"Umalis ka nga, dumbass! Hindi ko tuloy nakita ang shooting star," nanghihinayang na sambit ni Kisses habang inis na tinitingnan ang mukha ng lalaking nasa kaniyang harapan. "Why are you blaming my handsome face? Gan'on ba kalapad ang mukha ko?" kumunot ang noo ni Kone. Pinagmasdan nito ang dalaga at binaling ang paningin sa kapatid niyang tawa lang ng tawa mula sa likuran. "Damn! Kasalanan mo naman talaga dahil hinarangan mo," pagsusungit nito sa binata. Hindi nakapagsalita si Kone, tinitigan lang nitong mabuti ang mukha ni Kisses na halatang nagpipigil na din tawa. "If you want to wish on that shooting star, better try wishing on me. I can grant everything you want." Mayabang nitong isinandal ang likod sa kaniyang upuan. Bigla namang nasamid si Kisses nang makita niya ang binata. Da