Lumipas ng ilang araw, ito nanaman ako nag iisa,hahay buhay naman oh! panginoon! bakit mo kasi kinuha ng maaga sila Inay at Itay ayan tuloy mag isa nalang ako sa buhay.
By the way highway, hindi papala ako nag pakilala sa inyo hagikhik kung sabi, dada ako ng dada dito hindi pa pala ako nag pakilala sa inyo ako pala Si Zandra Dimagiba Makayaman 26 years Old .
Oh! diva sosyal ang apelyido ko, makayaman! tawangtawang sabi ko, pero hanggang apelyido lang ako yayaman.
Hay naku Nay! Tay! palage ba kayong naka bantay sa akin?.
Kung alam n'yo lang nay tay hirap na hirap na ako.
Nong na wala na kayo sa buhay ko,simula nong kinuhanan na kayo ng buhay, grabing pag hihirap ang pinag daanan ko sa buhay ,di kuna alam kung saan na ako pupunta.
Miss na miss kuna kayo nay tay, sana may darating na tao na aahon saakin sa kahirapan ko.
Ayaw kunang palaging ganito ang buhay ko ,kahit unting panahon lang na iparanas n'yo naman sa akin, panginoon! na giginhawa ang buhay ko, sawa na ako sa ganitong buhay.
"Oh budz kanina kapa ba dumating?" tanong ni Hanz sa kaibigan.
"Bago lang budz!"naka ngiting sabi ni Trece.
"Ah! akala ko kasi kanina kapa, dami kasing gawa sa farm ngayon, kaya natagalan ako sunduin ka dito."
"Ano kaba budz! ok lang sa akin 'noh ikaw pa! na aliw den ako dito sa lugar n'yo budz, fresh na fresh 'yong hangin tapos hindi pa ma usok di gaya ng maynila,lalabas ka palang pawis kana at puro amoy usok."
Meet Trece Bryen Carmon 29 years old, nakatira sa Binondo maynila at nag iisang anak ni Draven Carmon at Xenia Carmon.
Iba talaga pag nasa probinsya ka budz, puro fresh ma langhap mo dito, pati pag kain fresh den di gaya ng maynila, hindi na fresh darating 'yong mga gulay doon.
"Sarap mamuhay siguro dito budz noh?"
"Oo naman buds pero sa kasanayan den yan budz, kung magustuhan mo dito o hindi, madami 'yong wala dito budz. Gaya ng mamahaling alak, pagkain, bar at mga babae na kasing sexy at galing gumiling don sa maynila at magaling pa humagalpak na tawa ni Hanz."hagikhik na sabi ni Hanz sa kaibigan.
"Loko ka talaga budz, di naman ako gaya mo na kahit gurang na papatusin mo, basta tawag ng laman."tawang tawang sabi ni trece kay Hanz.
"Puro ka talaga kalokuhan budz, oh s'ya dito na tayo sa bahay."umiiling na sabi ni Hanz.
"Aling Marisol! Aling marisol!." tarantang tawag ni Marites.
"Ano bayan marites?" pagalit na sabi ni aling Marisol.
"Ito naman si aling Marisol high blood agad, pwde naman hindi magalit eh," sabay tawa ni marites.
"Oh s'ya ano 'yon, kasi madami pa ta'yong taposin nga'yong araw, alam mo naman busy ta'yo kapag andito si Senyorito Hanz."
"Kaya nga kita tinawag aling mirasol, kasi anjan na si Senyorito at may kasama s'yang papabol aling Marisol," sabay twinkle twinkle sa mata ni marites.
"Ano? Anjan na si Senyorito? ano kaba naman marites hindi mo agad sinabi."galit na sabi ni aling marisol.
"Diba po aling Marisol, sasabihin kuna sana sa'yo pero high blood ka agad, di pa nga ako nakasalita tataas na agad BP mo," sabay hagikhik ni marites.
"Ikaw talaga marites palage mo talaga pinaptaas BP ko."gigil na sabi ni aling marisol.
"Oh s'ya puntahan na natin sila Senyorito, baka may dalang gamit 'yong kaibigan ni Senyorito Hanz."
"Ano pang inaantay mo jan marites, pasko malayo pa 'yong pasko,kaya kumilos kana jan nakakahiya sa bisita ni Senyorito Hanz 'wag pabagal bagal."pa sigaw na sabi ni aling marisol.
"Ito na Po aling Marisol, lalakad na po ako 'wag kanang high blood jan,sabay tawa ni marites."
Sa isip ni marites sarap talaga lokuhin itong si aling Marisol, natatawa talaga ako kapag palaging high blood s'ya sa akin.