Chapter 45 Emerald Nagtataka si Carlos sa mga pinagsasabi ko. "Ano ba ang hindi ko nalalaman? Bakit mo naman nasabi ang ganiyan, Emerald? Eh, mabait naman ang mga magulang mo? Iyon nga lang wala na sila," sabi pa ni Carlos sa akin. Bumuntong hininga ako ng malalim. Nasa likuran ko siya habang naglalakad kami. Huminto ako sa paglalakad at bumaling sa kaniya. "Hindi naman ako tunay na anak nila Mama at Papa, Carlos. Itong taon lang din na ito ko nalaman na hindi pala ako anak nila Mama at Papa," seryoso kong sabi ko sa kaniya. "Ha? Hindi nga? Nagpapatawa ka ba?" tanong pa nito sa akin. Hindi ito makapaniwala sa akin. "Hindi ako nagpapatawa sa'yo. Kahit tanungin mo si Tita Margaret dahil nitong taon niya lang sinabi sa akin na hindi ako tunay na anak ni Mama at Papa. Sa sobrang galit