“Thank, God!” iyon agad ang naiusal ni Clarita at ang mga kapamilya ni Kian nang malaman nilang wala na sa peligro ang buhay ni Kian. It was indeed a successful operation. Kian has to stay for a week in the hospital just to keep an eye in his recovery and then he can go home. Nailipat na rin siya sa private room. At gaya ng sinabi ng nanay ni Kian, iyong pinakamalaking kwarto ang kinuha ng mga ito. May maliit na living room ang kwarto at may dalawa itong sofa na convertible to bed at sa harap nito ay may maliit na glass center table. May parang maliit din na kitchen kaharap ng sala kung saan may electric kettle at microwave. Mayroon din itong sariling banyo na may shower pa. Pansamantalang umuwi muna ang mga magulang ni Kian para magpahinga. Ang naiwan na lang ay siya at si Kristoff. G