Chapter 40 - Unexpected Revelation

1614 Words

“DITO ka lang. Huwag kang lalabas. May pagkain diyan sa ref. Mamayang gabi na ako babalik,” bilin ni Xyrus kay Ira. Nakabihis na siya at handa nang pumasok samantalang si Ira ay nasa higaan pa. Kagigising lang nito. Hindi niya ito ginising kaninang bumangon siya dahil alam niyang kailangan nitong magpahinga. Iyon din ang dahilan kung bakit wala siyang ginawa rito kahit buong gabi silang magkatabi sa higaan. Nakontento na lang siya na yakapin ito. Pero sa totoo lang, gustong magprotesta ng buong katawan niya kaya nahirapan siyang makatulog. Maaga tuloy siyang nagising. Ngayong paalis na siya saka pa lang nagising si Ira na nagulat pa nang makita siyang nakabihis na. “Iiwan mo ako rito? Lalabas na lang ako kung gano’n.” Bumangon si Ira at bumaba ng kama. Mabilis namang humarang si Xyrus

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD