"HOW... how did you know?" nauutal at nagdadalawang-isip kong tanong kay Curse na abala sa pagmamaneho. Pero nang marinig niya ang naging tanong ko ay saglit siyang nagsulyap ng tingin sa akin at ibinalik agad ito sa daan. "Nakalimutan mong patayin ang tawag," aniya. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagtango siya. "So, yeah... I heard everything." Nawalan ako ng imik. Bumaba ang tingin ko sa mga hita ko at dito nanatili ang mga mata dala na rin ng sobrang hiya kay Curse. Matapos kong mag-iiyak sa bisig niya, nang tumahan ay iginiya niya ako papasok ng kotse niya. Ngayon, bumibyahe na kami patungo kung saan. At ako, tila walang paki kung saan man ang destinasyon namin. Hinahayaan ko lang ang sariling magpatangay sa kanya kung saan man siya magpunta. Sa totoo lang, hiyang-hi