Lumipas ng dalawang oras nag landing na ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Di namalayan ng dalawang mag bestfriend na dumating na pala sila sa airport. May pumunta ng flight attendant sa kanilang dalawa para gising ito.
"Excuse me ma'am nag landing na Po tayo sa Ninoy Aquino International Airport." Ni yugyug unti ang braso ni Mickay para magising.
"Ano ba yan best wag mo nga akong gisingin natutulog yong tao eh."sabay hampas sa kamay sa flight attendant. Pumikit ulit si Mickay wala siyang pakialam sa kanila.
Naalimpungatan si Zandra sa boses ni Mickay kaya nagising ito. Nagulat si Zandra sa ginawa ni Mickay sa flight attendant saktong pag dilat ng kanyang mata bumungad ang paghampas ni Mickay sa flight attendant. Lumaki ang kanyang mata sa nakita, kaya ang bilis n'yang humingi ng paumanhin.
"Sorry Po ma'am, sa ginawa ng aking kaibigan." Hingi kung pasensya sa flight attendant. Nakakahiya ang ginawa ni best hay naku akala n'ya siguro nasa bahay lang s'ya.
"Ok lang Po ma'am." Naka ngiti nitong sabi sa akin.
"Salamat Po ma'am, kanina po ba sila bumaba?"tanong ko sa kanya.
"Bago lang ma'am nasa may hagdanan pa Po sila banda."
"Maraming salamat Po ma'am."
"You're welcome po, Sige Po ma'am aalis na ako ingat Po kayo."naka ngiti nitong sabi sa akin. Ang bait naman n'ya sana lahat ng flight attendant ganon ang ugali.
Magising na nga itong si best Mickay, nakakahiya kami na lang na iwan sa eroplano. Ginising ko si best Mickay dahil baba na kami. Nagmamaktol pa ito, kanina naka nganga pa ito ano kaya ang pinanggagawa n'ya sa panaginip n'ya.
"Best gumising kana." Yugyug ko sa balikat nito.
"Ano ba best mamaya na natutulog pa ang tao gigisingin mo." Sabay pikit sa mata.
Baliw talaga itong si best akala siguro nasa bahay lang s'ya ngayon, nakalimutan ata nasa eroplano kami.
"Best bilisan muna bahala ka iwan kita d'yan." Pananakot ko sa kanya.
"Ano ba yan best ayon na sana eh, pinutol mo ang panaginip ko. Ayan tuloy hindi ko na kain ang talong ni Hanzy my labs ko. Kakain ko na sana ang talong ni Hanzy my labs ko, pinutol mo pa destorbo ka talaga best." Nagmamaktol nitong sabi sa akin sabay gulo sa kanyang buhok.
Baliw na talaga itong si best Mickay kay Hanz.
"Bahala ka best iwan na kita d'yan,tayong dalawa nalang natira dito sa eroplano kaya bahala ka iwan kita." Sabay alis ko sa harapan n'ya.
Malayo layo na ako sa kanya saka nalang s'ya tumayo at sumigaw sa akin.
"Best wag mo naman akong iwan ito naman di mabiro."nag mamadali s'yang tumakbo papunta sa akin, sa kakamadali n'ya na untog ang kanyang tuhod sa may upuan. Siguro ako mamaya n'yan may pasa iyon pagdating namin sa bahay nila tita Doreen.
"Ang bilis mong mag lakad best antayin mo naman ako, wag mo akong iwan."nagrereklamo nitong sabi sa akin.
"Syempre best ano kaba, tayo na lang nga ang natira sa eroplano. Hindi ka mahiya sa kanila bilisan mo para ma habol natin ang mga tao."binilisan kuna ang aking kilos baka wala kaming ma sundan na tao hindi pa namin alam pasikot sikot dito kaya bahala na.
Samantalang sa labas naman ng airport nag antay ang pinsan ni Mickay na si Sharina "Shananng" Tapit. Bwisit na bwisit na s'ya dahil ang tagal ng pinsan n'ya. Maaga siyang umalis dahil ang sabi maaga ang dating ng dalawa. Di na maipinta ang mukha ni Shananng kaya kapag may mag loko sa kanya sorry na lang baka ma bigyan n'ya ng roundhouse kick.
"Ano ba yan ang tagal naman nila insan inagahan ko nga pumunta dito. Dahil ang sabi nila nine ang dating nila tapos ngayon alas dyes na mag eleven na.Gutom na ako anong oras na wala pa sila sobrang init pa naman dito. Masira ang balat ko naku ma kurot ko tagal sa singit si insan ang tagal nilang dalawa."
Hindi na mapakali si Shananng sa kinatatayuan n'ya na naka busangot ito at di maipinta ang mukha n'ya.
Habang si Trent kakarating lang din n'ya sa airport,para mag sundo sa kanyang kaibigan galing pang American. Pag labas n'ya sa kanyang kotse na pansin ni Trent si Shananng sa may malapit sa entrance. Naka tayo lang ito doon at naka busangot nag papadyak pa ito dahil siguro na initan na.
"Ang cute naman niya ang sarap siguro pisil pisilin ang mukha n'ya. Ang ganda ng kotes n'ya pang mayaman ang kinis at puting puti pa. Kasing puti s'ya ng labanos at kasing kinis ng lechon baboy na sarap kagat kagatin sobrang lutong panaman non at ang kanyang mukha kasing kulay ng mansanas na nag pipinkpink pa ang kanyang mukha. Sobrang alaga siguro nito sa mukha. Nanggigigil ako nakatingin sa kanya pati ang alaga kung kabayo gusto na kumawala gusto na makipag karera."
Aliw na aliw si Trent sa nakikita n'ya kay Shananng. Ang cute kasing tingnan ni Shananng kaya mas lalo s'yang humanga sa dalagita.Wala ding arte ang dalagita walang kolorete sa mukha kahit lipstick wala din. May nakita si Trent na bata kaya tinawag n'ya ito.
"Bata! Bata!" Kaway nito sa bata.
Lumingon ang bata sa kanya at nag sabing.
"Bakit kuyang pogi." Naka ngiti itong lumapit kaya Trent.
"Utusan kita kung ok lang sa'yo may kasama kabang pumunta dito?"tanong ng binata sa kanya.
" Wala Po kuyang pogi ako lang Po ang nandito. Ano Po ang ipagawa n'yo sa akin kuyang pogi. Wag lang Po iyong masama huh! Di Po papayag si mama na gagawa ako ng masama."paliwanag nito sa kanya.
"Ano pala pangalan mo bata."
" Ako Po si James Lloyd kuyang pogi pero tawagin n'yo na lang po akong Loyloy."pakilala n'ya sa kanyang sarili.
"Ako naman si Kuya Trent mo Loy. Ito utos ko sa'yo nakita mo ba iyon?"sabay turo n'ya kay Shananng na naka busangot pa din hanggang ngayon dahil na initan na ito.
"Oo, kuyang pogi nakita ko si ateng ganda kanina pa yan naka tambay d'yan baka may susunduin din s'ya."
"Puntahan mo si ate ganda mo Loy ibigay mo itong Jacket ko sa kanya." utos nito sa bata.
"Papayag ako kuyang pogi basta bigyan mo ako ng Pera kapag ibigay ko ito kay ate ganda." Pambubudol nito kay Trent.
"Ano ba gagawin mo sa pera Loy?"
" Pambili ko Po ng gatas sa kapatid ko kuya pogi."naka yuko nitong sabi sa binata.
"Saan ba ang papa at mama mo Loy. Bakit ikaw ang naghanap ng pera para pambili ng gatas ng kapatid mo?"tanong ni Trent sa kanya.
"Si Mama Po kuya kakalabas lang Po sa hospital bagong panganak. Tapos si Papa Po nasa malayo nag tratrabaho, hindi na din ito naka pagpadala sa amin ng pera kaya ako na lang ang tumulong kay Mama."
" Ilan ba kayo magkapatid Loy?"
"Apat kami kuya ako ang pangalawa."
" Saan yung paganay n'yo Loy bakit hindi s'ya ang tumulong ilang taon kana."
"Si ate Po kuya nasa Lolo Po namin doon s'ya nakatira nag working student Po s'ya doon. Mag kinse na Po ako kuya, si Ate naman Po mag disiotso Po."
"Oh! S'ya pag balik mo bigyan kita pera kaya ibigay muna ito kay ate ganda."naka ngiti itong utos sa bata.
"Akin na kuya para maka uwi na ako sa amin panigurado gutom na si asper pag uwi ko sa bahay."
Pag abot ni Trent sa jacket kay Loyloy umalis na ito at pinuntahan na si Shananng. Nagulat si Shananng na may kumalabit sa kanya. Napatalon ito sa gulat dahil na pag kalabit ni Loyloy sa kanya. Si Trent tawa ng tawa sa reaction ni Shananng magugulatin ito.
"Ano ba yan bata nangugulat ka naman." Sigaw n'ya kay Loyloy.
"Sorry Po ateng ganda ang seryoso n'yo po kasi kaya di mo ako narinig na tinawag kita kaya kinalabit na lang kita."hinging pa umanhin ni Loyloy.
"Sorry din, na sigawan kita ano pala ginawa mo dito? Kung manghingi ka ng pera wala ako non bata na ubos na pinamasahe kuna kanina kaya sa iba ka na lang manghingi."
"Hindi naman ako manghingi ng pera ate ganda,may inaabot lang ako sayo."sabay bigay sa jacket ni Trent.
"Ano gagawin ko d'yan bata ano pala pangalan mo."
" Ako pala si Loyloy ate ganda. Pinapabigay Po ni kuyang pogi ate, kasi na awa s'ya sayo ayaw n'ya na masira yung balat mo."
"Saan yung nagbigay nito Loy, para makahingi ako ng salamat sa kanya."
"Ok lang daw ate ganda, sa susunod ka na lang daw mag Thank you sa kanya kapag isa uli mo sa kanya yan."naka ngiti nitong sabi.
"Salamat Loy, ako pala si Ate Shananng mo sabihin mo pa din sa kanya na salamat."
" Sabihin ko Po kay kuya pogi ate,Sige Po aalis na ako."sabay alis at kumakaway pa ito.
Pag alis ni Loyloy tiningnan ni Shananng ang jacket, may nakasulat itong pangalan sa likod malaking naka burda sa likod na K. T. Dy at inamoy amoy pa ito ni Shananng parang na adik s'ya sa amoy sobrang bango. Pagbalik ni Loyloy kay Trent siningil n'ya agad ang bayad nito.
"Kuya Trent na bigay kuna kay ate Shananng. Saan na yung bayad ko." Sabay lapag sa kamay.
" Shananng ba pangalan n'ya Loy?"naninigurado n'yang tanong kay Loyloy.
" Oo kuya s'ya pa nag pakilala sa akin at salamat daw sa binigay mong jacket sa kanya."
Shananng! Shananng! Ang gandang pangalan kasing ganda n'ya hindi kita makalimutan baby markado kana sa akin.
"Salamat sa'yo Loy nakuha mo pa pangalan n'ya."
"Kuya Trent saan na bayad ko para makauwi na ako panigurado gutom na ngayon si asper pati sila Mama."
"Ihatid na kita sa inyo Loy kapag dumating na si kuya Topper mo at dadaan pa ta'yong grocery para marami kang iuwi sa inyo mamaya. Antayen lang natin si kuya topper mo Loy bago tayo uuwi sa inyo."
" Salamat kuya Trent."
Habang nag uusap silang dalawa dumating si Topper o Kristopher Anthony Vargas. Siya ang kaibigan ni Trent mula nag aral s'ya sa American. Si Topper ang ka dorm ni Trent sa American at nag kaka sundo sila sa lahat ng bagay.Kagaya sa nabuong samahan nilang limang magkakaibigan. Simula nag aral sa American si Trent nakita n'ya ang kalinga ng isang kaibigan mula kay Topper.
"Budz, andito lang pala naka parada ang kotse mo hanap pa ako ng hanap."sabay akbay sa kaibigan. Nagulat si Trent sa pagdating ni Topper akala n'ya mamaya pa ito darating.
"Nakakagulat kanama budz, di mo ba nabasa ang text ko sa'yo na dito lang banda sa may entrance."
" Di ko siguro na pansin budz naka silent pa din ang cellphone ko kaya di ko nabasa text mo."
"May bagahe kapa bang dala budz para ipasok na natin sa likod."
"Ito lang ang dala ko budz, ayaw ko mag dala ng marami pwede naman ako bumili dito."nakangiting sabi nito sa kaibigan.
"Akala ko marami pa, tara na budz pasok kana para aalis na ta'yo at may ipakilala din ako sa'yo."
Pagpasok ni Topper sa sasakyan nagulat s'ya sa nakita na may batang nakasakay sa sasakyan ni Trent.
"Budz sino itong kasama mo anak mo ba ito?"
"Ano kaba budz anak agad, nakilala ko lang si Loyloy dito inutusan ko kasi s'ya kanina kaya nagkakilala kami dalawa. S'ya pala si James Lloyd budz, Loy s'ya si Kuya Topper mo."pakilala ni Trent sa dalawa.
"Hello kuya Topper."
"Hello din sa'yo Loy."
"Tapos na kayo nagpakilala sa isa't isa, aalis na tayong tatlo.Budz dadaan muna tayo sa may pure gold para bibili ako ng grocery ni Loyloy para may dala s'ya pa uwi ok lang ba?"tanong ni Trent kay Topper.
" Ano kaba budz ok lang walang problema."
Pagkatapos sa sinabi ni Topper, pinaandar na ni Trent ang sasakyan. Bago sila maka labas ng airport na daan nila si Shananng sa may gilid ng kalsada. Bumusina ng malakas si Trent, na gulat ito at napatalon dahil sa sobrang gulat. Tawa lang ng tawa silang tatlo sa itchura ni Shananng sobrang badtrip na nga s'ya, dahil matagal dumating ang kanyang pinsan dumagdag pa talaga si Trent.
"Ay ambot sa kanding na may bangs." Malakas na sigaw ni Shananng at napatalon ito dahil sa gulat.
"Wag ka talaga magpakita sa akin, ma lampaso ko talaga ang pagmumukha mo tanda ko ang plate number kaya humanda ka sa ganti ko udiponggol ka."gigil na gigil si Shananng kay Trent kaya mag handa s'ya sa ganti nito.