Hannah’s point of view "Ano?" Napatakip agad ako sa tenga dahil sa sigaw ni Melissa. "Melissa hinaan mo nga ang boses mo." Bulalas ko sa kaniya dahil maraming mga estudyante tuloy ang napatingin sa pwesto namin dalawa. "Edi ano naman ang sinagot mo sa kanya?" Gulat na tanong niya. Umakyat na naman ang dugo ko sa mukha dahil sa kakapalan ng mukha niya. "Ayon tumanggi ako, hindi ako bayarang babae." Sagot ko sa kanya at tumango-tango pa siya na parang sumasang-ayon hanggang sakto naman ang pagdating ng prof namin at wala ang apat. Bakit ko ba sila iniisip. Napailing na lang ako dahil sa ayaw kong problemahin 'yung mga 'yon. "Okay class magkakaroon kayo ng group project for this first semester. I hope na magkaisa ang bawat grupo. Sa isang grupo may anim na tao at ipopost ko na lang sa bu