"AKIRA, anong ginagawa mo riyan?" Iyon ang bungad na tanong sa akin ni Tito David nang makita akong nakaupo sa pathwalk sa gilid ng bahay. Mabilis akong tumayo upang harapin siya nang maayos. Bahagya pang nanlambot ang tuhod ko dahil sa tagal nitong nakabaluktot. "Nagpapahangin lang po," dahilan ko. Nagkasalubong ang kilay niya, mukhang naguguluhan sa sinabi ko. "Then, let's go inside. Gabi na at malamok dito," aniya nang nakakunot pa rin ang noo. Napililitan akong ngumiti at tumango. Nilagpasan na ako ni Tito David at tinungo ang harapan ng gate. Ilang beses niyang pinindot ang doorbell dahilan para tumunog ito. Habang nasa likod ni Tito David ay nag-angat ako ng tingin sa kalangitan. Gaya nga ng sinabi niya ay gabi na. At mula kaninang tanghali nang hindi ako papasukin ni Trisha s