-ASH-
Mag-iisang oras na siguro akong nakatulala rito sa kawalan habang hinihintay ko si Marko na matapos sa paliligo. Wala ni-isang segundong naalala ko na kumurap ako. Napakaraming tumatakbo sa isip ko.
Ano na, Ash? Papasok ka ba o hindi? Huwag na lang kaya. Umatras ka na at maghanap na ng panibagong trabaho. Maghanap ka na lang ng panibagong kumpanya, o kung talagang said na said na, magcall center ka na lang din kagaya ni Marko.
'Yung matanda ang boss. 'Yung hindi awkward. 'Yung balbas sarado at mahigpit at parang mahirap lapitan. Kesa naman sa gwapo nga, matipuno, matangkad at mukhang maamo ang mukha, bastos naman.
Napapikit ako.
Naalala ko na naman nung isang araw.
"Whenever you feel like you wanna complain to the authority, I am the authority."
Putang ina men. Pakiramdam ko wala akong takas. Naisip ko kaagad kung ano kayang kaya kong gawin?
At ang isa pang gumugulo sa utak ko, just...just why the hell is he like that?
Hindi ko alam. Kung susubukan ko, hindi ko alam kung anong papasukin ko. Alam ko na naman na kung tutuusin, napakagandang oportunidad nong mararanasan kong maging secretary ng CEO ng isa sa pinakamalaking kumpanya dito sa Pilipinas. At isa pa, isa ito sa mga kumpanyang pinaka-hinahangaan ko. Eto na at may pagkakataon na ako. Ngayon pa ba ako aatras?
And If I don't, magiging masaya nga kaya ang karanasan ko kung ganon naman ang mangyayari sa akin?
Rule breaker.
Naalala ko rin nung isang araw. Hindi nyo lang alam kung gaano kabilis ang t***k ng puso ko noon. Para akong aatakihin. Bukod sa first time kong ma-tense ng ganoon ay samu't sari na ring senaryo ang mga pumapasok sa utak ko kung sakaling itutuloy ko ito.
He said he's a rule breaker.
Does he mean, that kind of a rule breaker?
Paano ako? Magpapadala na lang sa kanya, ganoon ba? Iisipin na parang walang nangyari? Hahayaan kong masira ang dignidad ko para lang makapagtrabaho at makasuweldo ng doble mula sa kanya?
Nataon pang kailangang kailangan ko ng pera ngayon. Considering pa na lahat na ata ng kumpanya na-applyan ko na. And then, this?
"I will double your rate."
Maya-maya ay napabalik ako sa huwisyo nang mapansin kong pumasok si tita Yen na may dalang isang supot ng pandesal.
"Oh, Ash. Hindi ba't unang araw mo ngayon? Hindi ka pa aalis? Anong oras na oh," sabi niya.
Napatingin naman ako sa orasan. It's already 6:51 am. Dapat 8am naroon na ako sa kumpanya.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"H-hinihintay ko lang po si Marko saglit." Sabi ko.
"Talaga nga naman 'tong batang 'to oh," sabi ni tita at dumiretso siya sa pintuan ng banyo.
"Hoy, bilis-bilisan mo na riyan, hinihintay ka na ni Ash! Napakabagal mo talagang kumilos kahit kailan," he shouted in front of the bathroom door.
I just smiled.
"Ok lang tita. May oras pa naman." Sabi ko na lang. Napansin ko namang may mga nakaipit na papel sa kili-kili niya.
"Ano po 'yang mga 'yan?" Tanong ko sa kanya at nginuso ko 'yung mga papel.
"Ahh, ito.." sabi niya at inilapag niya sa lamesa 'yung mga papel. "Mga bill 'yan, nagkataong sabay-sabay dumating. May kataasan ang kuryente natin dahil sa dalawang ref pero kaya pa naman." Sabi ni tita.
Tiningnan ko naman 'yung mga bill at tama siya, ang tataas nga. Nasa kinse-mil ang kuryente at ang tubig naman ay nasa dalawang libo. May mga papeles din si tita sa mga card na inuutangan at hinuhulugan niya. Mayroon din siyang bankbook at napansin kong kaka-loan lang niya ng sampung libo mula sa savings niya.
Napatingin ako kay tita. Para siyang si nanay. Napakasipag niya. Patuloy pa rin siya sa panininda kahit na may trabaho si tito pati si Marko.
Dalawa pa lang ang anak niya, pero parang ang dami na niyang pasanin. Tapos nandito pa ako. Ang dami niyang naitulong sa akin. Nasa-sampung libo ang nagastos ko para lang magkaroon ng trabaho. At ngayong unang araw ko na mismo ay dito pa ako nagdadalawang isip kung itutuloy ko ba ito o hindi.
Muli akong napatingin sa mga bill na nasa ibabaw ng lamesa.
Rule breaker.
Shall I...shall I just break rules as well?
"Tara na, insan!" Biglang sabi ni Marko at nakita kong nakabihis na siya kaagad.
Nakabrush-up ang kanyang buhok na naka-clean cut, at nakasuot din siya ng white long sleeves. May suot na ID. Nakahanda na kaagad siya samantalang ako nakatulala pa rin hanggang ngayon.
Time check, 7:24.
Nakabihis na rin naman ako. Sinadya ko talagang maunang maligo para makapag-isip pa habang naliligo si Marko.
I sigh.
"Hanggang ngayon ba iniisip mo pa ring naging secretary ka instead of being in the dev field?" Sabi niya. 'Yung may halong pang-aasar.
Hindi ako sumagot. Nakatulala lang ako hanggang sa mapagtagpi-tagpi ko ang mga namumuong ideya sa utak ko.
Hanggang sa sumigaw na nga ang unconscious mind ko.
Ash, you're really good at making yourself fool, aren't you? Nililito at pinapaikot-ikot mo pa ang sarili mo eh gusto mo rin namang echosera ka. Ang gwapo gwapo ng magiging boss mo aatras ka pa. At isa pa, doble sahod mo, bes! Doble! Hindi ka basta-basta makakahanap ng boss na mag-ooffer ng ganoon. Hayaan mong panindigan niyang isa siyang rule breaker.
Don't be a coward, Ash. Instead, embrace him.
Malay mo, mabago mo pa siya.
Huminga na lang ako ng malalim at inayos ko na ang sarili ko. Maging ang gamit ko ay inayos ko na rin.
"Tara na. Late na tayo," Sabi ko na lang kay Marko at nagpaalam na rin ako kay tita.
Simpleng pormal lang din ang suot ko ngayon. Nag-search lang ako ng usual proper attire ng mga secretary and I ended up wearing a long sleeves and black slacks. Bahala na.
Sabay na kaming lumabas ni Marko ng bahay at dumiretso na kami sa may labasan upang maghintay ng jeep na dadaan papuntang sakayan ng bus.
"Marko," tawag ko sa kanya.
"Yep?"
"Madali lang ba? Call center." I asked him.
Bahagya siyang umiling. "Mahirap. Akala siguro ng karamihan basta-basta lang kami nagsasalita at kumakausap ng mga kliyente. No. We had to deal with their attitude as well. That makes our job hard bukod pa sa nakakadrain na shifting." Sabi niya, at tumingin siya sa akin.
"Kailangan flexible ang emotion mo. Dapat professional ka on or off the line." Sabi pa niya.
I nodded. "Ok."
"Why do you ask? Sabihin mo lang kung may balak ka, ire-recruit kita."
Umiling ako. "Wala naman, natanong ko lang." Sabi ko na lang.
He just nodded. "Good. Magandang kurso ang natapos mo. Strive for a job that's worth it for you." Sabi nya.
Napatango-tango na lang ako.
Job that's worth it for me.
Tinamaan naman ako. Ito ako't sasabak sa isang trabahong wala akong karanasan.
"Kagaya ng pagiging secretary." Dagdag pa ni Marko.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nang-aasar eh.
Hindi ko na siya masyadong inisip hanggang sa makasakay na nga kami ng jeep at pumunta na sa sakayan ng bus papuntang BGC.
~*~
Nandito na ako ngayon mismo sa entrance ng company building, waiting for our boss to arrive. I am a little bit nervous but excited at the same time. Excited sa magiging trabaho ko, wala nang iba. At nerbiyos dahil -- sa larangang ito -- isa akong baguhan.
Actually mga 20 minutes na akong nakatayo rito. Yep, late na akong nakarating dito, pero eto ako't naghihintay pa rin sa boss.
"Ngalay ka na?" Biglang tanong ng isang lalaki na wari ko ay empleyado rin dito.
Tiningnan ko siya at ngumiti ako ng bahagya.
"Oo. Hehe," I said, then I laughed awkwardly.
"Masanay ka na. Palaging late pumapasok ang boss." Sabi naman niya.
Pinagmasdan ko ang ID niya, at napansin kong nasa field siya kung saan gustung-gusto kong makapasok.
"Sana all, dev field." I said absentmindedly.
He just smiled. "Well, yeah. I kinda agree with you." Sabi nya.
Matagal ko na kasing pangarap ang maging isang ganap na programmer or game developer. I want to create my own game, pitch my own concept and design my own interface.
Don't worry, Ash. Naalala mo 'yung sinabi ng boss sa'yo? If you got to perform well with him, ililipat ka niya sa trabahong gusto mo.
Tama, Ash. Magtiwala ka sa kanya.
"And also, kapag pala sinabi sa'yo ni boss na pumasok ka ng 8am, huwag mo siyang susundin. I mean you can go by 8:30-9AM whenever he tells you to wait for him in this entrance." sabi niya.
"Uhm, bakit?" Curious kong tanong.
Saglit naman siyang napatingin sa akin, then he smiled meaningfully. "Well, hindi naman sa pag-aano but just for your information. Mr. Xavier had lots of secretaries and believe me or not, none of them took their job seriously. Why? 'Cause Xavier doesn't took them seriously as well. Ewan ko ba doon sa boss na 'yon, ang hilig sa laro. He was even labeled by some employees here as the rule breaker boss. But again, maniwala ka sa akin o sa hindi, him being a rule breaker doesn't make him that bad as a whole, he was even being admired by majority of board members because of how he handle his current position."
Ang dami niyang sinabi at ang lahat ng iyon ay naintindihan ko naman at pumasok sa isip ko.
Pero hindi niya nasagot ang tanong ko.
"He always come late dahil palagi siyang natutulog at gumigising na may katabing babae sa kama. They are, perhaps, having s*x before sleeping or even after waking up in the morning. That's why, I think." Sabi pa niya.
Dito ako natigilan.
Grabe naman. Parang ang normal normal lang sa kanila na ganoon ang boss nila which is, for me, already a huge deal.
"Anyway it's nice to meet you. Sana tumagal ka sa boss. Huwag kang mag-alala. Despite sa lahat ng nasabi ko sa'yong tungkol sa kanya, he's still a good boss. Sabihin na nating naikama na nga niya ang lahat ng naging secretary niya (because they demanded for it) but that won't change the fact that he's still an ideal boss of such a huge company as Skyloft. At isa pa, kaya marahil nag-hire siya ng lalaking secretary kagaya mo, not the usual female secretary is because he doesn't want a change. It's because, he himself wants to change. At malakas ang kutob kong ikaw na nga ang magpapabago sa kanya." Sabi nya.
Napatingin naman ako sa kanya.
Ako talaga?
Unang araw ko pa lang dito, for goodness' sake. But infairness, wala pa naman masyadong nagpapainspire sa akin dito na magback out na ng tuluyan. Perhaps, nagkakaroon na rin ako ng interes na talagang ituloy na ito. Bukod kasi na nandito na ako sa kinatatayuan ko ngayon, ay aminado akong curious din ako sa magiging journey ko rito.
"Gerrone nga pala. You?" He asked.
Ngumiti ako, "Ako si--"
Napatigil ako sa pagsasalita dahil nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Nakita ko ang isang magarang kotse -- sa harapan mismo namin, nitong entrance ng kumpanya. And then, from that luxurious car, came the boss out.
At dahil hindi ko pa alam ang tamang pag-approach sa kanya ay napatungo na lamang ako at bumati.
"Good morning, boss."
Hindi ko namalayang kasabay ko si Gerrone sa pagsalita.
After a few seconds, I gazed back at the boss. He was intently looking at me, and then suddenly, he smiled.
"I'm glad you actually came." Sabi niya.
Napatingin naman siya kay Gerrone at sinenyasan nya ito. I also looked at Gerrone, at nagpaalam na siya sa akin.
Ni-hindi ko na nasabi ang pangalan ko sa kanya. I just smiled instead.
Maya-maya ay naglakad na rin si boss at iniabot niya sa akin ang dala-dala niyang Amerikana. Walang pagdadalawang-isip ko naman iyong kinuha.
Kagaya ng pagkakakita ko sa kanya kahapon ay nakasuot pa rin siya ng eyeglass, which makes him look very intelligent. Bagay na bagay sa kanya.
"Your boyfriend? Colleague?" Biglang sabi niya habang naglalakad kami papasok ng elevator.
"P-po? Hindi po, kanina ko lang din po siya nakilala. Wala po akong boyfriend." Sabi ko.
Teka, bakit parang may something sa tono ng pananalita ko? Parang gusto kong ipamukha sa kanya na single ako at available na available. Char.
"Good. Sa akin ka lang magf-focus." Ma-awtoridad niyang sabi.
Wala na akong nagawa kundi respetuhin na lamang ang sinabi niya kahit medyo tunog possessive. He's my boss afterall.
Hanggang sa tuluyan na kaming makapasok ng elevator.
"I actually have an appointment today. Since Natasha's no longer here to train you, kinuha ko na sa kanya ang lahat ng materials and planners. Nasa isang planner doon ang mga schedule ko by this month. I'll give them those to you later. Then after that, we will go to the head of PRY for a meeting. You're going to debut, so be ready." Sabi niya.
"Noted sir." I responded.
"Correction, boss." Sabi pa nya.
"B-boss." Sabi ko.
Pagkarating namin sa 17th floor ay dumiretso na muna kami sa cubicle ng dati niyang secretary na si Natasha. Naroon ang lahat ng mga papeles na kakailanganin ko. Napakarami nito. Hindi pa kasama 'yung mga documents na naka-clear folder. Shems.
Napansin kong may kinuha si boss na isang medyo makapal na planner at ibinigay niya iyon sa akin.
"Here. You have to finish reading that in a week." Sabi niya.
Tumango na lamang ako.
Pumuwesto na ako sa mismong cubicle at pinagmasdan ko muna ang paligid. Sa tapat ng cubicle ko ay ang pintuan ng mismong opisina ni boss. Tanging glass blinds lamang ang humaharang sa glass wall ngunit hindi naman kita ang loob kapag nakababa ang blinds.
I heaved a calming sigh at saktong paupo na ako nang muling magsalita si boss Xavier.
"Not yet, Ash. Come to my office first." Sabi niya.
At, sa hindi ko na naman malamang kadahilanan, ay bigla akong kinabahan.
Ito na naman, nararamdaman ko na naman 'yung naramdaman ko nung isang araw.
Wala na akong nagawa at napahinga na lang ng malalim. At saka ko sinundan si boss papasok sa kanyang opisina. Nauna siyang pumasok. Nahuli ako.
Pagkapasok ko ay nagdalawang isip pa ako kung isasara ko ba ang pinto o hindi. At dahil ang pangit nga naman kung iiwan ko itong bukas, isinara ko na lamang ito.
And the moment na maisara ko ang pinto ay nagulat na lamang ako nang biglang humarap sa akin si boss and he pinned my wrist on my sides.
He pressed something on my left and saw the glass blinds turned off. Mula sa pagiging transparent wall ay tuluyan na itong naging isang pader at wawariin mo talagang nasa loob ka ng isang pribadong kwarto.
Slowly and gently, my boss leaned closer and closer to me. Until I could already feel his warm breath.
"You smell good." Sabi niya. He then looked directly into my eyes. Para akong patuloy na nahuhulog sa lalim ng mga mata niya.
And then suddenly, he put his index finger on my lips. Then he whispered.
"Breaking rules 101, panel 1, item 3: kiss the newly hired secretary." Sabi niya.
At nagulat na lamang ako sa sumunod na nangyari -- he pressed his lips against mine.
My knees started trembling. Pakiramdam ko, anytime, mapapasalampak na lang ako sa sahig dahil sa biglaang panghihinang naramdaman ko.
Sabi ko sa sarili ko, hindi ako magpapakaduwag. Kaya pinanindigan ko ang pagpasok sa kumpanyang ito kahit na ilang araw akong ginulo ng utak ko.
"It's because, he himself wants to change. At malakas ang kutob kong ikaw na nga ang magpapabago sa kanya."
Considering the situation where I am right now, I honestly think that guy's presentiment is way, way farther than impossible.
---