RAPIDO? YES,, PLEASE,,,!
WRITTEN BY; MHAYIE
CHAPTER 12
********MR.AND MRS PEREZ********
Suot ang simpleng white dress hinawi ni Prim ang kurtina na nakatakip sa kanya bumungad sa kanya ang napakagwapong si Atty.Sirius sa suot nito white tuxedo lalo ito bumagay sa binata talaga naman makikita ang kagwapuhan nito at kahit sino matutulala kay Atty.
Katulad ni Prim hindi magawa kumurap ni Atty.Sirius sa bumungad sa kanya ang napakagandang si Prim simple lamang ang suot nitong puting dress na talagang ikinalitaw ng ganda ni Prim.
“Oh ano Sirius natameme ka?” Bulalas ni Ivory. Napaiwas naman ng tingin si Prim.
“Thank you Ivory!” Pasasalamat ni Atty.sa kaibigan.
“Your welcome Perez! Pero kahit kasal mo hindi libre ang serbisyo ko!walang kaibigan kaibigan sa negosyo.” Sabi nito.
“I know Ivory isesend nalang sayo ng secretary ko ang bayad.!”
“Ok fine oh siya umalis na kayo at baka magbago pa isip ng pakakasalan mo Atty.!” Biro pa nito na kina ngiti ko ng alanganin.
“Let's go ?” Sabay lahad ng kamay ni Atty.na taos puso naman tinanggap ni Prim.
Agad naman dumating sila sa lugar na gaganapin ang pag iisang dibdib nilang dalawa.
Napahanga si Prim sa lugar unang bumungad sa kaniya ang mga namumukadkad na bulaklak ,maiihantulad ito sa mga palasyo ng prinsesa na ang harapan ay magagandang bulaklak at kasunod nito ang magndang bahay na inihantulad sa palasyo,napapaisip si Prim kung Atty.ba talaga ang Ninong ni Atty.Sirius o isang Prinsepe na nagpagawa ng sariling kaharian.
“Mahilig kasi sa Disney princess ang asawa ni Ninong kaya nung niyaya niya ang asawa na magpakasal nangako na ipagagawa ng isang Castle kaya ayan ang resulta”. Paliwanag ni Atty.Sirius sa kanya marahil nabasa nito ang iniisip niya.
“Kaya pala hawig sa Disney Castle!” Napatango-tango si Prim habang sinusuri ang buong mansyon ng Ninong ni Atty.
“Ikaw ba ano ba pangarap mong bahay?” Biglang naitanong ni Atty.walang pagdadalawang isip naman sinagot ito ni Prim.
“Simple lang basta kumpleto ang pamilya ok na ako dun ayoko ng masyado malaking bahay ,gusto ko yung sapat lang sa magiging pamilya ko, pagmalaki kasi ang bahay feeling ko parang ang hirap niyo magtagpo magpapamilya at parang di tulad ng sakto lang o maliit siksikan kayo atlest sama sama at may oras sa bawat isa!” napatitig si Atty.kay Prim habang sinasabi ito ng dalaga.
“Eh ikaw ba Atty.ano ba gusto mong bahay ng magiging asawa’t anak mo?” Sabay tingin kay Atty.kaya nagtama ang mga mata nila.
“Kung ano Gusto ng mahal ko doon ako kung gusto niya simple at katamtamang bahay ok lang sakin basta kasama ko siya masaya na ako doon!” Madamdaming sagot din ni Atty.
Nakaramdam ng kakaibang pakiramdam si Prim sa sinabi ni Atty.pakiramdam niya siya itong sinsabihan ni Atty.
“Oh Prim ? Baka naman mag assume ka na ikaw yung sinasabihan huy magising ka sa katotohanan na wala lang itong kasal!”kastigo ni Prim sa kanyang isipan.
“Nariyan na pala kayo ano pa hinihintay niyo ? Naghihintay na ang Ninong mo sa loob!” Biglang litaw ng isang napakagandang Ginang na aakalain mo isa sa Disney princess.
“Hi Ninang si Prim nga po pala!” Magalang na bati ni Atty.at yumakap pa sa Ginang.
“Hi po!” Bati naman ni Prim sa Ginang.
“Napaganda mo ngang bata hindi nagkamali ng kwento ang inaanak ko—!?”
“Tara na po Ninang baka mainip na si Ninong!” Putol ni Atty.sa Ginang na kinataka ng dalaga .
“Ikaw talaga Sirius oh siya halika na kayo sa loob hija!”.at naunan nang pumasok ang Ginang .
“Sigurado kana ba Prim?” At nilahad ni Atty.Sirius ang kamay sa dalaga.
Hindi naman nagdalawang isip si Prim na tanggapin ang kamay ni Atty.,sabay na sila sumunod sa Ginang.
Akala ni Prim may Seremonya pang magaganap pero wala, kinausap lang silang Dalawa ni Atty.Avel na Ninong na nila ngayon sa kasal bilang testigo ang Asawa nito sa pag iisang Dibdib nila.
Akala niya Seryoso ang mag asawa pero ng matapos ang Pirmahan nila ni Atty.Sirius bigla nagbiro ang Ninong nito.
“Prim Anak sabihin mo lang kung magpafile kana agad ng Annulment gagawin kona agad!” Biro nito na kinahampas ng Asawa nitong si Mrs.Marivic .
“Ikaw talaga Hon binibiro mo ang mga bata baka mamaya magbikti yan si Atty.ikaw rin mababawasan ang gwapo mong inaanak!” Biro pa ng Ginang.
“Oh siya mga anak Humayo na kayo at magpakarami !” Kantyaw ni Atty.Avel ,ng nakatanggap ng batok naman sa Asawa.
‘Yan pag usapang kabulastugan maasahan ka!”
“Hon ang sakit nun !”reklamo nito sa asawa .
“Talagang masasaktan ka pag di ka magseseryoso!” Parang mga bata na nag aaway lang ang mag asawa na labis na kinatuwang pagmasdan ni Prim.
“Pasensya na kung ganito nasasaksihan mo ,iba talaga tama ng Ninong ko pag si Ninang ang kaharap nagiging bata!” Bulong ni Atty.Sirius sa kanya na kinangiti niya lang.
“Ok lang Cute nga nila!” Masayang sabi niya na kinatango lang ni Atty.
************
Pagkatapos ng kasal ay nagsalo salo sila dahil nagpahanda pa nga ng pagkain ang mag asawa sa kanila pero hindi rin sila nagtagal dahil may kanya kanya pa sila dapat gawin at tapusin.
Nakaupo si Prim sa may Sofa at pinagmamasdan ang suot na Singsing niya na wedding ring nila ni Atty.Sirius ,hanggang ngayon di parin siya makapaniwala na kasal na sila ni Atty.at isa na siyang Ganap na Mrs.Perez.
“Maari kana pumasok sa Silid upang magpahinga dahil alam kong napagod ka!” Naagaw ang atensyon ni Prim ng magsalita si Atty.bakas dito na kagagaling lang sa banyo dahil basa ang buhok nito.
Pumasok si Prim sa kwarto at nagtungo sa banyo upang maligo ,ilang saglit pa ay lumabas narin si Prim at magbihis pero ng maalala na hindi pa nga pala niya nakukuha ang mga gamit niya kaya naman walang pagdadalawang isip na pinakelaman niya ang damitan ni Atty.
Nagulat pa siya na may mga pangbabae na damit sa damitan ni Atty.at makikita mo na bago ang lahat ng ito ,pero ni isa ay wala siya nagustuhan sa pinabinili ni Atty.medyo naasiwa panga siya dahil parang pang manang sa haba ng mga tela ng damit na pinabili nito,kaya naman mas naisipan niya suotin ang tshirt at boxer ni Atty.bukas nalang niya sasabihin na lalabhan nalamang niya itong mga sinuot niya at bukas na bukas rin ay kunin niya ang mga gamit niya sa kanilang bahay.