MAAGA akong sinundo ng black lamborghining pagmamay-ari ng Dad ko, for him isa ang sasakyan na ito sa tinuturing niyang special sa kanyang collection. Sa totoo lang, hindi ko na din mabilang kung ilang sasakyan na ang nakaparada sa two hectare na binili nito para magsilbing parking area sa mansion namin. He is obsessed with cars, buwan buwan ay may binibili itong bagong sasakyan mula pa sa ibang bansa na pinapatulog lang naman nito sa parking area niya.
I just smiled at Maria ng kinuha nito ang bag na hawak hawak ko. She's my personal maid, tulad ng iba ay tahimik lang ito at masunurin. Nakakapagpatuloy ito ng pag-aaral sa isang state university sa di kalayuan dahil ako ng nagsisilbing benefactor niya. Ang mga magulang naman nito ay nagtratrabaho bilang caretaker ng pink garden sa mansion namin. Her brother Arman works as one of our drivers at sa araw na ito ay magkasama silang magkapatid para sunduin ako.
Tahimik lang akong naupo sa loob ng sasakyan namin, hindi ko na nagawang magpaalam kay Kierra dahil hindi na kami nagkita pagkatapos ng nangyari sa Guidance Office. Hindi na din ito nakapasok sa last subject namin at nakapatay na din ang phone niya.
I draw a deep breath.
Napailing nalang ako sa aking nakikita, congested na naman ang traffic. Kaliwa't kanan ang mga tumatawid sa kalsada, lahat nagmamadaling makauwi marahil ay galing ang mga ito sa opisina at excited ng makita ang mga pamilya nila.
Mas lalo akong napabuntong hininga, kung pwede ko lang sanang paliparin ang sasakyan namin para hindi ko maisip ang mga ala-alang kumakatok na naman sa aking isipan.
Back when I was a little kid, ganito din ang takbo ng buhay ng pamilya namin. My Dad is busy starting his business at ilang beses din itong umuuwing frustrated at pagod mula sa trabaho. My Mom is a plain housewife ngunit hindi ito nagkulang sa pagpaparamdam ng pagmamahal sakin. Her smile brings me love and happiness and I felt like she's my guardian angel. Palagi siyang nasa tabi ko to guide me and to care for me. Umuuwi ang Dad ko ng late noon tulad ng mga taong nakikita ko sa kalsadang ito ngunit hindi siya nawawalan ng pasalubong samin ni Mom. Minsan siopao, cake, fruits at kapag naman tuwang tuwa ito ay may kasama pang laruan. My Dad never showed his smile pero ramdam kong masaya siya sa tuwing sinasalubong namin siya ng halik ni Mom.
Our life was simple but it was full of love. Punong puno ng excitement ang buhay namin kahit pa mahirap at madaming pagsubok. Hindi ko talaga inasahang maglalaho ang pagmamahalang 'yon kapalit ng yaman at status na maabot ng pamilya namin.
Napatingala ako sa langit to prevent myself from overthinking. Alam kong konting push pa ay sisikip na naman ang dibdib ko at mag-iiba na naman ang takbo ng isipan ko. But I didn't expect na mas sisikip pa pala ang dibdib ko sa aking makikita.
Sa buong kahabaan ng EDSA ay Kuya ni Kierra ang laman ng lahat ng mga billboard and signage na nakapaskil dito. Hindi lang ito basta litrato kung hindi gumagalaw pa ang iba and damn! Nakatopless pa siya na akala mo isang sikat na modelo.
Kone Dela Viega, the successor of the Dela Viega Group of Companies and is considered as the Most Influential Billionaire in the Philippines, the Hottest Bachelor, the Wealthiest Young Male in the Country at ang dami pang papuri ang naka-address sa kanya.
He's really popular with his achievements maging sa mga kapalpakang nagagawa nito. Gustuhin ko mang alisin ang imaheng nakita ko sa opisinang 'yon ay hindi ko magawa.
I felt happy dahil nakaganti ako kay Ms. Eunice ngunit na disappoint naman ako sa kapatid ng best friend ko. Kierra told me that he is harmless, pero ibang iba naman ang nakita ko ng mga oras na 'yon.
"How's everything? I heard you blackmailed Prestige para dumalo sa isang date." napayuko nalang ako nang makarating kami ng mansion. Hindi pa ako nakakapasok when Dad asked me about what I did. Nakacross arms ito at parang kakadating lang din mula sa isang meeting.
I didn't answered him but instead I followed Maria papunta sa kwarto ko. Sumunod naman samin ang iba pang mga katulong who will assist me with everything, mula pagbihis hanggang sa pag-aayos ng sarili ko bago matulog.
I heard my Dad shouting but I ignored it. Hindi ko na dapat pakinggan ang mga sasabihin niya dahil mapupuno na naman ng sakit ang puso ko. He's heartless. Kapag nagumpisa siyang sumigaw ay susundan na ito ng madaming pag-iinsulto. Hindi naman din siya makikinig kahit pa kausapin ko siya but instead he will reject my achievements at paulit ulit na ipapamukha sakin ang failures ko.
After removing my uniform, mga katulong na din namin ang pumili ng pantulog na susuotin ko. Dalawa ang nagdala ng dinner sa kwarto at mayron naman tatlong assigned sa jacuzzi na inihanda nila according to my desire.
This is my daily routine sapagkat ito din ang bagay na nirequest ko mula sa aking ama at sumang-ayon din naman siya dito. It's been 12 years simula ng huli kaming magkasama sa isang hapagkainan at 'yon din ang huling beses na nakita ko ang mom ko.
I asked them to leave when everything was done. Napangiti nalang ako sa aking sarili when I soaked my body in the water, sa wakas ay makakapagpahinga na din ako mula sa araw na ito.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng may nagmamadaling tumakbo papunta sa kinaroroonan ko. Muntik pa itong madulas, mabuti nalang at napahawak siya sa posteng na gilid. Hawak hawak nito ang phone kong di tumitigil sa pagri-ring.
"Di'ba I told you not to disturb me Maria?" nangagalaiting sigaw ko sa kanya.
Maluha-luha naman itong lumapit sakin sabay abot ng phone na hawak hawak niya. "Pasensya na po Ma'am. Tumatawag po kasi si Miss Kierra, nakailang miss call na din po ito simula kanina."
I sighed. Sinenyasan ko nalang itong lumabas na bago ko sinagot ang tawag ng Indiana kong best friend.
"Why?" malamig kong tanong dito.
Mula sa kabilang linya ay narinig kong napabuntong hininga siya. "How is it besh? Naging maayos ba ang meeting mo with my big brother?"
"Meeting?" Napataas ako ng kilay. Ano kayang tinutukoy ng babaeng ito?
"Nakalimutan mo na ba? He requested me to leave the office at papuntahin ka. Hindi na nga kitang nagawang itext dahil dead battery na ang phone ko, akala kasi ni Kuya dinala kita sa labas. I just assumed na lalabas ka naman ng comfort room kaya di na ako nag-alala. Umalis na ako agad to settle everything para ready na ang lahat para sa magiging date niyo."
What the f*ck! Hindi pa rin pala natigil si Kierra sa kahibangan nitong papayag akong maging date ng Kuya niya. Worst is that gumawa pa talaga ng kasinungalingan ang kapatid nito para maka-score sa isang babae. Dapat ko bang sabihin sa kanya lahat ng nakita ko?
"Ah eh Kierra, wala -"
"Wala ng problema? Thanks God! Hindi mo alam kung paano mo ako pinasaya besh! Don't worry hindi ko naman sinabi sa kuya ko na ikaw ang magiging kadate niya. I'm sure magkakasundo din naman kayo during the entire date dahil mabait naman ang kuya ko kahit medyo masama ang ugali niya. Promise yan!" pakiramdam ko mauubos ang dugo ko habang pinapakinggan si Kierra. Ngayon lang siya naging ganito kadaldal at ramdam sa boses nito ang tuwa.
Napakagat labi nalang ako habang nag-iisip ng maisasagot ko sa kanya. Ayokong durugin ang puso nito pero kelangan kong gawin 'yon dahil alam kong impossible na magkakasundo kami ng kuya niya.
Hindi pa naman ako baliw para pumayag na makipagdate dito.
"Sorry besh. May urgent occasion daw pala kaming pupuntahan ni Dad sa Friday. Hindi talaga ako -"
"I asked your Dad already. Sabi nito you're free." s**t! Ilang beses na bang naputol ni Kierra ang sasabihin ko dahil sa excitement niya?
Peke akong natawa. Siguro kung may nakakakita lang sakin dito, iisipin na nababaliw na ako.
"Nako nagkaroon na talaga siya ng Alzheimer's. May pupuntahan talaga kami ng masungit na 'yon." natawa ako ulit. Tumayo na ako at mabilis na nagtakip ng towel sa katawan ko. Taena naman kasing babaeng 'to hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magpahinga.
Dinig kong natahimik ang kabilang linya kaya nilapag ko nalang sa kama ang phone ko, binuksan ko ang loud speaker at nagumpisa nang magbilis. Hindi ko alam na pula pala ang color ng pantulog na pinili nila sakin. Nagmumukha tuloy akong mas nakakatakot dahil dito.
Saglit akong nakarinig ng mahinang tawa mula sa kabilang linya. Si Kierra ba yun?
"KUNG IPAKIDNAP KAYA KITA BESH? MAKIKIPAGDATE KA NA SA KUYA KO?"
Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang huling tanong na binitawan ni Kierra. Ayoko mang maniwala sa sinasabi nito pero alam kong minsan lang magbigay ng threat ang babaeng 'yon. She's not lying at wala din itong balak makipaglokohan sakin. Mabait si Kierra pero sobrang iksi ng pasensya nito kapag humihingi siya ng pabor or mayron siya bagay na gustong makuha.
Siguro naprapraning lang ako but I requested for a break from our face to face class at ginamit ko nalang ang pangalan ng Dad ko para magkaroon ako ng project na maaring kong gawin sa loob lang ng mansion namin.
Tahimik nalang akong naupo sa study table ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Hindi ko na din nirereplyan ang mga chat ni Kierra dahil baka madagdagan pa ang anxiety ko.
Isang malakas na pagbukas ng pintuan ang bumasag sa katahimikang tinatamasa ko. Iniluwa nito ang pawisang si Maria, takot na takot ito at nanginginig pa sa takot.
"Ma'am kelangan niyo pong bumaba, emergency po!"