Parang namuo ang mala-mais na butil ng pawis sa sintido ni Kone. Hindi niya maintindihan kung dala lang ba ito ng alak na iniinom o dahil sa mga tanong ng kaibigang si Lexus. "None of the above?" he directly answered. Kahit malakas ang tugtog mula sa dance floor sapat pa rin ang lakas ng boses ni Kone upang marinig ni Lexus. "The heck, dude! You're joking, right?" hindi makapaniwalang pinagmasdan nito ang kaibigan. Napabuga na lamang ng hangin si Kone. Seryoso ang mga mata nitong tinitigan si Lexus. "This feeling is so freaking awkward," napahawak nalang ito sa kaniyang sintido at umorder ng mas matapang na alak sa bartender. Pakiramdam nito ay bumabaliktad ang kaniyang mundo dahil sa mga pinagsasabi. "The feeling is nerve-wracking but it feels good, too. I can't explain it, dude." K