Chapter 11: Nasaan Ka? MAY SALAMING PINTUAN kaming pinasukan pagkadating sa ikalawang palapag na hindi maaaninag ang nasa loob. Bumungad sa 'min ang mahinang instrumental na musika na para kang hinihili pagkapasok namin. Wala kang makikitang pader sa silid dahil purong kurtina ito na from floor to ceiling, makakapal na itim na kurtina kaya wala rin makikita sa labas at hindi mo malalaman kung sementong pader ba o salamin ang nasa likod ng kurtina. At itim rin ang sahig na marble tiles. Ang magarang kulay gintong chandelier na sa palagay ko ay totoong ginto ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Nasa tapat nito ang bilog na mesa na may walong upuan. Ginto rin ang kulay ng mga iyon na may detalyadong desinyo ng mga bulaklak at bungo. Matataas ang sandalan ng mga upuan