PAIN - 2

1092 Words
Nakipagkita ako sa isang resto sa attorney ng pamilya ko. Mag-file nako ng annulment namin ni rocco. Kahit masakit basta sa ikakasaya ni rocco gagawin ko. Hindi na ako umaasa na babalik pa siya sa piling ko hindi nako aasa na sa pagbalik niya ay ako parin ang hahanapin niya. Napahinga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil hindi pa man napaprocess, sumisikip na ang dibdib ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Iiyak ka na naman ba sierra? Wala ka nang ginawa kung hindi ang umiyak. Maawa ka naman sa sarili mo at sa batang dinadala mo. Natigilan ako at napahawak ako sa tiyan ko atsaka ko hinimas himas ito. Hindi pa pala ako magiisa, dahil kasama ko ang bunga ng pagmamahalan namin ng kanyang ama na siya ang magiging dahilan para magpatuloy ako sa buhay. Sobrang saya ko ng malaman kong buntis ako na magkakaanak na kami ni rocco ang tagal kong hinintay ang panahon na to. Nakakapanghinayang nga lang dahil hinding hindi na kami mabubuo pa. Mapait akong napangiti dahil don hindi ko na mararanasan magkaroon ng sariling pamilya na masaya kasama ang taong mahal ko. Ayos lang naman sa akin basta kasama ko ang anak namin, masaya na ako kahit na may kulang sa buhay ko. Napaayos ako ng upo ng dumating na ang attorney ng family namin. "Mrs.Delafuerte bakit gusto niyo akong makausap?" Tanong ni Mr.Cruz pagkaupo niya. Bumuntong hininga ako at kumuyom ang mga kamao ko atsaka ako seryoso ko siyang tinignan. "Gusto kong mag file ng annulment namin ng asawa ko" Desididong sambit ko sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko halos hindi makapaniwala. "Bakit? Wala naman kayong naging problema hindi ba?" Umiling ako sa kanya at napaiwas ng tingin. Hindi na niya kailangan pa alamin ang lahat. "Basta mag file ako ng annulment. Ayoko na ng maraming tanong sabihin mo na lang sakin ang mga dapat kong gawin.." Mahinang sambit ko. Narinig ko namang bumuntong hininga siya at mukhang hindi parin siya makapaniwala sa mga sinabi ko. "Sigurado kana ba sa desisyon mo sierra?" Seryosong tanong niya sakin napayuko naman ako at natigilan. Sigurado na nga ba ako? Bakit parang gusto ko na lang umalis sa harap niya? At magtago sa bahay namin at hihintayin ko na lang ang pagbabalik ng asawa ko pero kung hindi ko ito gagawin hinding hindi magiging masaya at malaya si rocco. Ano ba talaga ang gusto ko? Ang maging masaya ang asawa ko? O Ang manatili siya sa tabi ko? Hindi ko alam, naguguluhan rin ako. Mahal ko si rocco at ayoko siyang iwan pero nasimulan ko na ito at wala ng atrasan to pero paano ako? Ang anak namin? Ugh! Damn it! Magisip ka sierra! Wag kang magpadalos dalos! "Sierra.." "Sigurado na ako.." kusang lumabas yan sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sakin? "Fine. here.." Inabot niya sakin ang iilang documents na siyang makakapaghiwalay na saming dalawa ni rocco. "Kailangan mo yang pirmahan para maibigay na natin sa attorney ni Mr.Delafuerte.." Nanginginig naman akong kunin ang folder. At binasa ko isa isa Habang binabasa ko isa isa, patuloy rin na dumadaloy ang mga luha ko.. Ito na ba? Ito na ba ang magiging katapusan para saming dalawa? Ito na talaga? Game over na ba? "Para sayo at para na rin sa ikakaligaya mo ito rocco.." Bulong ko. At nanginginig kong pinirmahan lahat ng nakasaad sa dokumento. Pagkatapos kong pirmahan lahat mariin akong pumikit. Sorry daddy. Ito lang ang paraan para hindi ka na masaktan at hindi ka na matali sa relasyong hindi naman dapat. Dumilat ako at ngumiti kay attorney "Pwede bang humiling ako ng pabor sayo?" Kumunot naman ang noo niya pero kalaunan tumango na lang siya. "Pwede bang pagkatapos ng isang buwan tsaka niyo ibigay kay rocco yan? May business siya sa isang bansa baka maabala natin siya.." Nakayukong sambit ko sa kanya. "Okay sige kung yan ang nais mo.." Napangiti naman ako pero may naalala ako. Dali dali kong kinuha ang papel sa bag ko at binigay kay attorney. "Pagkatapos niyong ibigay yung annulment, pakibigay din po ang sulat na yan sa kanya. Maraming salamat Mr.Cruz.." Ngumiti naman siya sakin at tumango. This is it! Kailangan ko na sigurong maghanda para sa lahat. Dadating yung araw na magiging masaya ako nang dalawa lang kami ng anak ko. Pagkatapos naming magusap ni attorney, nagstay muna ako sa isang park kung saan una kaming naging magkaibigan ni rocco. Nakangiti akong nakatingin sa mga batang naglalaro at pinilit na inaalala ang mga sandali nung mga bata pa kami. - "Kuyaaaaa waaaah-aray.." "Sierra! Sinabi ko na sayo na wag kang aakyat sa puno! Tigas talaga ng ulo mo!" - Hanggang ngayon matigas parin ang ulo ko hehe - "Kuya niaaway nila ako huhuhu" "Ssshhh wag ka ng umiyak ako ng bahala sa mga bad na yan.." - Yun yung binully ako ng ibang bata sa palaruan. At nandoon siya para ipagtanggol ako. Siya ang superhero ko.. - "Kuya paglaki ko gusto ko ikaw maging asawa ko" Ginulo niya ang buhok ko kaya napanguso ako. "Bata kapa wala ka pang alam sa mga ganung bagay.." "Kuyaaaa! Mangako ka na pag lumaki ako, ako ang pakakasalan mo!" "Kulit mo talaga! Oo na basta pag malaki ka na" - Yan yung una nating pangako. Yung pangakong natupad pero panandalian lang. - "R-Rocco.." "Sierra! Dali dali may ipapakilala ako sayo! Im sure magugustuhan mo siya!" "S-Sino?" "This is Elaine, my girlfriend. See bestfriend? Sasagutin rin ako ng babaeng mahal ko" - Yan yung araw na nakita kitang masaya na nagkikislapan ang mga mata mo pero yan din ang kauna unahang nadurog ang puso ko. Balak ko na sanang umamin sayo pero huli na pala. Dahil may iba kana palang mahal. Walang wala ako sa kanya. Turing sa kanya ng lahat ay isang anghel. Mabait sa lahat at Maganda. Eh ako? Di hamak na taga sunod lamang sayo na hindi kaya ang sarili at spoiled brat sa paningin ng iba. Bakit nga ba humantong sa ganito ang buhay ko? Naging mabuti akong anak, ginawa ko lahat para lang maging proud sila sakin pero may kulang pa din. Para sa mga magulang ko isa lamang akong isang walang kwenta na pinanganak sa mundo. At yung taong palagi nandyan sakin ay mawawala na rin. Wala na! Wala na silang lahat. Sana kung buhay ka pa baka hindi ko na mararanasan to. Sana ako na lang ang nawala at hindi ikaw. Sana hindi ko naranasan ang ganitong sakit. Sana. Sana malaya kong minahal ang taong mahal ko. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD