Hannah’s point of view Aish! hindi kaya ng konsensya ko kapag may nangyari sa kanya. Kinuha ko agad ang braso niya at kumuha ng panyo sa bag ko. "di ko alam kung anong nangyayari pero sana di na mauulit ito." Sambit ko rito habang nililinisan ang sugat. "malapit ang bahay ko dito kaya sumama ka sa akin." Napatingin ako sa kaniyang mata na tila ba ngayon ko lamang nakita. Kulay abo dahil sa liwanag na tumama galing sa kotse pero ang ganda nito. Para tuloy siyang naka lense. "k-kung ayos lang sayo pero, kung ayaw mo huwag n-" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito. "yes." Napatayo na ito at hawak-hawak ang braso pero ako nakatanga lang sa kanya. "are you done staring at me?" Ngising tanong niya at namilog ang mata ko. "h-hah? Wow ang kapal ah." Nagsimula na akong maglakad sa tabi