RAMDAM ko ang panghihina ko nang bumangon ako mula sa kama. Nasapo ko pa ang ulo nang makaramdam ng hilo. Nang tuluyang mawala ay roon pa lang ako naglakad patungong banyo. Nang makarating sa harapan ng sink ay pinakatitigan ko ang sariling repleksiyon sa salamin. Kumunot ang noo ko nang makitang tila may iba sa akin ngayong araw. Bahagya akong namumutla. Kinapa ko ang sarili at natantong tama ang hula ko. May lagnat ako! Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko bago kinuha ang toothbrush. Nang matapos ay dumeretso ako sa ilalim ng shower, pero nang maramdamang sobrang lamig ng tubig at tila hindi ko kakayanin ay napagpasyahan kong punasan na lang ang sarili at magpalit ng damit. Masama pa rin ang pakiramdam ko nang bumaba na ako sa unang palapag ng bahay. Sakto namang naabutan ko