Hannah's point of view
Nang makatulog na sila Nay dolores at Joshua ay nagsimula na akong maligo, nagsuot na rin ako ng plane t-shirt na black at pantalon. Nandito ako ngayon sa labas ng kalye namin habang nakaupo sa isang bench. Hinihintay ko na lang ang pagdating ni Melissa at sa totoo lang talaga ayaw ko kasi siyang dalhin sa loob ng bahay dahil nakakahiya. Iyong mga katulad niyang tao ay hindi bagay sa ganitong lugar.
Napatingin ako sa kotseng itim na paparating sa pwesto ko at alam kong si Melissa iyon. Huminto na ito sa harapan ko at bumungad sa akin ang masayang itsura ni Melissa.
“Hannah pumayag ka rin, mayroon na akong bagong tauhan instant bestfriend pa." masayang sigaw nito at napakamot na lang ako sa batok.
"loko," Natatawang sagot ko.
"Let’s go?” Tanong niya na kinatango ko at inalalayan niya naman akong makasakay sa kotse niya.
Habang nasa biyahe kami puro kwentuhan lang ang nangyayari, dahil di pa rin daw siya makapaniwala na pumayag ako. Sa totoo lang kasi pumayag talaga ako kahit na mahirap para sa akin dahil bar ang papasukan ko at di gano'n kadali.
"we are here." Masayang sabi niya at napatingin ako sa bar na medyo malaki rin pala. No'ng huling punta ko rito ay di man lang ako nakatapak sa entrance dahil hindi ako sanay sa mga ganitong lugar.
Bumaba na kami sa kotse niya at nagsimulang maglakad papuntang loob ng binati bigla si Melissa ng isa sa mga bouncer rito.
"Hi maam Melissa."
"Hello Anton, ano ayos lang ba ang pagbabantay?"
"yes maam, at walang masyadong nangyayari."
"then good, mauna na ako sa loob." Tumango naman ang Anton pero napatingin sa gawi ko.
Nagsimula na kaming maglakad papuntang loob. Malakas na tugtugan, nagsasayawang mga tao sa harap, nag-iinuman, at gumagawa ng mga milagro 'yan ang mga nakikita ko sa paligid. Sumunod na lang ako kay Melissa dahil hindi ako sanay sa mga nakikita ko. Nakarating na kami sa isang pinto dito sa second floor at bumukas naman ito.
Marami rin palang mga tauhan dito-
"kuya Gab." Tawag ni Melissa sa lalaking nakatalikod at abala sa cellphone ng mapatingin ito.
"Hi little sis, wait why are you here?" tanong nito.
"kuya Gab diba I tell you kanina na may bago akong tauhan. And I want you to meet Hannah Silvester, she's my bestfriend." Pakilala ni Melissa at napatingin naman ‘yong Gab sa akin at ngumiti.
"Hi hannah I'm Gabriel, Melissa's elder brother." naglahad ito ng kamay kaya tinanggap ko rin naman agad.
"Hannah sir."
"Don't call me sir and it's too formal for me. Just call me Gabriel or Gab pero sa isang binibining napakaganda mas gugustuhin ko pang tawagin mo kong Bret."
"okay B-bret." nakatingin lamang sa akin ito habang hawak ang kamay ko. Naramdaman ko pang pinisil niya ito.
"hoy kuya ang daya mo bakit ng ako ang gustong tumawag sayo ng bret di mo ko pinagbigyan? Ang sama mo talaga." maktol ni Melissa dahilan para matawa ako. "okay okay matagal na iyan kuya pwede ka ng bumitaw." Bumitaw naman sa akin ang kuya ni Melissa pero ang mga mata niya ay nakatuon sa akin.
"halika na Hannah at para makapagpalit ka na." Sambit ni Melissa sabay hila nito sa akin pero pansin ko na sa akin pa rin ang tingin ng kuya niya. Hindi ako assuming ah, napansin ko lang kasi at nakakailang kaya dahil ang mga ganiyang titig ay kabisado ko na.
Tatanggapin ko itong trabaho na ito para makatulong na ako kay Nay Dolores at Joshua dahil ito na ang panahon para ako naman ang tumulong sa kanila. Kahit anong trabaho na siguro ang pasukin ko ay papatusin ko para sa kanila. Desidido kung desidido dahil darating talaga sa punto minsan na kahit gaano man kahirap para sa'yo ang papasukin mo ay gagawin mo ang lahat para sa pangangailan na gusto mong matamo. Lubos talaga akong nagpapasalamat dahil may bestfriend akong ubod ng bait kahit na nakakahiya ay tinanggap ko pa rin.
Grab the opportunity kapag nasa harap na ‘wag mo ng pakakawalan pa.
*****
Lucas point of view
"Ahh baby!" Ungol niya. Pinasok ko ang aking kahabaan sa kaniya na nagdahilan para mapaungol siya. Hilig ko na ang pakikipagtalik sa iba't-ibang babae at halos lahat naman sila ay sumasaya.
After a second i reach my climax
Nang labasan na ako ay napayakap ako sa kaniya at naramdaman ko na lamang na yumakap ito sa akin pabalik.
"You may go." Mahinang bulong ko sa kaniya.
Bumitaw naman ito sa pagkakayakap sa'kin at nakakunot noong nakatingin.
"Are you kidding me Lucas? after what we did tatabuyin mo na lang ako na parang laruan?"
"Like what I said , If I get what I want that’s all period."
Padabog naman itong tumayo kasabay ng pagpulot sa mga damit niyang nagkalat sa lapag. Malakas niyang sinarado ang pinto ng apartment ko. Napahiga muna ko saglit dala ng pagod na nangyari sa amin ng biglang tumawag si Gabriel.
"What?" Walang gana kong sagot.
[put* ikaw na lang hinihintay nasa'n ka na ba? Are you having a s*x with the other girl, aren’t you?]
"Mind your own business Mr. Montefalco."
[Woah just calm down okay? Pinapaalala ko lang sayo na may inuman ang tropa hintayin ka namin dito]
"Okay." I ended the call at humiga sa kama.
Im Lucas Hills the next mafia boss.
Everyone said that im a playboy, A playboy who love s*x and as if I care. I don't need their opinion idiot, dahil ang gusto ko lang ay maging masaya sa buhay ko na kung sino-sino’ng babae ang kinakama ko. Sila ang may gusto at hindi ko pinipilit, paano pa naman na isang Lucas Hills ang makakasalubong mo ay laglag panty na?
Tumayo na ako at nagsuot ng boxer and I take a shower. Medyo gumaan naman pakiramdam ko at nagsuot ng plain v neck white-shirt and jeans. I took my key and run faster pababa nitong hotel. Alam kong naiinip na sila ro'n, I don't know kung bakit naging kaibigan ko yung mga iyon kahit na baliw ang utak. Pinaandar ko na ang kotse ko at nagpatugtog ng music.
*****
Hannah's point of view
Napalaglag panga na lamang ako sa damit na susuotin ko.
"M-Melissa iyan talaga ang susuotin ko?" Kinakabahan kong tanong ko sa kaniya, kasi napakahapit nito at kita ang mga hita ko.
"Ganito talaga ang mga suot ng waitress dito Hannah, pero don't worry di ako makakapayag na bastusin ka dito, aba magigilitan ko sila ng leeg kapag nagkataon.” Napangiti na lang ako sa sinabi ni Melissa habang pinapatunog ang mga daliri.
"Salamat."
"Ako ang dapat magpasalamat kasi pumayag ka agad sa offer ko kahit mahirap kasi bar ito, pero gusto rin kita matulungan Hannah." Masaya nitong sagot kaya napangiti ako at tumango.
Kahit kailan masarap talaga kapag may kaibigan kang sobrang bait
Naglakad na ako papasok ng dress room at napatingin ako sa salamin ng maisuot ko na ang uniporme, pero di talaga ako komportable kapag ganito ang suot. Napaisip na lang ako na kapag naka-ipon na ako siguro aalis na rin ako sa trabahong ito. Lumabas na ako ng dressing room at halos wala na iyong mga tauhan ni Melissa, siguradong nagsimula na sa mga trabaho nila. Nakita ko naman si Melissa na nakatalikod.
"Melissa." Tawag ko sa kaniya dahilan para mapatingin naman siya sa akin at kita ko ang paglaki ng mata niya na animo'y nakakita ng multo.
"Hannah? omygash!" napatakip pa ito sa bibig niya kaya napakamot na lang ako sa batok. "hindi ko ma-imagine na ganiyan ka pala ka sexy, ang daya mo! Hindi ka ba kumakain kaya naging ganiyan katawan mo?" Busangot niyang tanong at natawa ako ng bahagya sa sinabi niya
"baliw."
"And daya mo talaga. Mabuti na lang at tanggap ko na pangalawa lang ako sa pinakamaganda sa ating dalawa, Oh sha! magsimula ka na para makatulong ka na rin sa mga tauhan ko, don't worry nakaupo lang ako doon sa VIP kasama sina kuya okay? kapag may problema susugod agad ako."
"salamat nga pala dito sa trabahong binigay mo." pasasalamat ko sa kaniya ng hawakan nito ang dalawang kamay ko at pinagkulong.
"ano ka ba Hannah ang magbestfriend nagtutulungan okay? omygash! baka maraming mahumaling sayo dito at baka matagpuan mo na si prince charming mo dito." kinikilig niyang sabi.
"baliw." Natawa naman siya at nagpaalam na sa akin kaya lumabas na ako at kinausap ng mga isa sa mga tauhan ni Melissa. Tinuro sa akin kung paano ang mga gagawin ko. Medyo madali naman pala.
Nagsimula na akong maghawak ng handle at nilagay ro'n ang wine at kung minsan naman ay alak. Malakas na tugtugan at mausok na paligid dala ng sigarilyo ang nasalubong ko pero kaya ko naman siguro ito -- tama Hannah fighting!
Nagsimula na akong maglakad at karamihan ng mga tao ay napapatingin sa gawi ko pero di ko na lang pinansin dahil ang pinunta ko rito ay trabaho. Marami na rin ang mga tao ang kumukuha sa akin. Iyong iba tinatanong pangalan ko, ako naman itong si sagot, ano ba naman magagawa ko? Napatingin ako kay Melissa ng kumaway ito sa itaas at nagsignal na dalhan ko ng alak sila sa itaas. Kaya tumango ako at pumunta sa bartender, mukhang kabisado na rin naman niya ang klase ng alak na paborito ni Melissa kaya kinuha ko na ito at nilagay sa handle sabay lakad papuntang second floor ng biglang may humarang sa dinaraanan ko.
"Hi miss." Napatingin ako sa isang bulto na nakatayo ngayon sa harap ko at nakangiti ito ng malapad, at para sa akin? hindi ko gusto iyon.
Alam mo iyong sa tingin pa lang ng isang tao di mo na gusto kung ano ang kahihinatnan? ngayon? medyo naiilang na talaga ako. Ganito ba sa bar?