NANGINGINIG ang katawan ni Ira nang makaahon sa swimming pool. Basang-basa ang buo niyang katawan at tumutulo pa ang tubig. Pati tsinelas niya basang-basa dahil kasama niya itong nag-swimming. Niyakap niya ang sarili habang dahan-dahan naglakad palayo sa pool. Hindi lang ang katawan niya ang gininaw. Pati puso niya nilalamig na rin. Ang buong akala niya, okay na sila ni Xyrus. Pero niloloko lang pala siya nito. Nagpaloko na naman siya. Doble kara pala ang lalaking iyon. Hindi na niya napigilan na tumulo ang kanyang luha. Hinayaan na lang niya ito tutal basa na rin naman siya. Nakailang hakbang na siya palayo sa pool nang may maramdaman siyang bagay na dumikit sa likod niya. Eksaktong paglingon niya napansin niya si Xyrus sa tabi niya na inaayos ang bathrobe na ipinatong sa kanyang liko