CHAPTER 10: Ngiti Ng Kaibigan O Kaaway HINATID KO SI Mengil sa magiging kuwarto niya habang si Arjay, niligpit ang mga gamit namin at lalabhan na rin daw niya ang mga damit namin. Nailang pa ako no'ng una pero mapilit siya at sinabihan niya pa akong boss ako kaya magpahinga na lang. "Pre, ito ang magiging kuwarto mo," ani ko kay Mengil. Katabi ng kuwarto ni Arjay ang magiging silid niya. "Salamat, pre," nakangiting tugon niya at niyakap niya ako na ikinagulat ko. "Walang ano man," tugon ko. "Ayos nga tatlo na tayo." Napabitaw ako nang makita ko ang pagpasok ni Arjay sa kuwarto. "Mga gamit mo," sabi ni Arjay. "Sa'n ko lagay 'to?" tanong niya. "Ako nang bahala d'yan," sabi ko at kinuha ko sa kanya ang camera at bag kong may cellphone. Agad nang umalis si Arjay na w