"HE'S on his way," usal ko at inalis na ang atensiyon sa phone. Ibinaling ko ang tingin kay Trisha na nakaupo sa kaharap kong sofa. Nang marinig ang sinabi ko, sumilay agad sa labi niya ang isang malapad na ngiti. Sunod-sunod pa siyang tumango. "Then, I better go now. Hindi ko puwedeng paghintayin si Aaron," aniya habang bakas ang excitement sa kanyang boses. Napatitig ako kay Trisha at napilitang ngumiti. Tulad ng pinapagawa niya sa akin ay nagpadala ako ng mensahe kay Aaron at sinabing magkita kami para sabay na mag-lunch, pero sa totoo lang ay si Trisha talaga ang makikipagkita sa kanya. Papalabasin lang niyang aksidente lang ang nangyari. Sa totoo lang ay labag sa loob ko ang ginawa kong ito. Pero anong magagawa ko? I have no choice. Hindi ko puwedeng tanggihan ang pinapagawa sa a