CHAPTER 5

359 Words
Samantala si Amanda ay wala paring alam sa magaganap mamayang gabi. Masaya pa syang nagluluto ng kakainin nila ng kasintahan. Nang magising kasi sya ay wala na ang binata sa tinutuluyang kwarto kaya naisipan nyang magluto nalang. May mga nakaimbak naman na pagkain sa ref kaya naisipan na nyang lutuin ito. Ngunit lumipas na ang maghapon ay wala parin ang kasintahan kaya nagalala na sya. Nang marinig na bumukas ang pinto ay agad nyang tinungo ito upang salubungin ang nobyo ngunit sa gulat nya ay iba ang dumating. "Sya naba ung sinasabi ni boss?" Ana ng isang lalaking nakasumbrero "Malamang, wala namang ibang babae dito" tugon naman ng isang lalaki "Jackpot ung makakabili sa kanya, ang kinis!" wika naman ng isang lalaking kalbo "Si-sino kayo? A-anong ginagawa ninyo dito?" naguguluhang tanong ng dalaga "Kami lang naman ang magdadala sayo sa langit, hehehe" sagot ng lalaking may sumbrero Agad nakaramdam ng takot si Amanda sa narinig. Nang biglang magsalita ang pamilyar na boses "Wag ninyo namang takutin si Amanda at pwede ba wag ninyo syang gagalawin kung ayaw ninyong malintikan kay boss" pagbabanta ni Mike sa mga kasama "Mike, s-sino sila? Bakit sila andito? Anong ibig nilang sabihin? Sino ang boss? Ma-mahal? sunod sunod na tanong ng dalaga sa mga kasintahan "Wag kang mag-alala mahal, mabubuti silang tao basta makinig ka lang sa kanila" at hinaplos nito ang kanyang buhok "Ma-mahal, hindi kita nauunawaan. A-anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tugon nya "Heto Ma-mahal, uminom ka muna ng tubig at ipapaliwanag ko sayo ang lahat" Kinuha naman ni Amanda ang basong inabot sa kanya ng binata. Ang hindi nya alam ay nilagyan ito ng gamot ng binata ngunit dahil malaki ang tiwala sa kasintahang hindi nya alam na sya palang magdadala sa kanya sa kapahamakan ay ininom nya parin ang tubig. "Hindi ba sinabi ko sayo na ngayon natin pupuntahan ang magiging trabaho mo? tanong nito. Tumango lang si Amanda sensyales na pag-oo nito "Sila ang sasama at magdadala sayo papunta sa boss" at itinuro ang tatlong lalaking tila naglalaway sa kanya. "Pero ang sabi mo saken ay ikaw ang makakasama ko" akmang lalapitan nya ang binata ngunit bigla syang nahilo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD