CHAPTER 24: Ngunit Hindi Na Puwede > ARJAY HINDI AKO MAPAKALI sa naramdaman ko, kaya agad akong nagmaneho pabalik ng bayan. Ni hindi ko pa nakikita si mama. At ni hindi pa nga ako nakahakbang palapit sa pinto ng aming bahay. Matinding kaba ang naramdaman ko at hindi maalis sa utak ko si Tres. Malapit sa bahay nila ang nangyaring pagpatay sa lalaki. Alam kong bampira siya at makakaya niyang ipagtanggol ang sarili niya kaya kalokohan na alalahanin ko pa siya! Pero tinuloy ko pa rin ang pagmamaneho hanggang sa marating ko ang bahay niya. Kahit pa may takot rin ako para sa kaligtasan ko. Naghintay ako sa labas ng gate. Nadaanan ako ng mga rumurundang barangay tanod, buti kilala ako ng ilan sa kanila na nakatira sa bahay ni Tres. Sinabi ko na lang na kararating ko lang mula sa trabaho