Samantala, sa mansyon ng mga Buenavista ay nagaagahan ang si Don Alejandro kasama ang kanyang kanang kamay na si Jacob.
"Jacob, kumusta ang imbestigasyon mo?" tanong ng Don
"Kompirmado po Don Alejandro, mamayang gabi po magaganap ang pagbebenta sa 3 dalaga. May nakalap din po akong impormasyon na isa sa mga babae ay ibebenta ng mahal dahil narin sa kalidad dito. Magaganap po ito sa Montefalka hotel" sagot ng lalaki
"Sige, ihanda mo na lahat. Tawagan mo narin ang ang aking kumpadre. Sigururaduhin mong makukuha natin ang mga dalaga. "
"Opo Don, masusunod po"
Napabuntong hininga nalang ang matandang Don. Maya maya ay nakatanggap ito ng tawag buhat sa kanyang anak.
"Papa" tinig ng babae sa kabilang linya
"Lorenza, iha, napatawag ka?" sagot nya
"Papa, wag ka ng tumuloy mamaya. Hindi ba ang sinabi mo sa akin ang uuwe ka lang para magbakasyon? Bakit sinabi saken ni Jacob na may operasyon daw kayong pupuntahan mamayang gabi?" bakas sa tinig nito ang pagalala
"Iha, wala naman ito sa plano ko ngunit ng may mabalitaan ako na may ganitong insidenta nanaman ang magaganap, hindi ko mapigilan ang sarili kong magsawalang bahala na lamang. Alam mo naman na sa ganitong sitwasyon ko din nailigtas ang iyong ina"
"Alam ko po Papa, pero hindi mo naman kailangan pang personal na pumunta. Marami kang pwedeng papuntahin"
"Lorenza, huli na ito. Pagbigyan mo na ako sa hiling ko, pagtapos nito ay hindi na ako babalik dito sa Pilipinas. Wag kang magalala at kasama ko naman Alexander, hindi ba pinasama mo sya dito?"
"Hay, sige po. Alam ko namang hindi kita mapipigilan. Basta Papa magiingat kayo. I love you" pagpayag nito
"Mahal din kita anak" at ibinaba na ang tawag.
Malapit ang loob ng Don sa mga babaeng nasasangkot sa human trafficing. Dahil ang nagiisang babaeng minahal nya ay biktima din nito. Isang gabi na nagkatuwaan silang magbabarkada ay pumunta sila sa isang auction sa Maynila. Dahil narin sa kilala at galing sa ma-impluwensyang pamilya ay nakapasok sila doon. Ngunit laking gulat ng Don dahil hindi bagay ang binebenta sa auction kundi mga babae. Sakto ng pagpasok nila ay last bidding na at ng makita ang babae ay nahabag sya sa itsura nito. Suray suray ito na halatang dinroga pa. Nakasuot ng manipis na damit, walang pangloob kayang kitang kita ang katawan nito. Paikot ikot ito sa loob na puro salamin na tila hawla sa isang ibon. Hindi sya nagdalawang isip na magbid kahit pa magalit sa kanya ang mga magulang. Di naman sya nabigo at nakuha nya ang dalaga. Pagkahatid nito sa silid nya ay agad syang tumawag sa kanyang mga magulang at kinwento ang pangyayare. Ang mga kaibigan naman nya ay tinulungan syang maiuwe at mapagamot ang dalaga na di kalaunan ay naging asawa nya.
" Cecilia, naririto nanaman ako sa Pilipinas kung saan kita nakilala. Gabayan mo ako ngayong gabi at tulungan na maisalba ang mga pobreng dalaga" bulong nito sa sarili