yung tingin ko dun sa Mentos habang naglalakad sila papuntang counter. Ang gwapo naman talaga kasi.
Kaso nga lang ang taas niya masyado. Kahit ano yatang kayod ko ay hindi ko parin siya maabot.
Hay...
Hanggang crush na lang talaga kita. Pitcher boy.