Chapter 13: Bampira NAKARAMDAM AKO ng antok sa pagkakahiga ko sa kama, nakasayad ang mga paa ko sa sahig dahil paupo lang akong humiga. Naramdaman ko na lamang na may tumabi sa 'kin sa paggalaw ng kinahihigaan kong malambot na kutson. Napadilat ako, at nang babangon na sana ako, narinig ko ang tinig ng lalaki na nagpatigil sa 'kin sa pagkilos. "Manatili kang nakahiga," madiing sambit nito. Pautos ngunit hindi ko maramdaman na may galit. At kilala ko ang boses. "Dapat ay hindi ka na bumalik pa. Maayos naman ang buhay mo sa Maynila, kaya bakit kailangan mo pang bumalik?" Sa puntong 'yon ay may naramdaman akong galit sa lalaki. "Bakit kung magsalita ka, parang alam mo ang lagay ko sa Maynila?" tanong ko sa kanya. "Umalis ka na sa isla. Lisanin mo ang lugar na ito a