NANG makapasok sa kanyang condo unit si Xyrus, maingat niyang ibinaba sa kama si Ira. Sinipat niyang mabuti ang mukha ng dalaga. Namamaga ang buong mukha nito. May putok sa gilid ng labi nito. May namuong dugo rin sa gilid ng ilong nito. Napailing-iling si Xyrus. Nang hawaka niya ang kamay nito, napansin niyang may mga kagat na rin ito ng lamok. Mabuti na lang at mahaba ang suot nitong pajama kaya kahit paano may proteksyon ang paa nito. Pero madumi na ang damit nito pati na rin ang paa at kamay nito. Inilabas niya ang bote ng spirit of ammonia mula sa supot. Pinatakan niya ang isang cotton balls saka ito inilapit sa ilong ni Ira. Susubukan niyang gisingin ang dalaga sa pamamagitan ng gamot na ginagamit sa mga hinimatay. Mahihirapan kasi siyang linisin ang katawan at bihisan si Ira