-Addie's POV- “Bakit nandito ka pa? Akala ko umuwi ka na kanina.” Bungad ni Athena nung pumasok ako sa opisina namin matapos ko bisitahin si JD. Sa couch ako umupo at pinatong mga paa ko sa center table. “Ipapaalala ko lang buntis ka at hindi ka pwedeng mag-straight shift ngayon. Grabe, kung maaga ko lang nalaman na may laman iyang tiyan mo dapat hindi ka na nag-three weeks straight shifts,” Napangiti ako ng dahil sa mga litanya niya. Kapareho iyon ng litanya ng daddy at ni JD na parang sising sisi ang mga ito na hindi napansin ang pagbabago sa akin. Kahit naman ako hindi ko sukat akalain na may buhay na pala sa loob ng tiyan ko. Akala ko wala lang yung mga hilo, pagsusuka, pagiging mapili at kasungitan ko sa araw araw na ginawa ng Diyos. Nang dahil sa pagiging abala ko, hindi ko na nama