-Addie's POV- “Ang sungit mo ngayon. Time of the month or LQ kayo ni Doc?” May halong pagtataka sa tanong ni Athena sa 'kin nung makapasok kami sa opisina namin pareho. “Is this about ex issue that you've been ranting for how many days na nga?” Hindi ako sumagot. Walang kagana gana akong naupo sa couch at sinandig ang ulo ko sa sandalan. I focused my attention to our office's plain white ceiling. “Kinausap mo ba si Doc o nagpapanggap ka na okay kayo kahit hindi?” “I tried to send signals naman kaso masyadong busy kaya hindi napapansin.” Tumawa lang si Athena sa sinabi ko na lalo pang kinatindi ng pagkairita ko sa buhay. Gusto ko na umuwi at matulog na lang. “Gaga, h'wag ka makipag-mind game kay Doc. Communication is key to a successful relationship. Nagka-jowa lang naputol na ang dila.”