Chapter Four

3310 Words
"AYOKO diyan!" tanggi ni Nicole, pagkakita niya ng Space Shuttle. Sa Enchanted Kingdom siya dinala ni Glenn. Habang papunta doon, nagtaka siya dahil parang malayo na ang pupuntahan nila. Nagduda pa nga siya, at sinabihan niya itong baka "kidnapper" ito. Pero tinawanan lang siya nito. "Gusto mong isigaw ang lahat ng nararamdaman mo, di ba?" "Oo nga, pero ayoko diyan! Natatakot ako diyan eh!" mariin niyang tanggi. Hinawakan siya ni Glenn sa magkabilang balikat saka siya tinitigan. "Nicole, listen to me. Kahit sa ganitong paraan, gusto kong makatulong sa'yo. Hindi ko alam kung anong pinagdaraanan mo, pero handa akong manatili sa tabi para may masandalan ka." Seryosong wika nito. Tumagos sa puso niya ang mga sinabi nito. Sa kabila ng paulit-ulit na paalaala ng isip niya na hindi siya dapat makinig dito. Mas malakas naman ang sigaw ng puso niya. Gusto niyang sundin ang sigaw ng isip niya, ngunit, mas malakas yata ang control ng puso niya sa kanya. "Okay," anas niya. "Huwag kang mag-alala, nandito lang ako sa tabi mo. Sasamahan kita." Sabi pa nito. Alam niyang ang pagsakay sa roller coaster ang ibig nitong sabihin. Pero bakit pakiramdam niya ay may mas malalim na kahulugan iyon. "Sir, kayo na po." Sabad naman ng nag-o-operate ng Space Shuttle. Pagkaupo niya sa mismong shuttle, nabalot siya ng kaba. Hindi. Takot. Mahina kasi ang loob niya sa mga ganitong "buwis buhay" na rides. Kung mga kaibigan siguro niya ang kasama niya, hindi siya mapipilit ng mga ito na sumakay doon. Kaya nga, labis ang pagtataka niya sa sarili kung paano siya napapayag ni Glenn. May pakiramdam siya na mabuting tao ito. Hindi siguro masama kung magiging magkaibigan sila. Nang umandar na ang Space Shuttle. Napahawak siya ng mahigpit sa bakal na handrails. Nang naging matulin na ang takbo nito, ay saka siya sumigaw ng malakas. Ang lahat ng galit sa puso niya, ang lahat ng awa niya para sa kapatid lahat iyon ay sinigaw niya. Hanggang sa naramdaman niya ng hawakan ni Glenn ang kamay niya at sabay silang sumigaw. Sa isang iglap, nawala ang takot niya sa sinasakyan niya. Sa isang kisap ng mata, gumaan ang loob niya. Ang lahat ng iniisip niya ay nawalang parang bula, ang pumalit doon ay ang guwapong mukha ni Glenn. Hindi alam ni Nicole kung ano ang magiging papel nito sa buhay niya. Natatakot man siya sa kakahinatnan ng lahat ng ito. Saka na muna siya mag-iisip. Sa ngayon, gusto muna niyang kalimutan ang lahat at samantalahin ang magandang pakiramdam na hatid ni Glenn sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ng ride sa Space Shuttle, bumaba na sila. Tinignan siya nito. "Okay ka lang?" nakangiting tanong nito. Nakangiti na siyang tumingin dito. "Yes, thank you. I owe you that one." Sagot niya. The moment that he smiled back at her, her heart pounded ten times than its normal beat. "Sa wakas, nakita ko rin!" biglang sabi nito. "Ha? Ang alin?" nagtatakang tanong niya. "Yan! Ang mga ngiti mo. Na-miss kong tignan ang mga ngiti mo." Sagot nito. Bigla siyang na-concious, agad na napalis ang mga ngiti niya. Nakaramdam siya ng hiya, kaya tumungo siya. "Huwag mo nga akong sinasabihan ng ganyan. Akala mo naman matagal na tayong magkakilala. Tigilan mo ako sa pang-aasar mo." Saway niya dito. Tumawa lang ito. "Hindi kita inaasar. Totoo lang ang sinabi ko, you're smile was one of the most beautiful smiles I ever saw." Puri pa nito sa kanya. "Ang lakas mong mambola," natatawang wika niya. Alam niyang namumula na ang mukha niya, base sa nararamdaman niyang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya. "Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sa'yo sa Airport noon? I told you, you will still see me. So, here I am." Anito. Ngumiti siya saka tila nahihiyang tumungo. "You didn't give up. Bakit ba ang lakas ng tiwala mo sa sarili mo na makikita mo pa rin ako? Paano kung hindi mo ako nakita sa Opening Night ng Mondejar Cars?" tanong niya. "Eh di pupuntahan kita sa bahay n'yo." Sagot nito. Napakunot-noo siya. "Ha? Paano mo naman gagawin 'yon? Hindi mo nga alam kung saan ako nakatira?" tanong ulit niya. Sinuksok nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nitong suot, saka nagkibit-balikat. "I have a confession to make, pagkatapos natin magkausap sa airport noon. Pinahanap kita sa pinsan kong pulis. Hindi ako matahimik eh. I just have to see you again." Pag-amin nito. Muli siyang napangiti, saka pabirong hinampas ito sa braso. "Aray ko!" kunwa'y daing nito. "Loko ka talaga!" aniya. "Pero kung matagal mo na palang alam ang bahay namin? Bakit hindi mo ako pinupuntahan?" tanong niya. "Wala. Ayoko kasing matakot ka. I mean, ayokong sabihan mo ako ng stalker. Nagkataon naman na naging abala ako sa trabaho, kaya hindi na kita napuntahan. I'm sorry." Sagot nito. Napailing siya. "Ang kulit mo, talagang gumawa ka ng paraan." Sabi pa niya. "It just happened that I want to see you again, that's all." Seryosong sagot nito. Pakiramdam ni Nicole ay namula ang magkabilang pisngi niya. "You're much more prettier when you're blushing." Puri na naman nito sa kanya. Natatawa na nahihiya na tinakpan niya ang mga mata niya ng isang kamay, saka pabiro at mahina na sinampal niya si Glenn sa isang pisngi nito. "Tama na, Glenn." Natatawa ulit na sabi niya dito. Narinig niyang malutong na tumawa ito, saka hinawakan nito ang kamay niya. Natigilan siya. Unti-unti ay napalis ang ngiti niya, binaba niya ang isang kamay niya na nakatakip sa mata niya. Hindi niya minulat iyon. Natatakot kasi siya na sa pagdilat niya, mawala na ang lahat ng masasayang sandaling iyon. Na bumalik na naman sa malungkot na bahagi ng buhay niya. Simula ng mawala sa katinuan ang kapatid niya. Sa mga balikat na niya bumagsak ang lahat ng responsibilidad sa pamilya nila. Nawalan siya ng laya para gawin ang makakapagpaligaya sa kanya. Maging ang umibig ay kinatakutan na rin niya. Gusto niyang sumubok kung ano ba ang pakiramdam ng may umiibig at may iniibig. Ngunit, sa tuwina, palaging bumabalik sa kanyang isipan ang pinagdaanan ng Ate niya. Hinintay niyang bitiwan ni Glenn ang kamay niya, ngunit, nanatili iyon nakakulong sa mga palad nito. Sa bawat paghinga ni Nicole, ramdam niya na sampung beses ang katumbas na pagtibok ng puso niya. Sa sandaling oras na magkasama sila ni Glenn. Pinaramdam nito sa kanya ang saya ng buhay sa piling nito. Sa puntong iyon, parang ayaw na niyang umalis pa sa tabi nito. Parang gusto na niyang bawiin ang sinabi niya noon. Na hindi siya iibig. "Ayokong idilat ang mga mata ko. Ayokong mawala sa isip ko ang masayang mundo na ito. Ayoko ng bumalik sa malungkot kong buhay. Gusto ko naman sumaya kahit sandali lang." naiiyak na wika niya. "Open your eyes," sabi pa ni Glenn. Sumunod siya dito. "Hindi mo kailangan matakot. Sabihin mo lang, Nicole. Sabihin mo lang na huwag akong umalis sa tabi mo. Gagawin ko." "Bakit mo ba ginagawa ito? Kung tutuusin, wala ka naman dapat pakialam sa akin. Ilang beses pa lang ba tayong nagkikita? Pero kung umasta ka, parang matagal na tayong magkakilala. Hindi dapat ako nagtitiwala sa mga lalaki." Umiiyak na sabi niya. "Hindi ko rin alam. Basta, simula ng makilala kita. Ginusto ko ng hindi na umalis pa sa tabi mo." Sabi nito, saka nito pinunasan ang luha niya. Huminga siya ng malalim. "Maraming Salamat," nakangiting wika niya, sa kabila ng mga luha. "Walang anuman, ang mabuti pa. Kumain na muna tayo." Sabi ni Glenn. Sa isang restaurant sa loob ng Amusement Park sila kumain. Habang kumakain, walang patid ang pagku-kwentuhan nila. Mga bagay tungkol sa buhay nila. Their favorites, likes and dislikes. Aaminin ni Nicole, masaya itong kasama. Masaya siya dahil ito ang nagpapawi ng lungkot niya. Wala siyang itatapon na sandali sa piling nito. "Hey, are you okay?" pukaw nito sa kanya. Napakurap siya, saka tumango. "Yeah, I'm fine." Sagot niya. "What are you thinking?" tanong nito. Umiling siya. "Wala naman," "Simula ngayon, kapag magkasama tayo. Wala kang iisipin na problema. It will be just you and me." Sabi pa nito. Gulat siyang napatingin dito. "Really? You and me? May ganoon na agad? May tayo na agad?" natatawang sunod-sunod niyang tanong dito. "Wala akong sinasabing 'tayo'. Ang sabi ko lang, you and me." Natatawang sagot nito. "Nakakainis ka!" naaasar na wika niya, sabay bato niya dito ng nilamukos na tissue." "Ayoko naman ng tayo nga ang magkasama, pero nasa ibang tao naman ang isip mo. I just want you to be happy." Sabi pa nito. "Thanks, Glenn." "Give me your cellphone." Biglang sabi nito. "Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Basta! Pahiram!" giit nito. Nagtataka man, binigay niya dito ang hinihingi nito. Ilang sandali lang ang lumipas, binalik na nito iyon. "Anong ginawa mo?" tanong niya. Hindi ito sumagot. Kinuha nito ang sarili nitong cellphone, bahagya siyang napapitlag ng biglang mag-ring ang cellphone niya. "That's my number, save mo na. Baka mamaya, mawala ka na naman bigla eh. At least, ngayon layasan mo man ako. May number ka na sa akin." Sabi pa nito. Napailing siya habang natatawa. Medyo may kakulitan din pala ito. Parang hindi ito doktor sa unang tingin at kung paano ito umasta. Gaya ng sinabi niya dito noon sa Opening Night ng Mondejar Cars, mukha itong College Boy. "Hindi na kita tatakbuhan, promise." Sabi pa niya. Ngumisi si Glenn. "Good." Anito. "Ang mabuti pa, umuwi na tayo. Medyo dumidilim na." yaya niya dito. "Okay," pagpayag nito. Dahil napagod siya sa paglilibot sa buong amusement park. Habang nasa byahe, hindi namalayan ni Nicole na nakatulog na pala siya. PAGDATING nila sa parking are ng MCI. Ginising ni Glenn si Nicole, ngunit mahimbing pa rin itong natutulog. Marahil talagang napagod ito, hindi lang sa pamamasyal. Alam niyang maging ang isip nito ay pagod din. Kaya hinayaan na lang niya na tulog ito. Marahan na hinaplos ni Glenn ang buhok nito. Wala siyang kahit na anong ideya sa pinagdadaanan nito. Ngunit handa siyang maging pader kung kinakailangan nito ng masasandalan. Hindi rin niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya. Pero ayaw na niyang pakawalan ang pagkakataon na ito na narito na ang dalaga sa tabi niya. Kung ano ang tawag sa nararamdaman niya para dito? Wala siyang ideya. Basta ang alam niya, masaya siya na napapasaya niya ito. "Nandito lang ako, Nicole. Hayaan mo akong pawiin ang lungkot sa mga mata mo." Bulong niya dito. Sinubukan ulit niyang gisingin ito, ngunit, dumilat lang ito pagkatapos ay pumikit ulit ito. Kaya nagdesisyon na siyang umuwi at doon sa bahay nila Lolo Badong ito patulugin. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing naiisip niya ito, o nakikita niya ito. Malungkot man o nakangiti. Pinapabilis nito ang t***k ng puso niya. Was he in love with this beautiful stranger? DAHAN-DAHAN minulat ni Nicole ang mga mata niya, bago siya nag-inat ng katawan. Ngunit pumikit ulit siya bago niyapos ang malaking unan sa tabi niya at binalot ng kumot ang katawan niya. Napangiti siya ng maalala niya ang panaginip niya. Kasama daw niya si Glenn na pumapasyal sa Amusement Park. Ngunit agad na napalis ang ngiti niya ng may maalala siya. Mabilis siyang napabalikwas ng bangon, saka niya ginala sa paligid ang paningin. Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi. Hindi siya maaaring magkamali, at hindi iyon panaginip. Nasa Enchanted Kingdom siya, namamasyal kasama si Glenn. Pagkatapos ng pauwi na sila nakatulog siya sa kotse nito. Tapos, hindi na niya alam ang susunod na nangyari. "Glenn," bulong niya. Mabilis siyang tumayo sa kama, saka nagmamadaling tumakbo sa may pinto. Ngunit napigilan ang paglabas niya ng marinig niya ang maraming boses ng kalalakihan, may naririnig din siyang boses ng isang babae at dalawang matanda. Nag-alangan siyang lumabas, kahit naririnig niya ang boses ni Glenn. Pumunta siya sa harap ng salamin, saka sinuklay muna ang buhok niya. Napakunot-noo siya ng makita ang isang note na nakadikit sa salamin. Ito ang sabi sa note: Good Morning, Nicole! May spare toothbrush sa banyo. You can use it. Text me if you're awake. Napangiti siya. Pumunta siya sa banyo na naroon din sa loob ng silid na iyon saka nag-toothbrush, naghilamos at inayos ang sarili. Bago niya tinext si Glenn ng 'Good Morning'. Ilang sandali pa kumatok muna ito bago pumasok sa silid. Isang magaan na ngiti ang binungad nito sa kanya. "Hi, Good Morning!" bati nito sa kanya. "Good Morning," "How's your sleep?" tanong nito. "Great. Ang sarap nga ng tulog ko." Sagot niya. "Pasensiya ka na pala, kung dito na kita dinala kagabi. Pagdating natin sa MCI Parking lot, ginigising kita. Kaya lang, mukhang pagod na pagod ka. Kaya I've decided na dito ka na lang dalhin. Don't worry, hindi ako dito natulog. Doon sa bahay ko." Paliwanag nito. "Bahay mo? You mean," "This is my Grandparents' house. My house was just few houses away from here." Sagot nito. "Halika na, labas na tayo para makapag-breakfast ka na." "Nakakahiya," Natawa ito. "Huwag kang mahiya, mababait ang mga pinsan ko." Sabi pa nito. Nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya, saka siya hinila nito. Paglabas nila ay nagtinginan sa kanila ang mga tao doon. Nagtago siya sa likod ni Glenn. "Hey, ano bang ginagawa mo diyan sa likod ko?" natatawang tanong nito sa kanya. Hinila siya nito sa dining area, at doon pinakilala siya nito sa Lolo at Lola nito. "Lolo, Lola. I want you to meet, Nicole. Nicole, my grandparents." Pagpapakilala nito sa kanya. Tumingin siya sa dalawang matanda na nakangiti sa kanya. "Good Morning po. Maraming Salamat po sa pagpapatuloy sa akin dito." bati niya. "Good Morning din hija," bati naman ng Lolo ni Glenn. "Maayos naman ba ang tulog mo?" tanong naman ng Lola nito. "Opo. Pasensiya na po sa abala." Sagot niya. "Ay, ano bang abala ang sinasabi mo riyan? Halina't mag-almusal na. Basta kaibigan ng mga apo ko, bukas ang aming tahanan." Sabi pa ng Lolo nito. "Kaibigan mo lang pala, pinsan. Akala ko tinanan mo na eh." Pang-aasar pa ni Wesley. "So, kayo na nga? By the way, I'm Marisse." usisa pa ng isang mestisang babae. Sabay abot ng isang kamay nito sa kanya, tinanggap naman niya iyon. "I'm Nicole. At saka hindi naman kami." Sagot niya, sabay tanggi sa sapantaha nito. "Kayong dalawa nga na tinamaan ng kamote, tigilan n'yo nga ang bisita natin." Saway ng Lolo nito. Napangiti siya. "Paluin n'yo ng tungkod, 'Lo." Pambubuyo pa ng lalaking kamukha ng babae na nagpakilalang Marisse, pagkatapos ay inabot nito ang isang kamay sa kanya at nagpakilala din. "I'm Marvin, unfortunately, her twin brother." "Mga damuhong ito, mamaya na n'yo kulitin si Nicole. Hayaan n'yo munang kumain 'yung tao, baka hindi matunawan sa pinaggagagawa n'yo." Saway na naman ng Lola ni Glenn. Natatawang nagsalita si Glenn. "Pasensiya ka na sa mga pinsan ko, makukulit talaga sila." Sabi pa nito. "It's okay. Nakakatuwa nga kayo eh. Sa unang tingin noong Opening Night, para kayong mga typical businessmen na hindi marunong ngumiti." Aniya. "Nah! Hindi uso sa amin 'yon. Babangon lahat ng mga patay sa morgue ng ospital namin kapag naging seryoso kami masyado, lalo na kapag nasa labas kami ng trabaho." Paliwanag nito. "Oi, mga puge. Carwash! Dalawang kotse!" sabad ng bagong dating na babae na nakasuot ng uniporme na kulay puti. Base sa damit nito, mukhang kasambahay ito. "Hala, asikasuhin n'yo muna ang bagong dating na customer. Glenn, sumama ka. Hindi ka na nakakapag-hugas ng kotse." Utos ng Lolo nito. "Sandali ah, diyan ka lang muna. Trabaho muna ako." Sabi pa nito, pagkatapos ay binalingan nito si Marisse. "Uy, kuting. Ikaw muna bahala kay Nicole." Sabi pa nito. "Tse! Kelan pa ako nagmukhang pusa?" Napapailing siya habang pinagmamasdan niya ang Pamilya ni Glenn. Gusto niyang mainggit dito, maayos at masaya ang Pamilya nito. Kahit na alam niya kung gaano kataas ang antas nito sa buhay, nananatili pa rin sa mga ito ang kababaan ng loob. Ang mga tawanan ng mga ito, ang ingay at walang patid na kuwentuhan. Kung sana'y maibabalik lang niya ang nakaraan, kung saan napakasaya pa ng bahay nila, ng pamilya niya. "Glenn, must really like you." Sabi naman ni Marisse. "Ha?" "Lumaki kaming lahat ng magkakasabay, nagpunta man siya sa America para mag-aral. Pero hindi kailan man 'yan nagdala ng babae dito sa bahay nila Lolo, o kahit sa bahay nila. At ang ganda mo 'te! Ayon na rin sa mga pinsan ko, pinahanap ka pa daw ni Glenn makita kang muli. Maybe, you're special to him. Ah, no. Let me correct that. Maybe he likes you." Paliwanag ni Marisse. Gusto niyang masamid sa sinabi nito. Siya? Special? Gusto siya ni Glenn? Kasunod niyon ay ang pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. "Uhm, ano. Tinulungan lang niya ako kagabi." Wika niya. Ngumiti ito, saka siya tinabihan. "Sayang! Akala ko pa naman may special something na sa inyong dalawa. Boto pa naman ako sa'yo para kay Glenn." Anito. Napangiti siya. "Kaibigan ko lang siya," paglilinaw pa niya. Hindi na nakapagsalita ulit si Marisse dahil biglang bumalik ulit si Glenn. "Huwag mong tatakutin si Nicole ah?" sabi pa nito. Ganoon na lang ang biglang panlalaki ng mata niya ng bumungad sa harapan niya ang matipunong katawan ni Glenn. Bukod kasi sa suot nitong maong na pantalon, wala na itong suot na t-shirt. Napalunok siya ng makita niya ang mala-pandesal na abs nito. Pakiramdam ni Nicole ay namula siya. Mabilis niyang inalis ang paningin niya dito. "Hoy, lumayas ka na nga. Naiilang si Nicole sa'yo! Alam ko may monay ka sa tiyan! Nagpapasikat ka na naman eh!" pang-aasar pa ni Marisse dito. "Hindi ko na kailangan magpasikat oy!" pakikisakay ni Glenn sa biro nito. "Besides, nakalimutan kong ubusin 'yung kape ko." Natatawa siya habang pinapakinggan ang magpinsan. "Pasalamat ka nandito si Nicole, kung hindi kanina pa kita binitbit palabas. Huwag mong sabihin girlfriend ka ni Kevin." "Layas na kasi," pabirong pagtataboy nito kay Glenn. Nang makaalis na ito. Hinarap niya si Marisse. "Natutuwa ako sa pamilya n'yo. Ang saya n'yong kasama." Sabi pa niya dito. "Bakit? Sa inyo?" nakakunot-noo na tanong nito Malungkot na ngumiti siya. "Noon. Ngayon kasi, may malaking problema kaming pinagdaraanan. Kaya ko nga kasama si Glenn, dinamayan n'ya ako." Sagot pa niya. Ngumiti sa kanya si Marisse. "Kung ano man 'yan. I'm sure, maayos din ang lahat. Prayer is the best weapon." Payo pa nito. "Salamat," nakangiting sagot niya. "Welcome ka dito. Bumalik ka kung kailan mo gusto. Tutal hindi ka na iba kay Glenn." Sabi pa nito. "I'll keep that in mind." "Halika, doon tayo sa ibaba. Ipapakilala kita sa iba pa namin mga kaibigan dito. Panoorin mo na rin ang magulong Carwash ng pamilya namin." Yaya sa kanya ni Marisse. Pagdating nila sa ibaba pinakilala nga siya ni Marisse sa iba pang mga kaibigan nito. Pawang mababait at makukulit din ang mga ito, madali niyang nakasundo ang mga ito. Habang abala sila sa pagku-kuwentuhan. Nagulat siya ng biglang magtilian ang grupo ng ilang kababaihan pagdaan nito sa tapat nila. Nang tignan niya kung bakit, nakatingin ang mga ito sa magpi-pinsann na Mondejar. Napailing siya, saka tumingin sa mga guwapong Carwash Boys, parang gustong pagsisihan ni Nicole ang pagsama niya dito. Dahil habang nagka-carwash si Glenn, panay naman ang tingin nito sa kanya. Pagkatapos ay ngingitian siya, sabay kindat. Ang hindi nito, sa tuwing ginagawa nito iyon, palakas ng palakas ang kabog ng puso niya. Ano bang meron kay Glenn? Bakit ganoon na lang kalakas ang dating nito sa kanya? Bakit ayaw nitong patahimikin ang puso niya? Pagkatapos maghugas ng kotse ni Glenn, nanlaki ang mga mata ni Nicole kasabay ng paglunok niya. Matapos uminom ng tubig ni Glenn, ang natirang tubig sa baso nito ay binuhos sa katawan nito. Wala sa loob na nasundan niya ang pagdaloy ng tubig sa dibdib nito, pababa sa abs nito. Sa isang iglap, bigla siyang nakaramdam ng init. Mabilis niyang binaling sa iba ang paningin, saka lumunok ulit. "Marisse, saan ba puwedeng bumili ng softdrinks dito? Nauhaw ako bigla." Aniya dito. Natawa si Marisse, marahil ay nakuha nito ang ibig niyang sabihin. Sa loob ng kulang bente kuwatro oras na nakasama niya ito. Unti-unti ay pinakita nito sa kanya ang tunay na Glenn, na dating mistula isang entranghero. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang maramdaman niya, bago sa kanya ang lahat ng ito. Si Glenn, at ang damdamin niya para dito. Kung noong una ay ayaw niyang magtiwala dito, ngayon nagbago na iyon. Mabuti ang pamilya nito, nakikita niya ngayon ang disiplina at paggalang dito. Hindi naman siguro mamasamain ng tadhana kung babawiin niya ang isa niyang pangako sa sarili. Dati sabi niya, hindi niya kailan man pagkakatiwalaan ang mga lalaki. Sa mga sandaling iyon, binago nito ang pananaw niyang iyon. Marahil, may mga mabubuti pa naman ang puso sa mga ito. At isa na roon si Glenn Pederico.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD