PROLOGUE

1195 Words
HALOS dalawang taon narin ang nakakalipas simula nang mawala ang lalaking pinakamamahal niya. Kulang nalang gamitin niya ang lahat ng koneksyon ng magulang niya at mga malalapit na kaibigan niya para lamang mapadali ang paghahanap sa lalaki na hindi niya alam kung bakit siya iniwan sa araw ng kasal nila. Hindi siya buntis no'n para maging dahilan nang hindi pagsipot nito sa kanya! At mas lalong hindi niya rin masasabi na hindi siya mahal nito dahil sa tinagal-tagal ng panliligaw niya sa lalaki ay napagtagumpayan niya rin na maging sila. Yes! She is literally a desperate woman back then para lamang mahalin at maging kanya si Jay Mallari. Her first boyfriend. Ang unang pinili ng kanyang mga mata. Ang unang nahagip ng kanyang paningin at mas unang lalaking rumirespeto sa kanya kahit pa sabihing napaka-desperada niya sa paningin ng iba. Bukod sa kanyang dalawang Kuya at Ama ay isa si Jay. But, all her sacrifices just to be a happiest woman back then turns into a sad and delusional woman right now. Araw-araw siyang nagiging delusional sa isipin na palagi niyang nakikita ang lalaki. Sa panaginip niya at kung saang parte ng lugar na malimit nilang pasyalan noon. Her love to Jay is agape kahit taon na ang nakalipas. Pinunasan niya ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi nang marinig ang katok sa pintuan niya. Alam niya kung sino iyon. His Kuya Caelum. Sa mga nagdaang mga araw malimit na tumulog sa unit niya ang dalawa niyang Kuya. Kapag may business trip si Sirius ay si Caelum ang nanatili sa unit niya. Wala eh, she's the only girl among the three of them kaya kahit nag papaka-indipendent na siya sa kanyang buhay ay pilit parin siyang binubuntutan ng kanyang mga Kuya. “Bakit?” bungad niyang tanong nang mabuksan ang pintuan ng kanyang kuwarto. Sinalubong niya ng tingin ang mga paninitig sa kanya ng kanyang Kuya Caelum. Nirerebisa talaga nito ang bawat parte at sulok ng kanyang mga mata and she admitted na hindi niya kayang itago sa Kuya niya ang mga mata niyang galing sa pag-iyak. Muling nanubig ang kanyang mata dahilan para mag mura ng sobrang lutong si Caelum. “Fúck! Agang-aga, Dean!” yamot na wika ng kanyang Kuya. Napayuko siya habang isa-isang nagsisipatikan ang kanyang luha. “I'm sorry, Kuya. Hindi ko mapigilan na hindi siya isipin...I missed him so much.” napasinok siya. “Miss na miss ko na siya..sobra.” at muli siyang napahagulhul ng iyak. She can't control herself everytime she's having a breakdown. “Two fúcking years have already passed, Dean. Dalawang taon na pero andiyan ka parin sa momentum na hindi mo kayang tanggapin na wala na siya. Tangina! Oh, damn, I'm sorry for the cursed.” Muling nanubig ang kanyang mga mata. Hindi ma ampat-ampat ang kanyang mga luhang masaganang umiipon sa kanyang mga mata. After all these years ay aminado siyang hindi niya parin nakakalimutan si Jay. Paano niya ba kasi gagawin iyon kung sa araw-araw na ginagawa ng diyos ay wala siyang ibang nakikita kundi ang imahe nito. Ang mapupungay nitong mga mata. Ang matangos nitong ilong. Ang malalantik nitong mga pilik at higit sa lahat ang pagmamahal nitong kahit kailan ay hindi niya kayang alisin sa sestema niya. Umiling-iling siya bago lumupagi sa sahig. She can't control her emotions. Hindi niya kayang pigilan ang iyak niya. Gusto niyang ilabas ang lahat-lahat. Sanay naman siya eh! At mas lalong sanay na sanay na siyang umiyak sa harapan ng mga Kuya niya at ng magulang niya. “Tumayo ka diyan, Dean.” utos sa kanya ng kanyang Kuya. Klaseng paalis ito dahil naka-bihis ng pang-alis pero mukhang mapupurnada pa dahil sa kanya. “Leave me alone, Kuya. Umalis kana muna,” “What? Hindi kita pweding iwan dito na ganyan ang sitwasyon mo. Madadali ako ni Sirius. Stand up and fix yourself, woman.” Agad niyang sinunod ang utos nito sa kanya. Alam niyang galit na ito kapag nag-iiba na ang tono ng pananalita nito lalo na kapag iba na ang tawag sa kanya. Pagkatayo niya ay siya ding pagsalikop niya ng kanyang mga buhok. Pinunasan niya ang kanyang mga mata gamit ang likod ng kanyang palad. Narinig niya kung paano mabigat na nag labas ng hangin si Caelum na nasa likuran niya lang naka-buntot. “Why don't you come out and go somewhere? Meet your friends and have fun with them. Hindi yo'ng kinukulong mo yo'ng sarili mo dito,” paninermon sa kanya ni Caelum. “Gusto ko dito lang ako,” katwiran niya na naging dahilan na naman ng pagkabarino ng Kuya niya. “I know you're having a hard time fighting the pain you feel pero Dean, wake up and accept the fact that he does not exist anymore. Matagal na siyang wala!” umpisa ni Caelum. Nanatili siyang walang kibo habang naka-upo sa edge ng kama. Halos nanginginig na ang mga labi niya dahil sa pigil na pag-iyak. No. Hindi pa patay ang fiancee niya at kahit kailan hindi niya parin matanggap-tanggap na wala na ang lalaking pinakamamahal niya. Umiling-iling siya habang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng kanyang kapatid. She knows na sinasabi lang nito para ioamukha sa kanya na kailangan na niyang sumuko but instead of believing she just becomes more and more positive. Saka lang siya maniniwala kapag nakita niya mismo ang katotohanan. “Hindi niyo ako naiintindihan, Kuya.” umiiyak niyang umpisa. Agad na namang lumandas ang luha sa kanyang pisngi. Dagtang papaya siya. Naninikip ang dib-dib niya. Tila kakapusin na naman siya ng paghinga dahil sa nararamdaman niyang sakit. “At kahit kailan hindi niyo ako maiintindihan ni Kuya Sirius dahil hindi naman kayo nakakaramdam ng ganito. Never pa kayo dumaan sa ganitong relasyon. Mahal na mahal ko si Jay to the point na kaya kong ibuwis ang buhay ko para lamang masundan siya....kung totoo man na patay na siya.” nanghihina niyang sabi. Nakayuko siya at pilit niyang hinahabol ang kanyang hininga. Right now, wala siyang ibang hinihiling kundi ang kunin ng maykapal kung sa paraan na 'yon makikita niya doon ang mahal niya. Kahit pa sabihing they were strangers in their second life. Wala siyang pakialam. Kung pwedi na magpapaka-desperada siya ulit gagawin niya para lamang makilala siya ulit ni Jay. Pipilitin niyang ipagsiksikan ang sarili niya just to be with him even in their after life. She is demonstrating an unwavering highest form of love or better to call it (AGAPE) to his first love. “Damn! Naririnig mo ba ang sinasabi mo Astra Dean Ibarra? You're unbelievable.” Hindi makapaniwalang anas ng kanyang Kuya Caelum bago ito lumabas ng kanyang kuwarto. She don't mind at all kung ano man ang nasasabi niya. Kung may nasasaktan na ba siyang tao. Habang hilam ang mga luha sinusundan nalang niya ng tingin ang papalayong bulto ng kanyang Kuya. And now she wants to talk to only one person. His Daddy. Because this is the only one who can understands her dahil alam niyang dumaan sa gano'ng sitwasyon ang Ama niya. It's quite evident that she cannot deny inheriting her hopeless romantic nature from her father, as her romantic tendencies strongly mirror those of her father.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD