Pagkatapos akong nagmuni muni umuwi muna ako sa bahay namin ni rocco, sumalubong sakin ang lamig ng bahay, ngayon ko lang napagtanto na ako na lang pala magisa.
Wala na yung dating saya ng bahay, yung gigising ka araw araw na katabi mo yung taong mahal mo na may magluluto sayo ng almusal yung hihintayin mo yung asawa mo kapag galing sa trabaho.
Ngayon iba na hindi na mangyayari ulit yon.
Dahil iba na ang magiging kasama niya habang-buhay.
Mapait akong napangiti habang tinitignan lahat ng gamit namin sa loob ng bahay, lahat ng picture frame kung saan masaya kami sa bawat larawan.
Napaupo ako sa sofa at sumandal, ngayon ko lang naramdaman ang pagod.
Pagod na umunawa at umintindi
Pagod ng magmahal sa taong hindi matibay ang pagmamahal sayo
Yung taong may iba namang mahal.
Kasalanan ko bang mahalin siya?
Kasalanan ko bang siya ang pinangarap kong makasama?
Kasalanan ko ba na pinagpilitan ko pa ang kasal na ako lang naman ang masaya?
Napatakip ako sa mukha ko at humagulgol nanaman ng iyak.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag tuluyan na kaming maghihiwalay ni rocco, dahil alam kong hindi ito ikakatuwa ng mga magulang ko.
Baka ipagpilitan nanaman nila na huwag makipaghiwalay kay rocco.
Hirap na hirap nakong magisip!
Hirap na hirap nako sa buhay na to!
Napahinga ako ng malalim atsaka ako dumilat at tumayo na, dumiretso na ako sa kwarto namin ni rocco at niligpit na lahat ng mga gamit ko, wala nakong karapatan sa bahay na to, wala nakong karapatan para tumira pa dito.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto namin, mamimiss ko ito mamimiss ko yung paglalambingan namin ni rocco, yung bawat yakap, bawat halik at bawat haplos niya.
"Im sorry daddy. Kailangan ko itong gawin para maging masaya kana sa babaeng mahal mo para wala ng masaktan pa" bulong ko at pinagpatuloy ko ang pagaalsa balutan ko.
Kinuha ko ang picture namin ni rocco para kahit papaano may alaala parin ako sa kanya at ipapakita ko sa anak ko kung sino ang daddy niya.
Hindi ko ipagkakait ang magiging anak ko kay rocco dahil may karapatan din naman siya.
Ayokong isipin niya itinatago ko ang anak namin sa kanya.
Pagkatapos kong magligpit, tinignan ko pa ang ang kwarto bago ako lumabas.
Habang pababa ako ng hagdan maraming alaala ang pumasok sa isipan ko, hindi ko mapigilang mapangiti at matawa.
Sa loob ng dalawang taon marami kaming kalokohan na ginagawa, kung saan napapangiti niya ako at napapasaya.
Yun ang alaalang hinding hindi ko makakalimutan.
Huling sulyap pa sa bahay bago ako tumalikod.
Kasabay ng pagtalikod ko, ang pagsisimula ng bagong buhay para samin ng anak ko.
"Kaya natin to anak. Ano man mangyari hinding hindi kita pababayaan.." Pursigidong sambit ko bago ako pumasok sa sasakyan.
"Sa Villaluna"
Tahimik lang ako buong biyahe namin, kinakabahan ako kung anong maaaring sabihin sakin ng mga magulang ko at sana naroon din si kuya para kahit papano lumakas ang loob ko.
"Nandito na po tayo ma'am.."
Huminga ako ng malalim bago ako bumaling sa bahay namin, kung saan ako lumaki.
Ngumiti ako sa kanya at bumaba nako sa sasakyan, binaba niya rin ang ilang mga bagahe ko.
"Kuya thank you po sa lahat please kapag nagtanong si rocco kung nasaan ako pakisabi po sa kanya na huwag na niya akong hanapin pa at magsimula na siya ulit ng panibagong buhay kasama ang taong mahal niya.." Naiiyak na sambit ko sa kanya.
"M-Ma'am S-Sierra.." Naluluha rin na sambit niya sa pangalan ko.
Ngumiti ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay.
"Pakisabi rin po sa kaniya na mahal na mahal ko siya, pakisabi rin po na ingatan niya ang sarili niya pakisabi rin po na.." Huminga ako ng malalim dahil halos manikip ang dibdib ko sa pagpipigil kong umiyak
".. Huwag po siyang magpapagutom" yumuko ako at pinunasan ko ang mga luha ko.
May kinuha ako sa bulsa ang susi ng bahay at yung wedding ring namin pero hindi ko ibibigay sa kanya ang wedding ring, itatago ko ito bilang alaala.
Binigay ko sa kanya yung susi ng bahay ni rocco.
"Eto na po yung susi ng bahay pakiingatan po ito, babalik ho si rocco pagkatapos ng isang buwan.."
Tumango ako sa kanya at ngumiti bago ko hinila ang maleta ko at tumalikod na sa kanya, tinatawag pa niya ako pero hindi nako lumingon pa.
Huminga ako ng malalim at pumasok nako sa gate namin, tila nagulat pa ang mga gwardiya namin sa pagdating ko.
"M-Ma'am.." Nataranta silang alalayan ako at pagbuhat sa mga gamit ko.
Natanaw ko na ang bahay naman at nagaalangan pa akong tumuloy dahil natatakot ako sa sasabihin ng mga magulang ko.
Napahinga ako ng malalim bago ako nagpatuloy pumasok sa loob ng bahay pero pagpasok ko isang sampal ang sumalubong sakin kaya napahawak ako sa pisngi ko.
Napatingin rin ako sa gumawa non.
"P-Papa.."
"Anong katangahan ang ginagawa mo sierra?!" Galit na tanong niya sakin.
Gulat akong napatingin sa kanya at natanaw ko si Mr.Cruz na nakangisi sakin.
Natutulala na lang akong napaupo sa sahig.
Bat nga ba nakalimutan ko na loyal nga pala siya kay mama at papa?
Na ngayon alam na ang ginawang pakikipag hiwalay ko kay rocco.
"P-Papa.."
"Makikipag hiwalay ka kay rocco huh?! Bakit sierra?! Bakit?!"
Napailing na lang ako at napahagulgol ng iyak.
Ito na yung kinakatakutan ko ang malaman nila.
"P-Pa. May ibang mahal-" napatigil ako sa pagsasalita ng sampalin naman ako ni mama.
Napayuko na lang ako at napahawak muli sa pisngi ko.
"Ha! May iba kang mahal?! Malandi ka talaga! Wala kang kwentang anak!" sigaw naman ni mama.
Napatulala ako at halos mabingi
Walang kwenta?
Tiniis ko ang pananakit nila sakin noon!
Tiniis ko ang lahat ng masasakit na salita nila noon!
Tiniis ko ang pagiging sunud sunuran sa kanila noon para lang maging proud sila sakin
Tapos ako pa walang kwenta?
Ako pa?
Ginawa ko naman ang lahat para mapansin nila ako!
Pero ano?
Magiging anak lang nila ako kapag may kailangan nila ako!
"Mama,Papa hindi ako ang mahal ni rocco. ibang babae ang gusto niyang makasama ang kailangan niya. Tama na ang dalawang taon na napa sa akin siya.." umiiyak na sambit ko sa kanila.
Gusto kong ipaintindi sa kanila na nasasaktan din ako na nasasaktan din ang anak nila.
Anak nila ako hindi ba?
Bakit ayaw nilang pakinggan ang mga sinasabi ko?
Bakit hindi na lang nila ako yakapin dahil nahihirapan ang anak nila?
Natigilan ako.
Yakapin?
Comfort?
Lahat yan hindi nila gagawin.
Lahat ng yan hanggang pangarap na lang.
Simula ng mawala siya, tila nagbago na ang lahat at ako mismo sumasalo ng lahat ng sakit at pait.
"Ha! Anong klaseng dahilan yan! Hindi ka makikipaghiwalay kay rocco! Kailangan natin si rocco dahil kung hindi mawawala lahat ng pinaghirapan ko!" sigaw ni papa.
Natigilan ako lalo.
Nanlalaking mga mata at hindi ako makapaniwala na napa tingin sa kanila.
Hindi gamit si rocco para gamitin nila!
Bakit ba hindi sila nakukuntento sa kung anong meron sila?!
Bakit kailangan nila kaming gamitin para sa pansariling interest nila?!
"Hindi. Hindi kami gamit ni rocco!" Galit na sigaw ko sa kanila.
Sinampal ako ni mama napapikit ako ng mariin.
"Wag mo kaming sigawan! Mula noon wala ka ng kwenta! Kung hindi mo pinatay ang kakambal mo edi sana siya na lang ipinakasal namin kay rocco!"
Natigilan ako.
At natulala.
Hanggang ngayon parin pala.
Ako parin ang sinisisi nila sa pagkamatay ni siarra.
Mahal ko ang kakambal ko!
Kaya hinding hindi ko siya mapapatay!
Hindi rin gamit o laruan ang kakambal ko para ganyanin nila!
Napailing na lang ako at napahinga ng malalim.
"P-Pagod na ako sa relasyon na to. Hindi ako yung babaeng gusto makasama ni rocco habang buhay.." mahinanong sambit ko sa kanila.
Hindi ko na inaasahan na icocomfort nila ako, dahil mula noon hanggang ngayon isa parin akong walang kwenta para sa kanila.
"Lumayas ka dito!"
Gulat ako napatingin kay papa.
"Umalis kana dito! Hindi ka nanamin kailangan dito!"
Nanginginig akong lumapit kay papa at lumuhod sa harapan niya.
"P-Papa please.." umiiyak na sambit ko pero marahan niya akong sinipa kaya napaatras ako.
"Hindi ka nanamin kailangan, umalis kana ayaw ka nanaming makita"
Tinalikuran niya ako at padabog na umakyat sa kwarto nila ni mama.
Tumingin ako kay mama na may pandidiring tingin, at binalingan ang tauhan nila.
"Mario palabasin niyo na yang babae na yan at huwag na huwag niyong papasukin kung ayaw niyong mawalan ng trabaho" galit na sambit niya kay kuya mario na lumapit na sakin at inalalayan niya akong tumayo.
"Mama please! Huwag! Wala nakong mapupuntahan! Ma!" Tawag ko sa kanya.
Nilingon niya ako at walang emosyon na tumingin sakin.
"Sa basurahan ka tumira tutal isa kang basura sa pamilyang to" at tuluyan na niya akong iniwan.
"MA! PLEASE!" umiiyak na sigaw ko habang hinihila ako ng tauhan nila palabas ng bahay.
"SIERRA!"
Nabuhayan ako ng loob ng makita ko si kuya na tumatakbo palapit sakin.
"Bitawan niyo siya" utos ni kuya kela kuya mario.
"P-Pero S-Sir.."
"Bitawan niyo siya--s**t! You're bleeding!"
Dali dali niya akong binuhat, at napatingin ako sa legs ko at nanlaki ang mata ko ng makitang umaagos ang dugo.
N-No m-my baby..
Please wag mong iiwan si mommy.
"K-Kuya.. B-baby.."
At tuluyan nakong nilamon ng dilim..
**