Kakarating lang Namin ni Hanz sa mansion nila, Ang lawak den pala Ng lupain nila pati mansion nila Ang laki.
Pero mas malaki pa den Ang mansion Namin sa maynila.
Saktong dating Namin ni Hanz sa mansion nila sinalubong kami Ng dalawa Nyang maid.
Budz ito pala si aling Marisol Makalisang! s'ya ang mayordoma dito sa mansion at ito namang isa si Marites Memosa isang kasambahay den dito sa mansion.
Wag kang mahiya mag sabi sa kanila budz pag may kailanga ka.
"Aling marisol at marites si Trece Bryen Carmon pala kaibigan kupo s'ya."pakilala ni Hanz sa kanyang kaibigan, sa dalawa n'yang katulong.
"Hello! sa inyong dalawa aling Marisol at Marites ako pala si Trece kaibigan ni Senyorito Hanz n'yo."naka ngiting nakipag kamay si Trece.
"Welcome po Senyorito Trece,sana po maging masaya kayo sa pag bakasyon n'yo dito." galak na sabi ni Marisol.
"Sana nga aling Marisol, maganda ang maging resulta ng aking pag punta dito."sagot ni Trece kay aling Marisol.
"Wag kang mag alala budz, e pasyal kita dito sa lugar namin, madaming tanawin na magagandang puntahan dito Kaya sulit ang bakasyon mo dito."pampalakas loob naman na sabi ni Hanz sa kaibigan.
"Oh s'ya halikana budz, ihatid na kita sa magiging kwarto mo, para makapagpahinga kana."
"Ito ang magiging kwarto mo budz, kompleto na lahat Dito Kaya Hindi kana mahirapan."paliwanag nito sa kaibigan.
"Tawagin nalang kita mamaya budz pag kakain na pahinga ka muna jan."
"Salamat budz huh, kailanga ko lang kasi makapag isip kaya pumunta ako dito."malungkot na sabi ni Trece sa kaibigan.
"Walang anuman budz, alam mo naman andito lang kaming mga kaibigan mo,handang tulongan ka kung may problema ka na hinaharap."pampalakas loob nito sa kaibigan.
"Sige budz baba muna ako para maka pag pahinga ka ng maayos."
Sana makapag isip ako ng maayos dito sa lugar nila Hanz, ang dami kung problema na hinaharap ko ngayon dumagdag pa Sila Daddy at Mommy.
Nag mamadali silang dalawa na magka apo Sila.
Hindi na daw ako bumbata malapit na daw ako maalis sa calendaryo.
Di pa ako handa na maging Isang ama gusto kupang enjoyin ang pagka binatelyo ko.
Wala pa den akong na nakilalang babae na pwde maging isang Ina ng mga anak ko.
Iba na pag may Asawa kana kaya sulitin ko itong bakasyon na ito at sana pag balik ko sa Maynila maging ok na ang lahat.
Kaya heto ako ngayon kila Hanz para maka langhap ng sariwang hangin at maka pag isip ng maayos, kung paano lutasin ang problema na hirap ng negosyo ko ngayon.
Ang laki ng nawala na pera sa Isang branch ko sa Maynila hindi ko alam kung sino ang gumawa non, Kaya pumunta ako dito para makapag isip kung sino Ang lum*p*s-t*ng*n na kumuha sa milyones ko.
Humanda ka kung sino kamang l*p*st*ngan ka, pag babayarin kita.
Double Ang kapalit na hingiin ko sa'yo .
Nagising si Trece nong may kumatok sa kanyang pintuan.
"Senyorito! Senyorito Trece gising napo ba kayo?"
Tanong ni aling Marisol sa akin.
"Opo aling Marisol gising napo Ako bakit Po!"sigaw na sagot ni Trece.
"Baba napo kayo Senyorito,kakain napo daw sabi ni Senyorito Hanz." balik na sigaw ni aling Marisol.
Sakto pagbaba ni Trece naka Hain na 'yong pagkain sa mesa.
"Wow sarap naman nitong hinanda nyo budz."masayang sabi ni Trece sa kaibigan.
"Oo naman budz alam kung namang na miss munang kainin itong, inihaw na Isda na may sawsawang Toyo na may madaming kamatis at sibuyas."nakangiting sabi ni Hanz sa kaibigan.
Masayang nag salo salo ang dalawang magkaibigan. Naging masaya sila,dahil ilang taon den sila hindi nag kita at nagkasamang dalawa.