"Tahan na…" masuyong sabi ni Kian habang hinahaplos ang buhok ni Clarita. Iyak pa rin kasi ito nang iyak. Namamaga na ang mga mata nito dahil sa walang ampat pa na pagtulo ng mga luha nito. Nakahiga silang dalawa sa kama habang yakap-yakap niya ang dalaga. Nakabaon lang ang mukha nito sa kanyang dibdib. Nakabihis na rin ito ng itim na tank tops at itim din na jogging pants. Mamasa-masa pa ang buhok nito na hindi na pinagkaabalahang i-blower. Ilang minuto rin ang nakalipas simula nang atakihin na naman siya ng sakit niya. And honestly, he already felt fine. May mga episodes na siya na ganito dati. Pero ngayo’y mas napapadalas na yata. At mukhang pinag-alala niya talaga niya si Claring ng husto. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng katawan nito. “I’m sorry. Did I make you worry?” mah