Prologue

2012 Words
Hannah's point of view Ika-nga nila talo ng taong masipag ang taong matalino. Iyan ang isa sa mga tumatak na katagang natutunan ko mula kay Mama. Simula kasi ng maaksidente ang bus na sinasakyan nila ni Papa ay nawala ang lahat sa'kin. Nagpalaboy-laboy, namulubi sa daan, at kumain ng pagpag. Kahit na medyo nababastos sa daan, ay hindi ko na lamang pinapansin. Mabuti na lang ay may nag-aruga sa akin. Si Nanay Dolores. Nakita niya ako sa daan na palaboy-laboy kaya tinulungan niya ako at pinatuloy sa bahay nilang gawa sa habal-habal. "Nay ako na ho diyan." Kinuha ko agad kay Nay Dolores ang kaldero na isasaing niya sa kalang de uling. Lubos akong nagpapasalamat dahil may taong nag-aruga sa akin. May mga kamag-anak sila mama at papa ngunit ni pagdating sa puntod nila ay di pumunta ito, kahit sabihan man lang ng condolence ay hindi magawa. Kaya galit ako sa kanila--- galit na galit. Kaya nangako ako sa sarili ko na kapag yumaman na ako ipapakita ko sa kanila kung sino ang nilait nila. Nilait nila ang magulang ko dahil sa pamimintang na nagnakaw sa companya ni tita Feh na kapatid ni Papa. Matagal na rin iyon mga siguro nasa sampung taong gulang pa lang ako. Simula niyon ay napatalsik si Papa sa companya at unti-unting naghirap ang pamilya namin, hanggang dumating sa punto na dapat mangungutang si Papa kina Lola pero di na sila umabot dahil sa pagka-aksidente ng bus na sinasakyan nila. Kaya ito ako, naiwang mag isa. "Naku Hannah ikaw talaga hindi ba't di ka pa tapos sa ginagawa mo Ija?" "Nako Nay ayos lang 'yan, kaya ko naman pong sagutan 'yan ng mabilis ako pa ba?" Natawa naman si Nanay Dolores sa sinabi ko kaya nilagyan ko na ng uling ang kalan kasabay ng pagsindi dito at inihipan ito hanggang sa magdingas. Kasabay niyon ang pagpatong ko sa ibabaw nito ng kaldero. "Oh sha ako na ang bahala ditong magbantay basta tapusin mo na ang iyong ginagawa." Napangiti ako kay Nay Dolores at tumango. Bumalik na ako sa ginagawa kong gawain at hinarap ang gasera. Wala kasing kuryente sila Nay Dolores at dito kami banda sa payatas. "Ate Hannah patulong naman po sa mathematics nahihirapan na ako eh." Natawa na lamang ako dahil sa maktol ni Joshua. Siya ang apo ni Nay Dolores, kwento sa akin ni Nay Dolores na namatay ang Ina nito pero ang Ama niya ay iniwan siya. Di na muling hinanap pa ni Nay Dolores ang Ama ni Joshua dahil pakiramdam niya ay wala na itong pakialam sa bata. "Halika ka nga dito." Tinap ko ang katabing lapag ko kaya umupo naman ito. Tinuloy ko na ang pagpapaliwanag sa kaniya hanggang sa napatango-tango naman siya. "Ah gano'n lang pala iyon ate Hannah, ano bayan sumakit pa ulo ko pero ang dali naman pala, salamat ate Hannah." Ngumiti ako at tumango. "O ija at apo kumain na tayo." sambit ni Nay dolores at tumayo na kami ni Joshua at pumuntang lamesa na gawa sa kahoy. Nagsandok na ako sa plato ng kanin at ulam na pinritong tuyo. Nagsimula na kaming kumain at hindi ko maiwasang mapapadyak na lang dahil sa sarap nito. "Grabe Nay Dolores kapag ikaw talaga nagluto ang sarap." Sabay thumbs up ko. Nasasarapan ako sa tuyo na may bagoong. Nagkukwento lang si Joshua habang kami ni Nay Dolores ay natatawa sa pinag-ku'kwento niya. Nang matapos na kaming kumain ay niligpit na namin ang lamesang de kahoy at naglatag na ng banig sa lapag. Kumuha na ako ng karton para pamaypay. "Nay matulog na po kayo ako na po bahala diyan sa mga hugasin." Medyo may katandaan na rin si Nay Dolores kaya kung minsan ay pinatitigil ko siya sa mga gawaing bahay pero makulit kaya hindi ko mapigilan minsan. "Oo na Ija may magagawa pa ba ako? eh ikaw itong mapilit, pagtapos ng hugasin matulog ka na rin." Sambit niya. "Opo." Humiga na si Nay Dolores at ako naman ay panay ang paypay kay Joshua. Nakasanayan ko na ito. Kung minsan ay sumasideline ako sa mga pagtitinda ng puto, isda sa palengke, at taga laba ng damit ng kapitbahay para lang may pang araw-araw na gastusin. Kahit na sinasabi ng mga taong nakakasulubong ko na sa ganda kong ito ay gano'ng mga bagay ang trabaho ko. Minsan may nang aalok na sa akin ng trabaho at bibigyan na lang nila ako ng doble sa nakukuha ko pero tumatanggi ako dahil gusto ko ay iyong pinaghihirapan ko. Kahit na nilalapitan ako ng ibang lalaki ay hindi ko na lamang pinapansin dahil hindi ko pa iniisip ang mga ganiyang bagay, iyong iba nanliligaw. Halos lahat na nga ng nakatira dito saming lugar ay natitipuan ako. Sinasabi nila na dahil sa kakaibang ganda ko kaya nagugustuhan nila ako kasabay ng pagpuri. Nang makatulog na si Joshua ay kinumutan ko ito at si Nay Dolores kaya napatayo na ako at sinimulang hugasan ang mga pinggan. Minsan napapaisip ako, kailangan ko kaya mapapatikim ng masarap na pagkain sila Nay Dolores at Joshua? Ng matapos na akong maghugas ay napahiga na ako at kinimutan ang aking sarili, bale nasa gitna ako at hati-hati kaming tatlo sa kumot. kinabukasan... "Ija alas syete na ng umaga ngayon pa naman ang unang araw mo hindi ba? magpapasa ka ng takdang aralin dahil sa bago ka lang?" Napatayo na ako kasabay ng pagtango sa sinabi ni Nay Dolores at nag ayos ng aking sarili. "Opo Nay." sagot ko rito at napansin ko na naghanda na ng almusal si Nay Dolores na nilagang saging na saba kaya kuminang agad ang mga mata ko. "Mag-almusal ka na dahil mukha ka ng gutom at kumikislap na iyang mga mata mo." Napangiti ako at tumango sabay tayo at kumain. Tulog pa si Joshua dahil alas nuwebe ang pasok niya. Si Nay Dolores na ang naghahatid sa kaniya sa school niya. Nang matapos na akong kumain ay pumunta na ako sa palikuran na kailangan mo pang lakarin. Nag ayos na ako ng aking sarili at sinuot ang sapatos na dati ko pa sinusuot, siguro kapag nagkatrabaho na ako ay tsaka ko na iisipin ang mga bagong bagay para sa akin. Habang naglalakad ako napapansin ko na tinitignan ako ng mga estudyanteng nakakasabay kong naglalakad. Magagarang suot at elegante, iyan lang naman ang masasabi ko sa kanila. Alam ko naman sa sarili ko na ang badoy kong manamit. "Hannah!" Napatingin ako sa babaeng sumigaw mula sa likuran ko kaya nginitian ko ito. Siya si Melissa, ang matalik kong kaibigan simula high school. "Oy wag mo na nga silang pansinin inggit lang sila sa’yo dahil maganda ka kahit simple." Sabay hampas nito sa braso ko at natawa na lang ako sa sinabi niya kasabay ng pag-irap sa mga tumititig sa akin. Naglakad na kami papasok dahil sa magkapareho naman kami ng course ni Melissa, BS Acountant. "Hannah." tawag muli ni Melissa sa pangalan ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya at sumagot. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya. "Naghahanap ka ba ng trabaho?" Tanong nito kaya napaisip ako dahil pag-uwian na kasi ay didiretso ako kila Aleng Yoyo para sa paglaba ng mga damit nila. "Oo eh bakit mo naman natanong?" "Naku Hannah, hindi ba't gusto mo kumita ng malaki? hindi mo ba alam sa pinapasukan ko mabilis lang at sa isang araw 3k na ang makukuha mo tsaka ako kasi ang naghahandle niyon." bulong nito dahilan para malaglag panga ako sa sinabi niya. "Baka naman budol iyan ah tas ibebenta iyong laman loob ko." Natawa siya sa sinabi ko pero joke lang naman 'yon dahil alam ko naman na di ako ipapahamak ng bestfriend ko na sobrang bait. Minsan nga pinapahiram ako niyan ng pera at sinasabi ko naman na ibabalik ko kapag nakaluwag-luwag na ako. "Baliw hindi, maghahatid ka lang naman ng nga pagkain sa bar at VIP pa tutal maganda ka naman for sure kikita ka pa ng mas malaki sa 3k." "Seryoso 3k talaga?" Napatango naman siya ng nakangiti. Mayaman, maganda at mabait. Ganiyan ang mga ugali ni Melissa na hinahangaan ko sa kaniya. Ang totoo niyan ay hindi pa ako nakakapaso sa loob ng bar at hanggang labas lang ako. "Oo ah kaya pumayag ka na please? Kulang kasi kami ng isang tauhan para sa bar." Pagmamakaawa niya. "Ehh--" hinawakan bigla nito ang kamay ko ay pinagkulong ito. "Please please?" "O-O sige." Naiilang kong sagot sa kaniya. "Yes, sabay na tayo mamayang uwian at ipapakilala kita sa buong tauhan ko ro'n sa bar." Tumango na lamang ako sa sinabi niya. ***** Melissa's point of view Hi I'm Melissa Montefalco daughter of Henry Montefalco. At matalik na bestfriend ni Hannah, Hindi ko nga alam diyan sa bestfriend ko na ‘yan dahil I swear simula high school marami ng nagagandahan yung iba nga niligawan siya pero binusted niya lang. Kaya iyon ang isa sa mga nagustuhan ko sa bestfriend ko eh iniisip ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili. "Yes, sabay na tayo mamayang uwian at ipapakilala kita sa buong tauhan ko ro'n sa bar." Napangiti ako ng malapad dahil sa sagot ni Hannah. Naghahanap kasi ako ng isang tauhan na magiging waitress ro'n, nagkulang kasi ang tauhan ko tulad niyong umalis na isa dahil sa katandaan nito. Kaya ito, naisip kong si Hannah ang ipasok sa bar na pagmamay-ari ko at sure akong fit siya do'n. Aba sa ganda ba naman ng bestfriend ko, pero di ko ba alam kapag may mga nagsasabi sa kaniya na maganda siya di siya naniniwala o sabihin na lang natin na walang pake sa paligid. Si Hannah kasi yung tipo ng babaeng simpleng tao pero ubod ng ganda. Kinabog na nga ako niyan eh pero ayos lang din atleast pangalawa ako sa kanya at iyon ang mahalaga. Nang matapos na ang klase ay inayos ko na ang gamit ko at hinarap si Hannah. "Hannah ano okay na ba?" Nakita kong napakamot ito sa batok niya. "Hehehe Melissa ano kasi... wala akong NBI, SSS tas Resume--" "Nah! hindi na kailangan niyan Hannah, you know naman na ako ang may ari ng bar na iyon." "O-okay sige, pero pwede bang mamayang alas nuwebe na lang? maglalaba pa kasi ako kila Aleng Yoyong eh." Paliwanag niya. "Sure sunduin kita sa inyo." "Huwag na, antayin mo na lang ako sa labasan." mabilis niyang sagot dahilan para mapaface-palm ako dahil sa pagtanggi nito. Ganiyang mga galawan ni Hannah ay kabisado ko na dahil ibig sabihin lang niyan ayaw niya ako papasukin sa barong-barong bahay nila. "Hannah basta pupunta ako sa ayaw at sa gusto mo, O sha mauna na ako at sunduin kita ng alas nuwebe." Tumango siya kaya naglakad na ako paalis. Hays siya ang kilala kong taong napakasipag na pinaghihirapan talaga ang pera. Tinawagan ko na si Dad at kinuwento ko sa kaniya na nakahanap na ako ng bagong tauhan para sa bar at binati naman ako nito dahil sa hindi daw ako nahirapan, ako pa ba? Ginagawa ko ito para kay Hannah, kasi ayaw kong nakikita siyang naghihirap at kay Aleng Dolores. Sila yung klase ng pamilya na kahit mahirap ay buo at masayang magkasama. Lagi niya nga akong pinangangaralan eh, dapat daw ang pera pinaghihirapan tapos and dami niyang kasabihan na halos lahat tumatatak sa isipan ko. Kahit ganyan 'yan ah mahal na mahal ko iyan. ***** Hannah's point of view "Lola nandito na po ako." Kakauwi ko lang galing kila Aleng Yoyong at binigyan naman niya ako ng anim na daang piso at ito bumili ako ng masarap na piniritong manok. "Wow ate Hannah ano po iyan?" Lumapit si Joshua kaya hinalikan ko ito sa pisngi. "Oh ija ano 'yang dala mo?" tanong ni Nay Dolores. "Kain na po tayo Lola may dala po akong pinritong manok." "Wow ate masarap po ba yan?" Napatango ako sa sinabi ni Joshua kaya nilatag ko na ang lamesa. Mabuti na lang ay nakapag saing na si Nay Dolores. "Ang sarap ate Hannah." masayang sabi nito habang nginunguya ang manok. Hinaplos ko ang buhok ni Joshua at napangiti. "Oo naman, hayaan mo susunod na araw bibili si ate ng masasarap na pagkain." "Talaga po?" "Aba! oo promise ko yan sa iyo." Napangiti si Joshua at pinagpatuloy ang pagkain. "Naku Ija dapat hindi ka na lang bumili ng ganiyan, inipon mo na lang 'yan para sa pangbayad mo ng tuition." "Ayos lang po Lola tsaka may trabaho na rin po akong papasukan." "Talaga?" gulat na tanong nito at nakangiting tumango ako. "Opo lola kaya kakain na tayo ng mga pagkain na masasarap at ipapaayos na din natin itong bahay." Masayang sabi ko. Nagkwentuhan lang kami at katuwaan habang nasa hapag. Masaya ako dahil nakakain na kami ng masasarap na pagkain. Nakapagdesisyon na ako kanina pa na papayag na ako sa alok ni Melissa. Sayang na rin ‘yong 3k para makaipon agad ako ng pang tuition at mapagawa itong bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD