Good morning everybody! Panibagong buwan na naman. Isang buwan na ang lumipas simula ng nagkakilala kami sa mga lalaki. Isang buwan na den kami hindi nagkita kita at ngayong araw ay luluwas na kami ng Maynila ni best Mickay. Sana hindi ako mahirapan mamuhay sa syudad Lord! sana gabayan n'yo ako sa landas na tatahakin ko. Nay! Tay! Gabayan n'yo din ako kung saan ako patungo ngayon, sana palagi kayong naka bantay sa akin masaya na ako.
Bakit kaya ang tagal naman ni best Mickay ni lalamok na ako dito sa bahay.
S'ya pa yong excited na aalis sinabihan pa naman ako na agahan ko ng gising,tapos s'ya pala yong late magising hay naku best Mickay. Maka higa nga muna baka mamaya pa s'ya darating.
Kumusta na kaya si Trece ngayon, simula nong may nangyari sa aming dalawa sa video call yon na ang last naming pag uusap. Wala na itong paramdam sa akin pati si best Belyn wala na din kaming contact hindi na din kami nakakausap.
Siguro naging busy na yon sila best Belyn baka darating ang araw tatawag din sa amin yon. Nakakamiss din silang kasama, sana magkita kita pa kami lahat. Kahit konting panahon kami nagkakilala ang sarap nilang ka bonding.
Pipikit na sana ako para matulog napa talon ako dahil sa gulat sa sigaw ni best Mickay. Hay naku wrong timing talaga itong si best, akala ko mamaya pa kami aalis anjan na pala.
"Best! Best! Gising kanaba?"Sigaw ni best Mickay sa labas.
"Kanina pa ako gising best antayin mo ako wag mo naman sirain yang pintuan ko."pasigaw kung sagot sa kanya, pambihira talaga itong si best sisirain pa at pintuan ko."Wag mo naman sirain yang pintuan ko best ano pa babalik ko kung sirain mo yan."reklamo ko sa kanya.
"Sorry! Na best ang tagal mo kasing sumagot akala ko tulog kapa."huma hagikhik pa ang sabi sa akin.
Sarap pikdulan sa ulo kung di kulang bestfriend ito, kanina ko pa binatukan sa ulo.
"Kanina pa ako nagising,sabi mo sa akin maaga tayo aalis para maaga tayo maka rating sa terminal ng bus."
"Si Nanay, kasi best hindi ako pinag luto ng talong babaunin ko baka magutom tayo mamaya may makain akong taking. Maganda pa naman yung binigay na talong ni Hanzy my labs ko, may natira pa sa binigay n'ya sa akin noong nakaraang linggo nag dala na naman s'ya."mahabang sabi n'ya sa akin.
Grabi itong si best Mickay ang swerte n'ya kay Hanz sinuplayan pa naman ng talong.
Ayon ang bruha ang saya dahil marami na naman siyang kakainin na talong. Buti hindi s'ya nag ka allergy sa talong araw araw pa naman yan ang ulam Prfft!.
"Best Zandra para kang baliw d'yan ngiti ka ng ngiti, ayaw ko may kasamang baliw papuntang Maynila."biro n'yang sabi sa akin. Yawa ginawa pa akong baliw mamaya maka ganti din ako sa'yo.
"Tara na best baka mahuli pa tayo sa flight natin papuntang Maynila. Bilisan mo baka mahuli pa ta'yo sa unang alis ng Bus. Mahirap na pag pangalawang byahe ng Bus pa tayo sasakay hindi na tayo aabot sa flight natin."agad kung sinarado ang Bahay ko kanina pa naka lock ang mga bintana kaya ang pintuan na lang ang e lalock ko.
"Best tapos kana bang nag paalam sa Bahay mo best Prfft!"
Anemal jud ni s'ya bakit naman ako magpapaalam sa Bahay ko dito lang naman s'ya.
"Kagabi pa best, kaya walang problema na Iwan ko siya dito."pabirong sabi ko kay best Mickay. Ang bruha tumawa lang parang baliw talaga itong kaibigan ko.
"Kung tapos kana best alis na tayo."huma hagikhik n'yang sabi.
Ayon na nga sumakay na kami ng motor papuntang lungsod namin. Isang sakay lang naman kapag pumunta ka sa lungsod namin. Pagdating namin sa Sindangan deneritso kami sa driver papuntang bus terminal. Saktong pagdating namin pa alis na ang unang byahe ng Rural Bus papuntang Dipolog city. Sa Dipolog city lang ang may airport kaya sasakay pa kami papuntang Dipolog city.
Tatlong Oras din ang byahe namin bago kami makarating sa Dipolog city. Makatulog nga muna na puyat ako sa kaka antay ni best Mickay. Ang aga kung nagising dahil maaga daw kami aalis yon pala mag tatanghali na kami umalis.
Sobrang ganda ng tulog ng dalawang mag kakaibigan, di nila na malayan dumating na pala sila sa may terminal ng bus sa Dipolog city. Naalimpungatan si Zandra dahil ang ingay sa labas.
Konduktor ng bus: Sakay na, sakay na kayo dito, aalis na tayo kapag puno na maraming pang upuan.
Tindira: Bili na kayo dito, pasalubong n'yo sa pamilya n'yo. Murang mura lang kayang kaya sa bulsa.
"Best! Best! Gising na andito na tayo sa terminal bilisan mo baka mahuli tayo sa flight natin anong Oras."yugyug ko sa balikat ni best Mickay. Ang tagal na gising bwisit nito ma sampal nga.
Pack! Pack! Pack! Malutong na sampal ni Zandra sa kaibigan.
"Peste ano bayan best natutulog ang tao gigisingin mo."nagmamaktol na sabi nito sabay gulo pa sa buhok.
"Hoy, best wala tayo sa bahay. Nag ka amnesia kaba? May flight tayong hinahabol anemal ka bilisan muna jan naghahanap pa tayong tricycle papuntang airport."bwisit naka nganga s'ya sa sinabi ko ayaw pa gumalaw saka nalang s'ya gumalaw nung iniwan kuna s'ya.
"Best wag mo naman akong iwan parang wala naman tayong pinagsamahan n'ya." Nag dradrama pa s'ya diponggol talaga.
"Bilisan mo jan best anong Oras na oh! Para kuya pa sakay."tawag ko sa tricycle.
"Ma'am saan Po kayo?"
" Kuya airport Po tayo paki bilisan may hinahabol kaming flight."nagmamadaling utos ko sa driver." Ano best tutunganga kapa jan bilisan mo."
"Ito na best sasakay na, Sige kuya larga na pupunta tayo ng langit."pabirong sabi ni Mickay sa driver, na tawa na lang ang driver sa sinabi ni Mickay.
Ilang minuto dumating na din sila sa airport. Saktong pag pasok nila sa may entrance ng airport tinawag na pangalan nilang dalawa.
Paging! Paging! Paging!
Tinatawagan Po Namin Sila Ma'am Zandra Dimakayaman at Ma'am Mickay Spantot. Ilang Oras na lang Po pa alis na Po ang eroplano.
"Best bakit narinig ko yong pangalan nating dalawa." Natatawa pa si Mickay dahil narinig niya ang pangalan nila ng bestfriend n'ya.
"Wag kang tanga best, kaya tinawag tayo dahil tayo nalang inaantay."
"Ay akala ko sikat na tayong dalawa ganon pala yon."hagikhik pa nitong sabi.
"Kuya! Kuya! Pwede ba kaming ma una. Kami Po ang tinatawag, baka hindi kami maka habol."
"Hala ma'am kayo pala yon? tatlong beses napo kayong tinawag.Hali na po kayo para hindi kayo maiwan."
"Sorry Po! Sa inyong lahat kung sisingit kami."humingi ng pasensya na sabi ko sa kanila.
" Ok lang ma'am."
Buti na lang mabait ang nasa unahan namin ni best Mickay, nag check in palang kami ang haba ng pila. Kaya sumingit na lang kami dalawa.
"Tingnan mo best sabi ko sa'yo maaga tayong aalis,tignan mo maiwan sana tayong dalawa."paninisi ko sa kanya.
"Oo na kasalanan kuna best alam mo naman na,nag paluto pa ako ng talong kay Mama bago umalis."
"Pwede naman tayo bumili ng talong pag dating natin doon. Di kaba nag sawa sa kakain ng talong araw araw best."
"Eh! Sa masarap naman talaga ang talong best,kaya wag basagan ng trip."
Sa kaka daldal nilang dalawa naka abot din sila sa may eroplano. Sila na lang inaantay para umalis.
"Bilisan mo umakyat kana bwisit ka talaga tayo na lang ang inantay."
"Aakyat na Po!"
Pag akyat nilang dalawa sinarado na ng flight attendant ang pintuan ng eroplano.
Ma'am! Sir! Paki ayos ang inyong mga seltbelt. Ilang minuto na lang Po ay aalis na Po tayo maraming salamat.
Nagkagulo ang dalawang mag kaibigan, dahil hindi nila alam paano ikabit ang seltbelt.
"Best, paano ba ito ikabit ang hirap naman."
"Bakit mo sa akin itanong diko din alam yan."
"Tawagin mo yung flight attendant best para alam natin."
Bago mag tawag ang dalawa pinuntahan na silang dalawa sa flight attendant.
"Excuse me ma'am! Me I help you?"
"Ma'am, tanong lang Po namin paano mag lagay ng seltbelt ngayon lang Po kami naka sakay ng airplane." Bulong ni Mickay sa flight attendant.
"Akala ko naman ma'am na pano na kayo." Naka ngiti itong naka tingin sa kanila."Ganito lang gagawin n'yo ma'am ipasok n'yo po yung isang may pang lock sa may butas na isa, ipag dugtong n'yo lang Po iyan. Ganon Po din gagawin n'yo mamaya kapag darating na tayo sa Ninoy Aquino International Airport."paliwanag nito sa dalawa.
"Salamat Po ma'am, sorry sa distorbo."hinging pa umanhin ni Mickay.
"Ok lang Po ma'am."
Pagka alis ng flight attendant kinulit na naman ni Mickay si Zandra.
"Best Ganon lang pala gagawin sa seltbelt, marami pa pala tayong pag aralan nito best."natatawang sabi nito sa kaibigan.
"Manahimik ka jan best wag kang mag pa halata,na wala tayong alam nakakahiya kaya."saway ko kay best Mickay.
Ang ingay talaga nito hindi nalang manahimik.
"Sorry na di na mauulit best." Hinging pa umanhin nito sa akin.
"Basta sa sunod best kahit di natin alam wag mag pahalata, para hindi tayo mapahiya."
Pagkatapos nilang nag usap na tulog muna silang dalawa, dahil dalawang oras panaman lalanding ang eroplano.