MABILIS at pasimple na inayos ni Nicole ang sarili niya ng makita niyang humakbang papalapit sa gawi nila si Glenn. Bumaling siya kay Cris.
"Okay ba mukha ko?" tanong pa niya.
Nagtakang tinignan siya nito, saka tumango. "Oo naman, maganda ka dear. Kahit hindi ka mag-ayos." Sagot nito. "Bakit bigla ka yatang naging conscious?" usisa pa nito.
Tumikhim siya. "Wala, ano lang. Nakakahiya kasi kung maging pangit ako sa paningin ng ibang tao. Formal event kaya ito." pagdadahilan pa niya.
"Nicole?"
Bahagya pa siyang nagulat ng sa paglingon niya ay nasa harap na pala niya si Glenn. Isang magaan na ngiti ang sinalubong niya dito. Biglang nablangko ang isip niya. Sa isang iglap ay hindi niya alam ang gagawin niya, babatiin ba niya ito o makikipagkamay siya? Kasunod niyon ay bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Pero kahit na anong pagpapakalma niya dito, ayaw nitong paawat. Patuloy sa pagkabog ang dibdib niya. Hanggang sa tuluyan na lang siyang mapatulala at nanatiling nakatitig na lang sa guwapong mukha nito. Bahagya lang siyang natauhan ng bahagya siyang sikuhin ni Cris.
"Uh, hi!" kapagkuwan ay bati niya dito.
"Hi," ganting bati din nito sa kanya. "I knew it was you." Sabi pa nito.
"Mabuti nakilala mo pa ako?" tanong niya dito.
"How can I forget?" diretso sa mata na sagot nito.
Tila nahihipnotismo na muling napatitig siya sa mga mata nito. Matapos nilang magkakilala nito sa loob mismo ng eroplano habang nasa himpapawid sila. Pagdating ng airport dito sa Manila, hindi na sila nakapag-usap. Ngunit bago ito bumaba ng eroplano, muli itong nagpasalamat sa kanya para sa pag-aasikaso niya dito.
"I didn't know this is yours." Sabi niya dito.
"Ours," pagtatama nito sa kanya. "Ayokong angkinin ang Mondejar Cars, baka ilibing ako ng buhay ng mga pinsan ko." Pagbibiro pa nito.
"Right," sang-ayon niya.
"It's good to see you hear, and to see you again." Sabi pa ni Glenn.
"Yeah, same here. Actually, sinama lang ako ng friend ko. She's interested in buying one of your cars." Paliwanag niya. Pinakilala niya si Cris at Glenn sa isa't isa.
"Nice to finally meet you, one of the famous Mondejar Siblings." Sabi pa ni Cris.
"Famous? Nah! But thank you for considering Mondejar Cars." saad nito.
"I can't wait to see your model car." Wika niya.
"Me either. Hindi ako nagkaroon ng chance na bisitahin itong showroom bago ang opening na ito. Naging abala ako sa trabaho." Sagot naman nito.
Nahinto sila sa pag-uusap ng may babaeng tumayo sa ibabaw ng stage, at nagsalita sa tapat ng mikropono. Tinutukan ito ng spotlight.
"Good Evening ladies and gentlemen," bati nito. "We would like to welcome you, to the opening night of the Mondejar Cars Incorporated! This morning we just held our ribbon cutting for this showroom. And tonight, we will present to you the officers of this company and the stock holders." Pagsisimula nito.
"Sino siya?" tanong niya kay Glenn.
"Her name is Marisse, my cousin." Sagot nito.
"May I call on the entire Mondejar Boys," sabi pa nito.
Binaba ni Glenn ang hawak nitong wine glass sa mesa nila. "Excuse me," wika nito. Saka umakyat sa stage.
"Kaya ka pala, biglang naging conscious kanina. Hindi mo sinasabi sa akin na may kilala ka sa kanila." Pasimpleng tudyo sa kanya ni Cris.
Tinignan niya ito. "Look, hindi ko alam na Mondejar siya. Ang naalala kong apelyidong sinabi n'ya sa akin ay Pederico." Paliwanag niya.
"Oo nga, Pederico nga. Glenn Mondejar Pederico. Iyon ang pangalan nila. Ayon kasi sa mga naririnig ko diyan sa tabi-tabi. Ang Lolo nila, sampu ang anak na puro babae. So, nung mga nagsipag-asawa siyempre, napalitan ang apelyido nila. Kaya ayan, nung magka-apo. Bumawi naman, puro lalaki. Kaya ang middle name nila ang Mondejar. Si Marisse lang yata ang babae sa kanila. Lucky girl, huh?" kuwento pa nito.
"Sampu? Eh di ba labindalawa sila?" naguguluhang tanong niya.
"Si Kevin Kyle Bandong, ang alam ko. Kinupkop ng pamilya nila, so, doon siya lumaki sa mga Mondejar. But, hindi siya legally adopted ah. Ngayon, he's dating Marisse. And Glenn, is their cousin. Magpinsan ang Mommy nito at Mommy nila." Sagot pa nito.
Nakakunot-noo na pinukol niya ng nagdududang tingin si Cris. "'Yung totoo? Umamin ka sa akin? Stalker ka talaga nila no? Kulang na lang magsulat ka ng Biography nila ah." Pagbibiro pa niya dito.
"Of course not! I told you, narinig ko lang lahat 'yan sa tabi-tabi." Depensa pa nito sa sarili.
"Ang taray! Kumpleto ang detalye ng naririnig mo."
Natuon ang atensiyon nila ng isa-isang ipakilala ng babae na Marisse ang pangalan ang mga pinsan nito. Nang si Glenn na ang ipapakilala nito, bahagyang tumalon ang puso niya.
"Another major stock holder was one of the leading General Medicine Doctor here in the country. Doctor Glenn Pederico." Pagpapakilala nito.
Nagkatinginan sila ni Cris. "Doctor din siya?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Gustong malula ni Nicole sa nalalaman nila tungkol kay Glenn. How could a high-profile person can be that simple? Hindi halata dito na mataas at may sinabing tao ito dahil sa pagiging simple nito, lalo na noong unang beses silang magkakilala nito.
"Please Welcome, the CEO of the Mondejar Cars Incorporated. Mister John Michael Lombredas." Pagpapakilala nito.
HABANG nasa itaas ng stage, katabi ang mga pinsan niya. Hindi maiwasan ni Glenn na palihim na tignan si Nicole na naroon sa ibaba. Hindi niya makalimutan ang panghihinayang na naramdaman niya noong makababa siya ng eroplano, at hindi man lang niya nakuha ang cellphone number nito.
Hindi niya maintindihan ang nangyari sa kanya ng araw na iyon sa loob ng eroplanong iyon. Sa tinagal-tagal niyang nagbi-byahe, hindi na niya mabilang kung ilang flight stewardess na rin ang nakilala niya. May mas maganda pa nga dito, kung tutuusin. Ngunit wala kahit isa sa mga ito ang nakakuha ng atensiyon niya. Nang sandali na magtama ang mga mata nila, tila tumigil sa paglipad ang eroplanong iyon. Corny man, pero parang tumigil sa pag-ikot ang mundo. And he was mesmerized by her beautiful and astounding beauty. Mas lalong tumindi ang nararamdaman niya ng magkalapit ang mukha nila, ng alalayan niya ito ng mawalan ito ng balanse ng mag-turbulence ng kaunti ang eroplano.
She has a face of an angel. Konti lang ang taas niya dito, kaya natitigan niyang mabuti ang mga mata nito. She has almond shaped brown eyes. Medyo matangos ang ilong nito, at maganda ang shape ng mag labi nito. Gusto niyang haplusin ng mga sandaling iyon ang maputing pisngi nito. Nang makalabas na siya ng airport pagdating nila dito sa Manila, dala niya ang pag-asang makikita niya ito muli. Naalala niya ang t-shirt na suot niya noon. Hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin iyon at nakatago. Ang pagkakaiba nito ngayon, umigsi ang buhok nito. Pagkatapos ang huling pag-uusap nila ni Nicole sa Departure Area ng NAIA, at hindi nito binigay ang number nito. Noong una, sinubukan niyang ipagtanong sa mga tauhan sa airport ang number nito, o kahit ang address ng bahay nito. Ngunit walang may gusto mag bigay sa kanya. Hindi daw kasi nagri-release ang mga ito ng personal information ng kahit na sino sa mga tauhan doon, lalo pa at hindi naman siya nito kamag-anak. Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang makiusap kay Miguel. Gamit ang picture nito sa cellphone niya, at ang buong pangalan nito, pati ang alam niyang pinagtatrabahuhan nito. Pinahanap niya sa pinsan kung saan ito nakatira. Ganoon na lang ang naramdaman niyang saya ng matapos ang dalawang linggo, ay nahanap nito si Nicole. Pinuntahan niya ang bahay nito.
Hindi maipaliwanag ni Glenn ang nararamdaman niya ng makita si Nicole, mula sa bakuran ng bahay nito. Habang tahimik na nakaupo at nagbabasa. Gaya ng unang beses niya itong makita, walang nagbago sa kagandahan nito. Nang magkasya na siya sa pagtingin sa malayo, umalis na siya. Pinili niyang hindi muna magpakita. Tama na 'yung alam niya kung saan niya ito maaaring puntahan. Ayaw naman niyang matakot ito sa kanya, baka isipin pa nitong stalker siya. Saka na siya magpapakita kapag nakahanda na siya. Ang plano niya, pagkatapos ng Opening Night na iyon ng Mondejar Cars Incorporated, pupuntahan na niya si Nicole. Ngunit, ang Diyos pa rin ang naglapit sa kanilang dalawa. Sino nga bang mag-aakala na sa dinami-dami ng lugar, dito pa sila sa event ng family business nila sila magkikita?
Naputol ang pag-iisip niya ng palihim siyang sikuhin ni Daryl na nasa bandang kaliwa niya. Saka bumulong sa kanya.
"Dude, alam ko maganda 'yung babaeng tinititigan mo kanina pa. Pero mamaya na ang diskarte, pakinggan muna natin ang speech ni Gogoy." Sabi nito.
Tumikhim siya para makabawi sa pagkapahiya. "Sorry," usal niya. Pagkatapos ay pinakinggan na nila si Gogoy.
"Welcome ladies and gentlemen! Thank you for coming tonight. This company was a pure family business, and it's actually an ambitious project for us. It took us years before all the planning was finalized. With the guidance from our beloved grandfather, Don Bandolino Mondejar. And his wife, Donya Adalina Mondejar. This company, the Mondejar Cars Incorporated will bring you, great cars that are too hard to resist. A company that will not be just a dealer to you, but a great partner you can always rely on. Please welcome, may I present to you. The face of the Mondejar Cars Incorporated!"
Mula sa kanang bahagi ng showroom, tinapatan ng spotlight ang isang magara at kulay red na brand new sports car. It's a Ferrari eight Sports Car. Lahat ng mga bisita nila ay napa-wow, at labis na humanga sa sobrang ganda ng kotse. Maging silang magpipinsan ay napasipol sa ganda nito.
Mabilis na nilapitan ng mga bisita ang model car nila. Pinayagan nila na hawakan ang kotse ngunit may mga security na nakamasid at nakatayo sa paligid ng magarang sasakyan. Habang pinagkakaguluhan iyon ng mga tao. Siya naman ay nilapitan ulit si Nicole. Sa pagkakataong iyon, isa pa rin estranghera ang dalaga para sa kanya. Ngunit handa siyang kilalanin ito. Hindi kailan man pa siya naging interesado sa isang babae. Tanging dito lamang.
MULI na naman lumakas ang kabog ng dibdib ni Nicole ng mamataan niyang papalapit si Glenn sa puwesto nila. Kakalabitin sana niya si Cris, ngunit paglingon niya ay wala pala ito sa tabi niya. Nang lumingon ulit siya sa paligid, nakita niya ito na may kausap na isang lalaki na guwapo. Napailing siya. Bahagya naman siyang nagulat sa muling paglingon niya dahil nasa harapan na niya si Glenn.
"Doctor Glenn Pederico," aniya dito.
Bigla itong napangiti, saka tila nahihiyang napakamot sa ulo. At hindi napigilan ni Nicole ng bahagyang tumalon ang puso niya. He looks so adorable on that act. Pinigilan niya ang sarili na lapitan ito at kurutin sa pisngi. Ayaw naman niyang sabihan siya nito ng "feeling close".
"Nah!" usal nito.
"Bakit parang nahihiya ka?" natatawang tanong niya.
Umiling ito. "Wala naman. I'm just not comfortable in bragging about it." Sagot nito.
"Hindi ka naman nagba-brag eh. Pero hindi ka mukhang Doctor." Sabi niya.
"Talaga?" nakakunot-noo na tanong nito.
"Oo, mas mukha kang spoiled brat College Boy." Nangingiting sagot niya.
Ngumisi na ito ng tuluyan. "Okay lang, at least mas bata pala kong tignan." Sabi pa nito.
"Tama, guwapo ka naman eh." Walang prenong sagot niya.
Napahawak siya sa bibig niya sa pagkabigla. Hindi niya alam kung bakit niya biglang nasabi 'yon. Maging ito ay tila nagulat sa sinabi niya, mataman siyang tinitigan nito, na siyang naging dahilan para makaramdam siya ng pagkailang. Patay-malisya siyang tumingin sa ibang direksiyon, saka tinungga ang natitirang laman ng champagne glass niya. Isang paraan niya para alisin ang kabang hindi mawala-wala kanina.
"Nicole," tawag-pansin nito sa kanya.
Kabado pa rin na lumingon siya dito. "Yes?"
"It's really good to see you again." Walang kakurap-kurap na wika nito sa kanya, na siyang lalong nagpakabog ng husto sa dibdib niya.
"I really thought I would never see you again. Kaya natuwa talaga ako nang makita kita kanina. I hope this night will not be the last." Dagdag pa nito.
Bumuka ang bibig niya, ngunit wala naman lumabas kahit isang kataga doon. Daig pa niya ang nachop-chop ang dila. Ano nga ba ang sasabihin niya? Bakit ganito kalakas ang kabog ng dibdib niya? Hindi niya sigurado kung para saan ang kabang iyon. Hindi pa niya nararamdaman ang ganoong ka-weirdong feeling. Tinitigan niya sa mga mata si Glenn. May kung anong emosyon siyang nababasa doon, at sa ilang saglit, parang nahihipnotismo siya nito. Mabilis niyang pinaling sa iba ang paningin. Biglang umangat na naman ang antenna alert niya sa isip. Hindi siya dapat magpadala sa sinasabi nito.
"Ah, Uhm, I... I have to go!" sa halip ay natatarantang wika niya.
"Ha? Bakit?" gulat na tanong ni Glenn.
"Nothing, something came up." Sagot niya.
"Nicole, wait." Pigil nito sa kanya.
"Look, I have to go." Iwas ang tingin na wika niya. Sabay lakad patungo sa exit door. Hindi na niya nilingon pa si Glenn.
Pagdaan niya kay Cris, hinila agad niya ito sa braso. "Uy teka, saan tayo pupunta?" tanong nito.
"Uuwi na," aniya.
"What? Ayoko pa!" mariing tanggi nito, sabay bawi sa braso nito.
"Fine, mauna na ako sa'yo." Hindi humihinto sa paglalakad na wika niya.
"Bakit ba kasi?" tanong ulit ni Cris.
"Wala! Bye!" nagmamadaling sagot niya.
Pagdating niya sa kotse niya, agad siyang sumakay doon. At mabilis na pinaandar iyon palayo sa lugar na iyon. Alam ni Nicole ang ganoong pakiramdam. Hindi pa man din siya nagkaka-boyfriend alam na niya kung paano nagsisimula ang pag-ibig. Sa simpleng kaba at titigan sa mata. Marami na siyang mga kaibigan na umibig ngunit lumuha. At isa sa biktima niyon ay ang Ate niya. Kaya nangako siya na hindi siya iibig. Hindi siya magagaya sa Ate niya na nawala sa katinuan ng dahil sa lalaki. Maging old maid na, okay lang iyon sa kanya. Kaysa naman masaktan.
PTSD. Posttraumatic Stress Disorder. Iyon ang tawag sa kondisyon ni Nessa, ang kaisa-isa at nakakatandang kapatid niya. Puno ng saya at sigla, mataas ang pangarap nito na matatapos nito ang kurso nito at magiging isang magaling na doktor balang-araw. Sa katunayan, nagpunta pa ito sa America at doon nag-aral ng kursong Medisina. Ngunit, makaraan ang isang taon at kalahati ng pamamalagi nito doon. Nagulat na lang sila dahil nabalitaan na lang nila na wala na ito sa katinuan, kaya sinundo ito ng Mama nila sa US.
Ganoon na ang kondisyon ng Ate Nessa niya sa loob ng apat na taon na lumipas. Hindi nila makausap ng matino. Sa tuwing sinusubukan nila itong kausapin, dalawa lang ang nagiging reaksiyon nito. Hindi magsasalita at nakatitig lang sa kanila, o kaya naman ay maghi-histerikal. Iiyak ng iiyak saka nito sasabihin ng paulit-ulit ang mga katagang "huwag mo akong iwan". Para malaman ang tunay nitong kalagayan, pinatignan nila ito sa isang magaling na Psychiatrist. At ayon nga dito, Posttraumatic Stress Disorder nga ang sakit nito. Isang nakaka-trauma na experience ang naging sanhi kung bakit lumala ang kondisyon nito. Sinubukan niyang kausapin ang Ate niya ng masinsinan, nagbaka-sakali siya na sumagot ito kahit paano. Nang tanungin niya ito kung isang lalaki ang dahilan kung bakit nagka-ganito ito. Hindi ito sumagot. Sa pag-uusap nilang iyon, isang bilog na stuff toy ang nakita niyang nakapatong sa ibabaw ng kama nito. Kukunin sana niya iyon para tignan ang laman, ngunit, mabilis siyang tinulak ng Ate Nessa niya. Saka kinuha ang laruan at niyapos iyon. Nagulat siya ng sigawan siya nito at bigla siyang batuhin ng kung ano man ang mawahakan nito. Hindi niya makakalimutan ang sinabi nito sa kanya.
"Lumayas ka! Albert! Manloloko siya! Si Gabriel! Iniwan n'ya ako! Huwag kayong maingay! Huwag n'yo kong pagtawanan!" naghihisterical na wika nito.
Natakot siya. Kaya nagmamadali siyang lumabas ng silid nito. Pagsarado niya ng pinto, mabilis na tumulo ang mga luha niya. Daig pa ng Ate niya ang sinapian ng masamang espiritu. Napahagulgol siya ng marinig niya ang malakas na sigaw at iyak ng Ate niya sa loob ng silid na iyon. Nasaan na ba ang Ate niya noon na masayahin? Ang karamay niya sa lahat ng bagay. Nang makatanggap ang Mama nila ng tawag galing mismo sa school nito, nalaman nito ang nangyari sa Ate niya kaya pumunta agad ito ng America, doon sa Medical School na pinasukan ng Ate niya. Inalam nito mula sa School Administration ang tunay na dahilan kung bakit nawala sa katinuan ang kapatid niya.
Lahat daw ay dahil sa isang lalaki. Na-in love daw ito ng husto sa isang lalaki. Albert Gatchalian daw ang pangalan. Ayon na rin mismo sa mga nakakakilala sa dalawa, naging mag-nobyo nga daw ang mga ito. May saksi sa sobrang pagmamahal ng Ate niya para Albert na iyon, ang naging kaklase ng Ate niya. Ilang buwan din ang matulin na lumipas, dito daw umikot ang mundo ng kapatid niya. Napabayaan ang pag-aaral nito. Ngunit isang araw, nagkaroon ng malaking away ang dalawa. Maraming nakarinig at nakasaksi dahil sa mismong school ground nag-away ang dalawa. Pinagpustahan lang pala ang Ate niya ng nobyo nito at ng mga barkada nito. Nang maglaon, tuluyan na itong iniwan ng Albert na iyon. Doon nagsimulang nagbago ang kondisyon ng pag-iisip ng Ate niya. Inakala ng mga kaibigan nito na ayos lang siya. Ngunit, may nakilala na naman ang Ate niya. Isang lalaking kamukha ni Albert, si Gabriel. Dahil doon, umibig na naman ito. Lumabas daw ang dalawa ng ilang beses. Sa pag-asa na magkakaroon ng bagong pag-ibig, minahal agad nito ang panibagong lalaking iyon. Pinagbuhusan ng panahon at pagmamahal. Ngunit gaya ng una, pinaasa lang nito ang kapatid niya. Iniwan nito ang Ate niya na luhaan at wasak na wasak ang puso. At ang masaklap pa sa nangyari, matapos siyang iwan ng Gabriel na iyon. Isang video s*x scandal ang kumalat sa buong campus kung saan hindi nito alam na naka-video ito habang nakikipagtalik ito kay Albert Gatchalian. Pinahanap niya ang lalaki upang pagbayarin sa ginawa nito sa Ate niya, ngunit, hindi na nila natagpuan ito. Nang hindi nakayanan, nag-suicide ito. Agad itong tinakbo sa ospital ng mga kaibigan nito kaya nakaligtas. At sa pagbalik ng ulirat ng Ate Nessa niya. Ganoon na ang kondisyon nito. Madalas tulala, minsan naghihisterical habang walang patid ang pagluha. Ang kapatid niyang puno ng saya ang mga mata, ngayon ay nababalot ng lungkot at dilim.
Hinaplos ni Nicole ang buhok ng Ate niyang payapang natutulog. Palagi niyang dalangin sa Panginoon na sana'y dumating ang araw, na makita niyang masaya ulit ito. Dahil sa nangyari sa kapatid niya, pinangako ni Nicole na hindi siya iibig. Hindi siya magagaya sa kapatid niyang naging baliw sa pag-ibig. At wala siyang nararamdaman sa mga sandaling iyon, kung hindi ang galit para sa dalawang lalaking nagpaasa sa kapatid niya. Walang sino man lalaki ang magagawang paibigin siya. Walang sino man. Kahit si Glenn.