Chapter 44 Emerald Isang buwan na kami ni Tita, rito at isang linggo sa San Luis. Payapa naman ang buhay namin magtiyahin dito. Minsan pinupuntahan kami ni Tita Tinay. Minsan kasama niya pa ang mga taga-barangay. Tuwang-tuwa kasi sila nang malaman na sextuplets ang anak ko. Gusto pa nga ni Tito Benedict, magpa-party kami,Ssabi niya sasabihin niya kay mayor na sextuplets ang magiging anak ko, para raw libre na ang pag-panganak ko sa hospital at may pera pa raw akong matatanggap. Hinayaan ko lang sila kung anong gusto nilang mangyari. Basta ang mahalaga okay kami ng mga anak ko. Kasalukuyan nagsasampay ako ng labahan na nilabhan ni Tita sa ilog nang dumating si Carlos. "Emerald!" Tawag nito sa akin. "Ang laki ng tiyan mo. Totoo ba na sextuplets ang magiging anak mo?" Ngumiti ako sa