RAPIDO? YES,, PLEASE,,,!
WRITTEN BY; MHAYIE
CHAPTER 13
Maganda ang gising ni Prim,kaya nagtungo na siya sa banyo para maghilamos at nagtoothbrush,kahit na sa condo siya ni Atty.nakatira ngayon hindi siya pwede umasta na para bang bisita kaya kahit wala siyang alam sa gawaing kusina ay susubukan niya marunong naman siya magprito at tanging yun lang ang keri niya sa ngayon pero susunod na araw ay manonood siya sa youtube para naman mag aral ng ibat ibang lutong bahay.
Akala ni Prim na maaga siya nagising pero nadatnan niya ang abalang si Atty.at nakahayiin narin ang iba pang niluto nito,mas lalo tuloy siya nahiya sa binata lalo pa't nakikita niya na wala na siya maitutulong pa dahil halos lahat ay ayos na pati rin ang ibang mga pinaglutuan nito ay hugas narin.
Pipihit sana siya patalikod para bumalik sa kusina dahil talagang kinakain siya ng kahihiyan ,ano nalang iisipin ni Atty. Na pinakasalan nito ay walang silbi sa gawaing bahay lalo pa pagdating sa kusina.
“Prim gising kana pala,tamang tama ang paglabas mo!” Puna sa kanya ni Atty. Kaya naman natigilan siya sa paghakbang,at napaharap kay Atty.
“G-ood morning Atty.!” Nauutal na bati ni Prim pero natigilan siya ng makita ang reaksyon ng mukha ni Atty.binundol tuloy siya ng kaba dahil batid niya nagalit ito sa pagsuot niya ng damit nito na walang paalam,at nauunawaan naman niya dahil kahit siya baka mainis din kapag ginalaw ang gamit niya ng walang paalam.
Napapalunok ng laway si Prim na seryoso ang mga tingin ni Atty.at pinasadahan pa siya ng tingin nito at lalong hindi siya makagalaw sa kinatatayuan ng dahan dahan ito lumapit sa kanya .
Napapikit nalang si Prim ng maramdaman niya malapit na si Atty.at naghihintay sa gagawin nito pero natigilan siya ng bigla itong bumulong sa tenga niya at bakas sa mga salita ng binata na parang nahihirapan ito.
“Y-ou look so hot Sweetheart! Alam mo bang bagay sayo ang damit ko at hindi ko inaasahan na makita ang isang gaya mo sa umaga at masilayan ang natural mo na ganda sa araw araw!”may lambing sa tinig ni Atty.
Bahagya napadilat si Prim ng marinig ang mga kataga na binitawan ng binata.
“S-alamat!” Tanging usal ni Prim.
“Let's eat ! Habang mainit pa ang mga pagkain!” Yaya ni Atty.pinaghila pa siya ni Atty.ng upuan .
Nakakabingi ang katahimikan sa kusina tanging kalampag lang ng mga kurbyertos ang maririnig mo sa buong paligid ,hanggang si Atty.Sirius na ang kusang bumasag ng katahimikan nilang dalawa .
“Prim mamaya pala ay papasok na ako may gusto kabang ipabili o ihabilin?”
“Wala naman Atty.pero baka mamaya rin ay umalis ako magkikita kame ni Lindsay sa Mall.!” Tumango lang si Atty.sa sinabi ni Prim kaya hindi na muli nagsalita ang dalaga at tinapos nalang ang pag aagahan nila.
*******
“Oh kamusta ang unang araw nang pagiging Mrs.Perez? “ Si Lindsay na bakas ang exciting sa mukha.
“Wala naman!” Usal ni Prim.
“Anong? Wala?”
“Bakit meron ba dapat mangyari?” Balewalang tanong ni Prim.
“As in walang Honey o making Love na naganap?”
“Shut up Lindsay!” Nahampas niya pa ang bibig ng kaibigan.
“What? Ano masama doon eh kasal na naman kayo girl!?”
“Lindsay baka nalilimutan mo kasal lang kame sa kasunduan diba? Yun lang yun!”
“Wala ba talaga pag asa?” Tanong ng kaibigan ni Prim hindi nalang siya umimik pa dahil di niya alam ano ba ang nais ng kaibigan niya,at isa pa malabo naman magustuhan ni Atty.ang tulad niya na walang alam sa gawaing bahay .
Hindi na namalayan ni Prim at Lindsay ang oras dahil sobra sila nag enjoy sa panonood ng Sine at pamamasyal kaya di na namalayan na hating gabi na pala at isa pa wala naman siya numero ni Atty.kaya naman hindi niya alam pano ito tatawagan o itetext,siguro ay magpapaliwanag nalang siya kay Atty.at isa pa baka wala naman din ito pakielam kung umaga na siya umuwi.
Nakarating narin siya sa unit ni Atty.hindi na niya naanyayahan si Lindsay na sumama sa loob dahil anong oras narin at isa pa nakakahiya kay Atty.kung basta basta nalamang siya magpapatuloy sa Unit nito.
Akmang bubuksan na niya ang pinto ng bigla itong bumukas at nag aalalang mukhang ni Atty.ang sumalubong sa kanya at hindi niya inaasahan ang pagkabig nito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na para bang takot na mawala siya sa paningin nito..
“Thanks God ,walang nangyari sayo na masama akala ko napaano kana! Masyado mo ako pinag-alala Sweetheart!” Naguguluhan man si Prim ay sumagot siya sa Binata.
“S-orry Atty.kung hindi ako nakapagtext na gagabihin ako dahil wala naman ako number mo pasensya na talaga!”.paghingi niya ng pasensya.
“It's ok Sweetheart!” Sabi ni Atty.habang patuloy parin na nakayakap sa kanya.
Nang mahimasmasan ay kusa naman bumitaw sa pagkakayakap sa kanya si Atty.at napaiwas ng tingin marahil gaya niya nabigla rin ito sa pangyayari.
Tumuloy na siya sa loob at napansin niya na hindi parin pala nakakapagbihis ang binata at talagang pinag alala niya ata ito ng husto.
Nagtungo na siya sa silid ni Atty.upang maghalf bath at magpalit ng damit pang tulog,paglabas niya ng silid hinanap niya si Atty.at naabutan niya itong nakaupo sa Sofa at abala sa kanyang Laptop,napansin din niya ang unan at kumot nito at talagang nahabag siya dahil alam niyang hindi comfortable sa higaan si Atty.
Umangat ng tingin si Atty. Sa kanya kaya bahagya siya napangiti at umupo malapit kay Atty.
“Gabi na di kapa ba matutulog?” Tanong ni Prim kay Atty.
“Tatapusin ko lang ito at matutulog narin ako!”
“Gusto mo palit nalang tayo ng higaan masyado maliit sayo ang sofang iyan at ako ay paniguradong sakto lang diyan at isa pa baka manakit ang katawan mo!” Suhestiyon ni Prim ,kaya tumigil si Atty. Sa ginagawa niya at tumingin kay Prim .
“Ok lang ako Prim huwag mo ako alalahanin!” Nakangiting saad nito,pero hindi kumbinsado si Prim sa sagot ni Atty.
“Gusto mo tabi nalang tayo sa kama lagyan nalang natin ng harang para naman maayos ang pag tulog mo!” Napatingin si Atty sa kanya kaya naman binawi niya nalang ang alok baka ano pa ang isip ng binata na baka isipin nito na may binabalak siyang masama dito.
“Pero ok lang kung ayaw mo talaga!” Akmang tatayo si Prim ng pigilan ito ni Atty.
“Ok fine kung gusto mo talaga ako makatabi ok lang sakin!” Ewan niya pero parang sa tinig ni Atty.ay nang iinis ito.
“K-apal mo naman Atty. Concern lang ako kung bibigyan mo malisya edi matulog ka riyan !” Pagmamaldita niya pero tinawanan lang siya ni Atty.
“Ok Sweetheart tatapusin ko lang ito! Handa mona sarili mo—!” naputol ang sasabihin nito ng batuhin ng unan ni Prim si Atty.
“Ang kapal mo! diyan ka na nga!” inis na turan ni Prim at nagmartsya na papasok ng silid.
Habang si Atty.ay naiwan sa Sofa na di mapigilan ang ngiti sa mga labi.